44 | Confusions

358 13 1
                                    

←----• 44 •----→

"Confusions"
❅────────❅•°•°•❅────────❅
— Samantha's POV —


NAGISING AKO NG maramdamang may umalog ng bahagya sa akin. Handa ko na sana itong suntukin dahil sa pang-iistorbo sa akin sa pagtulog ng maalala na nasa ibang mundo ako.

Nabubugnot man dahil sa pang-iistorbong naramdaman ay minabuti ko na lang na isantabi. Dahan dahan akong nagmulat at napapikit pa ng masilaw sa liwanag na nagmumula sa malaking bintana. Doon pala ako nakaharap.

Muli akong dumilat at hindi na nasilaw pa dahil nasanay na sa liwanag.

"Sam, gising na. Baka mahuli tayo," rinig kong sabi ni Arine kaya naman bumangon na ako at naghikab.

"Good morning," bati ko ang nag-unat. "Nasaan si Firexia?" tanong ko sa kaniya ng makitang wala na si Firexia sa kama nito. Maayos na rin ang kama nya.

"Good morning din, naliligo na siya." Ani Arine na naka uniform na habang inaayos ang kama nya.

"Ahh. . ." sagot ko na lang at tumayo na rin para mag-ayos.

Kumuha muna ako ng mga gamit sa sarili kong kabinet at matapos makuha ang kailangan ay inayos ko naman ang kama ko.

"Hey, Sam. Una na kami sa baba, ah? Doon ulit sa may bench," ani Firexia na nakasilip sa may pintuan.

Tiningnan ko ito at saka tinanguan bilang pagsang-ayon at lumabas na nga silang dalawa.

Agad na akong lumabas ng maayos ang kama ko at dumiretso sa banyo para maligo.

Sa gitna ng paliligo ay napatigil ako.

Nakapikit ako nang maalala ang nangyari kahapon. Hanggang sa pagtulog talaga ay hina-hunting ako nang nangyari. It's not about Azriel's reactions but it's about the library. Mas lumakas ang urge ko na pasukin ang lugar na 'yon. Kahit sa pagtulog ay iniisip ko pa rin kung anong nangyari na sana kung nakapasok ako kahapon.

Napabuntong hininga na lang ako nang mamuo muli ang inis sa akin pero napag-isip isip ko rin na tama lang din ang ginawa ni Azriel dahil bahay nila 'yon at may karapatan siyang pigilan ako. Pero hindi ko rin naman maitago ang inis ko dahil nawalan ako ng pagkakataon at hindi ko na ulit alam kung kailan ako ulit makakapasok doon.

Matapos kong maayusan ang sarili ay di na ako nagpaligoy-ligoy pa at lumabas na ng dorm. Wala ako sa huwisyong naglalakad sa hallway pababa sa mga pasilyo. I am thinking of anmother strategies para makapasok ulit sa naturang pasilyo.

"I can use Azee—," napahinto ako at napaaray ng mahina nang bumangga ako sa anumang bagay na nasa harap ko. Napagtanto ko na tao pala ito nang makita ko ang paa nito.

Tiningala ko ito at tiningnan kung sino. Nilingon ako nito at tinitigan lang. Walang kahit anong reaksyon na  makukuha sa mukha niya. Wala rin siyang naging reaksyon sa naging pagbangga ko sa likuran niya. Ano ba kasing ginagawa niya rito sa harap ng pintuan palabas ng dorm? Haharang-harang, tsk.

Nag-iwas na lang ako ng tingin at akmang lalakad na ng tuluyan palabas ng bigla niyang iniumang palapit sa akin ang hawak na dumpy egg. Sa bilis ng pangyayari, agad na nahawakan ko ang pugad at siya namang pag-alis niya.

"Sino na namang demonyo anh sumanib sa isang 'yon?" tanong ni Firexia nang makalapit ako sa kanilang. Nagkibit balikat naman si Lucas at binati ako ng magandang umaga na sinagot ko naman din.

"Binangga kasi ni Samantha sa likod. Ayan, nagalit," nang-aasar na sabi ni Aeros. Nang tiningnan ko siya ay napa-peace sign na lang ito, "Kidding, morning!"

Luxious Academy 1: Realm Of The Elementals (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon