16 | Elemental Game 9 (Last Stage)

660 29 0
                                    

←----• 16 •----→

"Elemental Game 9 (Last Stage)"
❅────────❅•°•°•❅────────❅
— Samantha's POV —



Napapikit nalang sya dahil sa kaba. Naglaho bigla si Anxiety. At alam nyang nagsisimula na ang ikatlong hakbang. Isang hakbang nalang ang natitira at mukhang ito pa yata ang magiging dahilan para di sya makapasok sa Akademia.

'Pero nangako ka sa bata.'

Yun ang isa sa mali nya. Nangako agad sya kay Lucy bago matulog kagabi na gagawin niya ang lahat ng makakaya makapasok lang ng Akademia para maturuan ito. Kita sa mata ng bata ang tuwa.

'At hindi ko kayang sirain ang saya na yun.'

Huminga sya ng malalim at mahigpit na ikinuyom ang kamao. At parang napaso sya sa kinatatayuan ng marinig ang boses na matagal na nyang hindi naririnig.

"Anak..."

Lahat ng alaala ng nakaraan ay nanumblik sa kanya. Agad siyang binalot ng takot ng magpaulit ulit sa isipan nya ang mga bagay na pilit na nyang kinalimutan noon.

Pinapikit siya ng psychiatrist at doon ay inutusan syang sabihin ang nakikita.

Agad na lumalim ang kanyang paghinga ng makita ang ina sa isipan nya na sa kanya ay nakangiti.

"Anong nakikita mo, iha?"

"S-si mama po..."

"Anong ginagawa ni mama mo?"

"Nakangiti-" Napatigil ang batang si Samantha ng magbago ang nakikita niya sa kanyang isipan. "M-mommy... N-no..."

"Samantha? Samantha? Tell me what you are seeing..."

Sa isip ni Samantha ay biglang naglaho ang ngiti ng ina. Napalitan ito ng lungkot at maya maya lang ay nasa bahay na nila ang senaryo. Nakita ni Samantha ang sarili na iniiyakan ang labi ng ina matapos nitong kitilin ang sariling buhay.

"MOMMY!!!!!!!!"

'My greatest fear was losing them so as my forlorns...'

Ipinikit nya ang mata nya at naramdaman nya ang pamamasa nito. Hanggang sa hindi na niya kinaya at namalisbis sa pisngi nya ang luha na kanina pa pinipigilan at lalo lang itong bumuhos ng maramdaman nyang may nagpunas nito.

"Anak, bakit ka umiiyak?" Tanong ng kanyang ina sa kanya.

"Anak, ayus ka lang ba?" Sunod na tanong ng kanyang ama.

Lumakas lalo ang kanyang hikbi. For the past years, ang tagal kong hiniling na sana marinig at maramdaman ko ulit sila pero, ngayong nangyari na, hindi ko kinaya. Parang bibigay ako anumang oras.

Naglakas loob sya na imulat ang mata at napaiyak ng makita ang nag-aalalang mukha ng kanyang mga magulang.

"M-mom... D-dad..."

"Bakit?" Sabay na tanong ng dalawa. Handa na nya sana itong yakapin ng biglang lumitaw sa likuran ng mga ito ang ina ni Kendra. Ngumisi ito sa kanya at biglang itinulak ang magulang nya.

"No!!! Mom! Dad!!!" Malakas na sigaw nya at tiningnan ang kanilang pinaglaglagan. Hindi nya ito maaninag mula sa sangang kinauupuan dahil sa sobrang taas. Napatingin sya sa pwesto ng ina ni Kendra kanina. Wala na ito. Patuloy pa rin ang pag-iyak niya dahil sa nangyari.

Lumingon lingon pa sya sa paligid. Hanggang sa napayuko nalang at umiyak. Maya maya lang ay may yumakap sa likuran nya.

"Anak... Alam kong mahirap para sayo na harapin itong takot mo na masaktan kami at lungkot mo na mawala kami, pero, kailangan mo itong harapin. Anak, wala na kami, lahat kailangang kalimutan kung kailangan para makapagpatuloy sa buhay." Sabi ng ina nya gamit ang mahinhin nitong boses.

Luxious Academy 1: Realm Of The Elementals (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon