Chapter 10
-Kukie's POV-
Nang magising ako, naramdaman ko kaagad yung sakit ng ulo ko kaya napahawak ako sa ulo ko saka ako biglang may naalala.
Nanaginip kasi ako kagabi. Nakita ko daw si mama pero yung mukha niya malabo. Naglalakad siya palayo sakin tapos noong mahabol ko siya, niyakap ko siya ng mahigpit. Pero hindi niya ako kilala at tuluyan na siyang umalis kaya tinawag ko siya ng tinawag pero hindi na siya bumalik. Nakakatakot. Para kasing totoo eh. Yung pakiramdam ko doon, hanggang ngayon nararamdaman ko parin. Para akong nasu-suffocate.
Nang bigla kong mapansin kung nasan ako ay bigla akong napatingin sa paligid.
Bakit ako nandito? Teka. Ano ba ang nangyari? Ang alam ko nasa kotse kami ni Gino at pinagda-drive kami ni Louie. Tapos sabi ko sa España ako ihatid. Pero bakit ako nandito? Hay! Bahala na nga. Tatanuningin ko nalang si Gino mamaya-
*gasp* Teka! Baka may ginawa sakin na hindi maganda si Gino!
Pero mukhang wala naman. Mukha naming hindi gagawin ni Gino iyon. Sus! Iyon pa. Abot hanggang lampas ulo niya yung galit niya sakin. Tss!
Pagtapos kong mag-ayos ng sarili ko ay dumeretso na ako sa kusina para magluto ng breakfast ni Gino.
Habang nagluluto ako ay biglang tumunog yung phone ko.
"Hello?"
[P-pay?] sagot nung babae sa kabilang linya na parang nanginginig pa ang boses niya.
"Auntie? Bakit? May problema ba?"
[Pay... ano kasi eh,] nanginginig parin na sabi ni Auntie Cecile. Parang may hindi tama.
"Auntie? Umiiyak ka ba? Bakit? Anong nangyari?" nag-aalala kong tanong. Ano baa ng nangyayari? Kinakabahan ako sa tono ng pananalita ni Auntie.
[Pay, si Tiyang kasi eh...]
"Auntie, ano ba?! Sabihin mo na nga! Kinakabahan ako sayo eh. Anong nangyari kay Lola?"
[Dinala namin siya sa ospital kaninang madaling araw. Pay... bumalik nanaman yung sakit ni Tiyang. At mas malala na ngayon.]
Doon sa sagot ni Auntie ay hindi na ako nakapagsalita. Para akong sumabak sa Ice Bucket Challenge pero isang malaking drum ng yelo yung binuhos sakin. Naririnig ko si Auntie na tinatawag ako pero parang ayaw kumilos ng katawan ko at ayaw sumunod sa utak ko. Hindi ako makapagsalita. Para akong mababaliw.
Napaupo ako sa sahig doon sa likod ng counter at doon na napaiyak.
-Gino's POV-
Paglabas ko ng kwarto ko at habang papalapit ako ng kusina ay bigla akong napatigil sa paglalakad ng may marinig akong umiiyak. Hinanap ko yung iyak at pagsilip ko sa likod ng countertop ay nakita ko si Pandak. Nakaupo sa sahig at nakatakip yung mukha ng mga palay niya. Para siyang batang iniwan ng magulang- ah! Oo nga pala.
Anong problema nito? Bakit siya umiiyak?
"Hoy!" tawag ko sa kanya at napatingin naman siya sakin. Halata sa reaction niya yung gulat. Agad niyang pinunasan yung mukha niya saka tumayo pero nakaiwas siya ng tingin sakin. "Anong ginagawa mo?"
"Na-nagpa-practice umarte." Sagot niya pero halata sa boses niya yung panginginig. Tinitigan ko lang siya saka siya napatingin sakin.
"Wag mo nga akog niloloko. Kagabi umiiyak ka habang natutulog. Ano ba talaga ang problema mo? Baliw ka na ba talaga?" sabi ko at saka nakipagtitigan sa kanya. Kitang kita sa mga mata niya na may malaki siyang problema. Pero ano iyon?
BINABASA MO ANG
Finding Love
RomanceSNIPPETS: ** Hindi ko talaga maintindihan si Mama. Mag-aampon nalang ng tanga... yung reyna pa. ** "*sigh* Asar! Ano ba ito!? Nahawa na yata yung puso ko sa utak ni pandak. Magkaka-sakit yata ako." ** "Sariwa parin sa isip ko ang mga...
