21 | Intimidating

636 26 0
                                    

←----• 21 •----→

"Intimidating"
❅────────❅•°•°•❅────────❅
— Samantha's POV —



Nakatingin lang kaming dalawa sa taong nasa harapan namin. Katulad ni Haze, mukhang nasa mid 40's din ang dalawang lalaki. Ang isa ay nakaka-intimidate ang itsura dahil sa pagiging seryoso ng ekspresyon nito. Sya ang nakaupo sa gitna. Ang nasa kanan naman ay nakangiti sa amin habang nakapatong ang siko sa table nya at magkahawak ang kamay.

"Students, sila ang iba pang Headmaster kagaya ko. His name..." sabi ni Haze at itinuro ang nasa kaliwa na hanggang ngayon ay nakangiti pa rin. "...is Cain Dolchuz. Headmaster two. And this..." she said again and point the man who's sitting on the middle. "sya naman si Aeriel Zeban. Headmaster one."

Napalingon ako kay Lucas ng yumuko siya kaya naman yumuko na rin ako.

"M-magandang gabi, Headmasters..." sabi nya at nanatiling nakayuko kaya nakayuko pa rin ako.

For Pete's sake, ang sakit na ng leeg ko!

"Heads up." Mabilis naman kaming nag-angat ng tingin ng marinig naming nagsalita si Headmaster Cain.

"Tama ang hinala ko..." para kaming natulos sa kinatatayuan ni Lucas ng marinig ang malamig na boses ng unang headmaster. Nakakanginig...

"Anong hinala, Riel?" Takang tanong ni Headmaster Haze. Si Headmaster Cain ay nagtataka rin.

"Cain, sinabi nya ang salitang 'heads up' sa salitang ingles na hindi maiintindihan ng mga taga Cerban, gaya nyo." Sabi nya habang tutok ang paningin sa aming dalawa. His piercing blue eyes are focused on us.

Napalingon ako sa katabi ko ng makitang nasa likod niya ang dalawang kamay at nanginginig itong magkahawak.

Tsk! Oo nga pala, dapat nagpanggap kaming di namin naintindihan ang mga sinabi nila sa wikang ingles!

"Riel... Tinatakot mo ang mga bata." Sabi ni Miss Haze na may pag-aalala kaming tinignan.

"You two must die right now because of disrespecting the high courts law which is 'do not study without permission' ." Nakita ko ang pagpikit ni Lucas at ang sunod-sunod na paggalaw ng Adams apple nya kaya naman naglakas loob ako at hinawakan sya sa balikat para pahupain ang kabang nararamdaman niya.

"Lucas, huminahon ka..." sabi ko sa kanya. Tumango naman sya at huminga ng malalim. Ngunit naroon parin ang panginginig ng kamay nya.

"Aeriel..." ang kaninang mahinahon na si Miss Haze ay biglang naglaho. Seryosong seryoso ito ngayon at tila hindi mababakasan ng ngiti ang mukha.

"Estudyante na sila ngayon ng Akademia. Hindi mo na sila maaaring isuplong sa korte ng paglilitis para dalhin sa tore ng makasalanan para parusahan. You should welcome them and not threaten!" Madiing sabi ni Miss Haze dito. Napatikhim naman si Sir Cain dahil sa nararamdamang tensyon sa paligid. Ngunit nanatiling blangko ang ekspresyon ng ika unang namumuno.

"A-ahh, I think, its better na ihatid ko na muna ang dalawang bata sa respective dormitories room nila para makapagpahinga. T-tara, h-hehe." Ani Sir Cain at mabilis kaming hinila palabas ng Headmasters office.

Nang makalabas ay halos matumba na sa panginginig ng paa si Lucas. Mabuti nalang at mabilis itong nadaluhan ni Sir Cain.

"Ayos ka lang?"

"O-opo, k-kinakabahan lang..." sagot nito at maayos ng tumayo. Napailing nalang ang kasama namin.

Napa inhale ito ng hangin. "What you did two is very risky. Nag-aral kayo ng palihim. Delikado yan kung mismong mga nakakataas ang nakaalam noon bago pa man kayo makapasok dito dahil diretso kayo sa korte. Maswerte kayo at nakapasok na kayo ng akademia kundi, paparusahan kayo. Tsk tsk tsk." Sabi nito at napailing pa.

"Tara, ihahatid ko na kayo sa dorm nyo. Ahh, nga pala, sa bawat dorm, may tatlong kama. Pero yung sa isang dorm ng boys ay ginawang apat dahil nadagdag ka." Sabi niya habang nakatingin kay Lucas. Tinanguan siya nito.

"Ang dorm ng boys at girls ay magkahiwalay. Masyadong malandi ang boys eh- oops." Sabi nito at natawa pa. Hindi naman namin mapigilang mapabungisngis. Mabuti at hindi tulad ng headmaster one si Cain, Headmaster two has a humorous aura.

Malayo-layo rin ang nilakad namin. Bago kami umalis ng kastilyo ng mga headmasters ay kumuha muna ito ng Luminous glass cage para naman daw may magsilbing liwanag sa amin papunta sa dorm.

Binalikan namin ang daang nilakaran kanina palabas ng kastilyo at lumiko naman sa kanan. Nadaanan namin ang isang fountain na kumikintab dahil sa liwanag na nanggagaling sa bilog na buwan. Lumiko kami doon at dumiretso sa isang way sa gilid ng paaralan. Ang taas ng mga pader ng mismong mga classrooms pero hindi ko pa maidetalye ang itsura dahil narin nga sa madilim.

"Nandito na tayo." Sabi ni Sir Cain at nakapamewang na pinagmasdan ang parang tore ngunit may kalapadan na istraktura.

"Ang nasa kaliwa ang sa lalaki sa kanan ang sa babae. Si Sam na muna ang ihahatid natin." Sabi in Sir Cain kay Lucas. Tinanguan siya nito at sabay sabay na kaming naglakad papunta sa dorm ng babae. Buong lugar na tinatapakan namin ay gawa sa Bermuda grass. May mga puno rin at sa ilalim nun ay mga benches na may mga mesa rin sa harap na gawa sa kahoy. Maganda ang pagkakaukit doon.

"Sa hallway number six ka, room 28. Ito ang key" Sabi nya sa akin at iniabot ang susi sabay iminuwestra ang loob. Binigyan ko naman sya ng duh-do-i-know-how-to-get-there look.

Tinawanan naman ako nito na parang naintindihan ang sinabi ng itsura ko. "Pasensya na binibini ngunit ang mga lalaki ay hindi maaaring pumasok dyan."

Oww... Oo nga pala.

"S-sige, goodnight po." Sabi ko sa kanila.

"Goodnight."

"Goodnight, Sam." Sabi ni Lucas. Hinatid pa muna nila ako ng tingin habang naglalakad ako papasok bago sila umalis. Maliwanag naman bawat hallway kaya hindi na ako nahirapan. Kada hallway ay may mga Luminous glass cage sa bawat gilid ng pintuan ng mga kwarto kaya maliwanag talaga pero iba ang hugis ng cage, imbes ba papari-haba pabilo-haba naman ito.

Mukhang light stick pag may concert ang K-pop hehe. Paano kaya kung magnakaw ako ng mga ganyan tapos ibenta sa mortal world para sa mga concerts?

Ah, stupid idea.

Nagkalat din ang vases at kakaiba ang aroma sa lugar. Babaeng babae ang amoy at may mga chandeliers pa rin kada ilang metro ang nadaan at carpeted ang daan ng kulay pulang marmol. Kada dulo ng hallway ay may hagdan paakyat para sa panibagong floor. Nakita ko sa ground floor na walang room para sa mga estudyante. Mga room lang ang nandoon para sa mga kakailanganing gamit ng mga estudyante.

Nabasa ko ang sign sa itaas ng hagdan ang number six na nakasulat in cursive way na kulay ginto. Lumiko ako doon at nagsimulang basahin ang kada number sa pintuan. Nang matunton ang room ay dahan-dahan kong ipinasok ang susi at pinihit ito. Nang makapasok ay sumalubong sa akin ang tahimik na sala. May mga set of sofas din at may centre table. May vases din. May dalawang pintuan na nandoon. Isa sa harap ko at isa sa may bandang dulo ng kwarto.

Must be the comfort room.

Huminga na ako ng malalim at pumasok sa pintuang nasa harap ko. Pagkapasok ay dahan dahan ko ding sinara ang pintuan dahil nakita ko sa dalawang kama ay inookupa ito ng dalawang tulog na babae. Nakatalikod ang dalawa sa pwesto ko kaya naman di ko makita ang mga mukha nila. Maganda ang kama at sobrang lambot. Magkakaiba rin kami ng kulay ng kama.

Ang nasa dulo ay sky blue halos lahat ng nandoon. Red naman sa gitna at pink ang nasa akin. Ang maganda sa pwesto ko ay katapat nito ang malaking bintana. Nakatali pagilid ang makapal na bloody red curtain doon. Nakasara ang bintana ngunit kita ko parin ang ang ganda at liwanag ng buwan dahil narin sa clear ang salamin. Lumapit ako doon at marahang tinulak ang bintana para mabuksan, ang bintana ay nahaharangan ng bakal. Nang tuluyang mabuksan, nakita ko na ng maayos ang magandang buwan. Tinitigan ko ito.

'Ikaw ang nakasama ko nang lumubog ako sa tubig... Sabihin mo, anong nangyari at napasok ako rito?

Why am I so fascinated by you whenever I see you?'

Luxious Academy 1: Realm Of The Elementals (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon