ღ Chapter 21 ღ

30 1 0
                                    

Chapter 21

-Kukie's POV-

"Na-contact mo na ba si Mamsie?" tanong ko kay Gino na nasa kabilang side ng kitchen counter.

"Hindi pa." tipid niyang sagot habang kinakalkal yung pagkain niya ng chopsticks niya.

Hayy~ mula noong umalis si Mamsie papuntang China, sabi niya 2 weeks lang daw siya doon. Pero isang buwan na, hindi parin siya umuuwi. Ni hindi nga siya nagpaparamdam eh. Nag-aalala talaga kami sa kanya.

Mamsie, nasan ka na ba?

"I'm going to China." Sabi ni Gino sabay tayo at seryosong nakatingin sakin.

"Alam mo ba kung saan siya sa China?" tanong ko pero biglang nalungkot nanaman yung mukha niya saka umiling. "Baka naman nakauwi na siya dito. Natanong mo na ba yung mga kaibigan niya?"

"Pandak... ilang beses ko nang tinawagan si Min Jin, at wala pa daw si Eomma doon." Inis niyang sagot saka hinilot yung noo niya habang nakapatong yung siko niya sa counter.

.

.

.

.

Nakakatamad talaga dito sa bahay ni Gino mag-isa. Meron kasi siyang photoshooot ngayon kaya wala siya dito. Gusto ko sanang sumama sa kanya kaso ayaw naman niya. Kaya ayun, naghysterical nanaman ang lolo mo. Hmp! Siguro si Bakla yung photographer nila ngayon kaya ayaw niya akong isama, at baka ma-discover ko yung tinatago nilang kababalaghan. Hahaha! Joke lang.

Dahil sa sobrang inip ko, napagpasyahan kong bisitahin si Mrs.Galang sa shop niya.

-

-

-

"Madaaaamm!!!!" sigaw ko nang makita ko si Mrs.Galang na may kinakausap na bago yatang delivery guy at agad naman silang napatingin sakin. Mabilis kong nilapitan si Mrs.Galang at niyakap ito ng mahigpit.

"Kukie, kamusta ka na? Long time no see ah." masaya niya ring bati sakin.

"Mabuti naman po ako. Ikaw ho?" tanong ko sa kanya.

"Ayos naman." Sagot niya sabay yakap ulit sakin pero agad na kumalas para bigyan ng huling bilin sa bagong delivery guy bago bumalik sa table niya.

"Kamusta buhay may asawa?" nakangiting tanong ni Mrs.Galang habang nag-aayos ng gamit niya sa bag.

"Hay nako, Madam, sooobrang nakakaloka." Exag kong kwento at natawa naman siya.

"Define Nakakaloka." Natatawang sabi ni Madam.

"Nakakaloka, as in, maaga akong mamamatay sa sobrang kunsumisyon." Natawa ulit siya.

"Ganun talaga. Hindi naman titibay ang relasyon ng mag-asawa kung hindi sila nag-aaway eh." Sabi niya at napatitig lang ako sa kanya. "Basta wag lang kayong matutulog sa gabi ng hindi nag-uusap tungkol sa away niyo. At doon mo malalaman kung habang buhay kayo o hindi." Nakangiti niyang payo at natawa naman ako doon.

"Madam, nakakatawa naman yang sinasabi niyo. Hindi kasi namin ginagawa ni Gino yan eh." Sabi ko sabay tawa ng malakas, pero umiling lang siya habang natatawa.

"Nanggaling ka na ba kay Mrs.Han sa ospital?" napatigil ako sa pagtawa ko at nawala yung ngiti sa mukha ko nang marinig kong kakaiba yung tanong ni Madam.

"Po?" gulat kong tanong.

"Pupunta ka ba sa ospital ngayon? Sabay nalang tayo. Pupunta rin ako doon ngayon eh." Casual niyang sabi habang inaayos parin yung gamit niya.

Finding LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon