05 | Lucy and Lucas

873 34 5
                                    

←----• 05 •----→

"Lucy and Lucas"
❅────────❅•°•°•❅────────❅
— Samantha's POV —



Napariin ang pikit ko sa aking mata ng tumama ang sinag ng araw sa mukha ko. Sino ba kasing nagbukas ng kurtina!?

"Ughhh! Who the hell open that damn curtain!? And who told you to come inside my room!?" Sigaw ko habang nakapikit pa rin. Sa totoo lang ang sakit ng katawan ko kaya gusto ko pang matulog.

Napangiti na lang ako ng mawala na ang sikat ng araw sa balat ko. "Wag nyo na ulit bubuksan yang kurtina..." sabi ko at unti unti unting nagpapalamon sa antok pero, kingina, bakit may nagpupunas sa akin!?

"Ughhh! I know that I'm drunk but please! Can you stop wiping my face with a wet towel and just leave my room!?" Sabi ko at tumagilid. Pinunas punasan ko pa ang pisngi ko at, ang lagkit ng tubig.

Di ko na lang pinansin dahil inaantok ako pero, kamay ko naman ngayon!

"Ano ba- AHHHHHHHHHHHHH!!!!!!!" Sigaw ko at agad napatayo at nagtatakbo.

Kingina! M-may tigre!

"Ahhhh ta***na!" Lalo akong napasigaw ng makitang hinahabol ako nito. Sa pagtakbo ko ay tinatawag ko na lahat ng santo.

Sa kakalingon ko, nabangga ako sa isang bagay at sa lakas ng impact ay napatilapon pa ako.

"Shutanginames!"

"Hala!" Sigaw ng maliit na babaeng tinig at narinig ko ang yabag niya na papalapit. Hawak ko ang balakang ko na nananakit. "A-ate, ayos ka lang?"

"Sa tingin mo!?" Sigaw ko kasabay ng pagmulat at sumalubong sa akin ang isang gusgusing batang babae. Pinagtagpi tagpi lang siguro ang damit niya at maalikabok din ang kanyang katawan. Medyo magulo rin ang kanyang kayumangging buhok.

"W-who the hell are you?" Tanong ko at bahagyang lumayo. Baka manghingin to ng limos!

"M-maharlika ka? P-patawad! A-aalis na po ako!" Halata ang takot sa kanyang mga mata. 'Maharlika' ?

"Sandali!" Sigaw ko at agad siyang hinawakan na nagpaigtad sa kanya.

"Hala! B-bakit nyo ko hinawakan?" Sabi niya at nanlalaki ang matang nakatingin sa kamay ko.

"S-sandali... Maharlika? Ano to? Sinaunang panahon?" Nangunot ang kanyang noo. Nabitawan ko siya ng lumapit siya sa akin.

Sinipat-sipat niya ako. Lalong nangunot ang kanyang noo. "Hindi mo alam ang maharlika? At ano nga pala yang suot mo? Hindi yan pang-maharlika, pampaaralan yang suot mo ngunit hindi ganiyan ang suot ng mga nag-aaral sa academia. At tsaka, ano nga palang ginagawa mo dito sa mapanganib na kakahuyan?" Mahaba niyang tanong.

"A-ako si Samantha. N-nalasing ako at di ko na alam ang nangyari, nakatulugan ko na itong school uniform ko and nandito ako sa kaka- WHAT THE HELL!?"

"AHH!" Naisigaw niya rin ng sumigaw ako. N-nasa k-kakahuyan nga ako!

"Sabihin mo! Saang lupalop ng Manila naroon ako!? Tell me!" Sigaw ko at niyugyog ang balikat niya. Parang wala namang epekto sa kanya ang pag-alog ko kahit malakas.

"Teka po! Anong Manila? At wag nyo kong pagsalitaan ng Ingles! Di ako maharlika kagaya nyo na nag-i Ingles!"

"Ano!? Di mo alam ang Manila!? At ano ba yang maharlika na yan!?"

"Luzarcia ang pangalan ng lugar na ito at hindi Manila! Sabihin mo nga! Tagasaan ka ba!?"

"Taga Locerne's Ville ako! At anong Luzarcia!? Anong region ba yan!?"

"T-teka nga ate!" Sabi niya at napahilot sa sintido. "Ako ang nababaliw sa pinagsasabi mo!" Aba!? At siya pa ang nababaliw!

Ipinalibot ko ang paningin ko.

Mapuno. Kulay brown ang mga dahong nalaglag na at nauupuan ko. Hindi mausok. May malaking tigre kanina na dinidilaan ako- t-teka! Yung tigre!

"Ahhh!!!"

"Ahhh! Ano ba!?" Sigaw na naman niya at tinakpan ang bibig ko. "Kanina ka pa sigaw ng sigaw! Baka makita ako ni-"

"LUCY!!!" namutla bigla ang batang kaharap ko. "Patay." Naiusal niya. Agad kong tinanggal ang maliit niyang kamay at muling sumigaw.

"Ahhhh!!! May tigre!"

"Sh** LUCY!" narinig kong muling sigaw at kalauna'y nakakita ako ng lalaking tumatakbo papalapit sa amin. "Lucy!"

"Ano ba kuya!? Napaka-ingay mo!"

"Lucy!? Bakit nandito ka!? Alam mo bang mapanganib dito!? Asan yung tigre!? Tara na!"

"Sandaleeee!!!" Sigaw niya at agad na iwinaksi ang kamay ng kuya niya daw. Napatingin sa akin ang batang babae na Lucy ang pangalan.

"Paano siya?"

"Anong pan- anakkanangtigre!" Sigaw nito matapos akong mapansin. Talaga lang hah!? Kanina pa kaya ako dito!

"Kuya! Isama na natin siya! Mukhang nawala ang kanyang ulirat at mga ala-ala matapos makasalamuha ng malaking tigre!" Nawala ang ulirat mga ala-ala!? Ano yun!?

"S-sige sige!" Lumapit ito sa akin. Hinawakan ang kamay ko at itinayo ako ngunit bigla akong napaupo.

"Aray! Na sprained yata ako!"

"M-maharlika?" Yan! Yan na naman yang maharlika na yan!

"Ano ba yang maharlika na yan!? Care to fucking tell me!?"

"Wag ka magmura!"

"Naintindihan mo ko?" Takang tanong ko. Nanlaki naman ang mata niya at bigla na lang lumuhod at yumuko sa akin. Hala!

"P-patawad! L-lihim akong nag-aaral! K-karapat dapat akong p-patawan ng kamatayan!"

"Kuya!?"

"Lucy! Umalis ka na! Madadamay ka!"

"Pero-"

"SANDALI NGA!!!" sigaw ko na nagpatigil sa dalawa. "Sa totoo lang gulong gulo na ako! Una sa lahat, hindi ako maharlika! Ano ba yang maharlika na yan! Pangalawa, ganun na ba ka big-deal ang English para patayin kita!? Pangatlo, nasaan ako!? Manila lang ang alam kong lugar! Kung saan mang lupalop ng Mars to, gusto ko ng makauwi! Pang-apat, anong nawalan ng ulirat at ala-ala!? At ang huli! Kingina! I-explain nyo lahat ng nangyayari!!" Hinihingal akong napahinto sa pagsasalita. Nakita ko naman na nakatanga sila sa akin. "Ano!?"

"Teka, hindi ka talaga maharlika?" Tumango na lang ako kahit naiinis na.

"Di mo alam ang lugar na ito?" Tumango akong muli.

"Kung ganun ay nawalan ka siguro ng memorya." Anak ng... kingina, sige sakyan.

"O-oo."

"Ganun ba? Sige, dun ka muna siguro sa amin. Ipapaliwanag ko ang mga bumabagabag sayo. Ako nga pala si Lucas." Sabi niya at nakipagkamay sa akin. "At siya, ang kapatid ko, si Lucy."

Kumaway sa akin yung batang babae. "Tara na at lisanin ang kagubatan na ito. Maraming nagkalat na mababangis na hayop dito." Tumango ako. Pumito siya't ilang saglit ay nakarinig kami ng papalapit. At dumating ang isang kulay kayumangging kabayo.

"Tara, sakay na."

Luxious Academy 1: Realm Of The Elementals (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon