ღ Chapter 13 ღ

44 1 0
                                        

Chapter 13

 

-Kukie's POV-

Nandito na ako ngayon sa kwarto namin, nakahiga sa kama habang pinagmamasdam yung mga damit na nilabas ko mula sa mga paper bag  nakita ko kanina, iniisip kung kanino ang mga damit na ito. Imposible naman kasing kay Gino ito, ano. Magsusuot ba ng floral dress at mini skirt yun? Baka mas gugustuhin niya nalang mamaay kaysa magsuot ng mga ganoon. Hahaha!

Ayoko man, hindi ko maiwasang isipin na para kay Nicole ang mga ito. Pero sino ba ang niloloko ko? Ilang minuto matapos ko siya iwan doon sa lobby ay nag text siya sakin.

'Hoy Pandak, kung sa tingin mo magso-sorry ako kaya ako nagtext sayo, nagkakamali ka. First, I don't know exactly what I did so wrong to you. Second, I'm not expecting you to say sorry to me because I know you're not going to, anyways.

... yung mga damit sa bag sa room... it's yours. If you don't want it, just throw it.'

 

Iyon ang una niyang text. Habang binabasa ko iyon, hindi ko mapigilang lalong mairita. Grabe talaga siya! Pero hindi ko rin napigilang hindi ma-guilty nung mabasa ko yung huling part. At hindi ko pa natatapos basahin yung unang text ay meron na agad dumating na isa pang text,

'Hoy! Don't you dare think that I'm starting to like you just because I bought you clothes! Gusto ko lang mawala yung guilt ko for dragging you here without telling you where we're going,

Well, I think... that's the reason why you're mad at me, maybe? I'm'

 

Napakunot ako ng noo doon sa huli. Hindi ko kasi alam kung ano ang nangyari sa kanya, hindi kasi tapos yung message. Siguro dapat may sasabihin pa siya pero binura niya nalang kaso hindi niya nabura lahat.

Okay, inaamin ko, dahil sa ginawa niyang pagbili sakin ng damit, medyo nabawasan yung inis ko. Aaminin ko rin na.... kinilik ako doon. Pero kaunti lang ah! Hindi ko parin siya gusto. Hmp!

-

-

-

*Bzzrt~ bzzrt~*

Naramdaman kong nag-vibrate yung cellphone ko na nasa bulsa ko kaya kinuha ko iyon at tiningnan kung sino yung nag-text. Unregistered yung number pero binasa ko na rin. Baka kasi importante.

[Kukie, puntahan mo ako ngayon dito sa parking area. May ibibigay ako sayo. Si Gino ito.]

  

Si Gino? Bago agad number niya? Teka! Kukie? Tinawag niya akong Kukie sa text? Wow! Himala! Parang kanina lang, galit na galit siya sakin ah. Ano naman kaya ang ibibigay niya ngayon?

Tumayo agad ako at saka pinuntahan si Gino sa sinabi niyang lugar.

Pagdating ko doon sa parking area, wala akong nakitang tao kundi yung ihip lang ng hangin at yung mga kuliglig lang ang naririnig ko.

"Hoy Kapre?" tawag ko at saka nilibot yung tingin sa paligid pero walang sumagot. Medyo nakakaramdam na ako ng takot, ang dilim kasi dito sa parking area.

"G-gino?!" tawag ko ulit pero mas malakas na at kahit ako, nahalata kong may takot na sa tono ko.

"Psst!"

Nagulat ako nang biglang may mag sitsit sakin at paglingon ko sa bandang kanan ko ay nakita ko yung dalawang lalaking kasama ni Gino doon sa pictorial noong nakaraan.

Finding LoveMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon