39 | Unusual Lady

506 16 0
                                    

←----• 39 •----→

"Unusual Lady"
❅────────❅•°•°•❅────────❅
- Samantha's POV -



NANDITO NA KAMI ngayon sa harap ng hapag. As usual ang iingay nila. Hindi na naman maawat ang bibig ni Aeros sa kakasalita. Si Lucas naman ay sinasabayan na rin siya. Si Light nakikitawa maging itong dalawang katabi kong babae habang si Azriel...

"Hanggang ngayon ba tulog pa rin ang isang 'yon? Ang tindi ah!" ani Firexia.

Yeah, hanggang ngayon wala pa siya rito sa dining. Hindi na namin siya hinintay pa dahil lahat ay nagsisipagpunta na rito. Sabi naman din ni Light mauna na kami at susunod naman 'yon.

What if, ang dahilan kaya di pa siya bumababa ay dahil sa akin? Dahil sa naging sagutan namin kagabi?

Wait, since when pa akong natutong mag-overthink, psh.

"Samantha," tila nabalik ako sa ulirat ng may humawak sa balikat ko. Si Arine pala. Kakaisip ko pala sa prinsipeng 'yon ay nag-i-space out na ko.

"Sorry, ano yon?"

"We've asked you several times anong gusto kong kainin. Sino ba 'yang iniisip mo hah?" Nanunudyong tanong ni Firexia at saka ako mahinang dinali ng siko niya.

"Hindi niyo ba pupuntahan man lang si Azriel?" tanong ko. Napanganga naman ang mga ito at kulang na lang pasukan ng langaw ang bibig.

Nako, ito na nga ba ang sinasabi ko kaya ayokong nagtatanong. Mga mai-issue rin ang mamamayan dito!

Syempre, nanguna na ang tukmol, "Uy, iniisip si prince," pang-aasar ni Aeros sa akin while making a face. I gave him a no-facial-reaction as an answers. Hindi naman ito natinag. Tell me, is he really a prince? Tsk.

"Are you falling for the ice prince? OMG, Samantha!" gatong pa ni Fire. I heave a sigh and shookt my head. Wala ng pag-asa ang mga 'to.

"He's still sleeping, I guess," there, I got a good answer from Light.

"Yup, mukha nga. Pagkaalis kasi namin tulog pa eh. Hindi na namin ginising dahil baka magyelo kami bigla." Mukhang alam na rin ni Lucas ang ugali ng kasama niyang beast sa dorm.

"Ah, iniisip ko lang-"

"Gusto mo siya- ARAY KO!"

Hampas ni Light ang nakapagpatigil dito, "Shut your mouth when someone's talking, Aeros Wind. Show what you have learned in etiquette classes."

Napaikot na lang ang mata ko at nagpatuloy na sa sasabihin ko. "Iniisip ko kasi kaya wala siya rito at hindi pa nababa dahil sa kagabi," sabi ko habang nakatingin ng matiim sa mesa. "Baka hanggang ngayon iniisip niya yon, mahirap talagang may unfiltered mouth."

"Don't worry, Sam." Ipinatong ni Arine ang kamay niya sa balikat ko at ngumiti. "Mukhang di rin naman niya dinibdib ang sinabi mo dahil may minsang pang nakitawa siya sa amin kagabi. At alam naman niya ring 'he's worth loving for' kaya hindi siya maaapektuhan basta roon sa sinabi mo."

"Arine's right. Minsan na rin naman siyang nahuli dati na sumabay sa amin," dagdag pa ni Light at nginitian ako kaya tumango ako bilang sagot sa kanila.

Now we are waiting for our breakfast to be served. Habang naghihintay ay doon ko sila malayang napagmasdan. Being with them in this unknown world for me felt somehow different.

Pakiramdam ko ay safe ako kapag kasama ko ang mga taong to. I've never felt being this comfortable towards people. Lagi akong sanay na mag-isa. Pero pagdating sa mundong to parang ang bilis kong napagkatiwalaan ang mga taong to.

Luxious Academy 1: Realm Of The Elementals (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon