09 | Elemental Game 2 (Pag-aanunsyo)

768 33 0
                                    

←----• 09 •----→

"Elemental Game 2 (Pag-aanunsyo)"
❅────────❅•°•°•❅────────❅
— Samantha's POV —



"I-ikaw? Sasali ka? Eh wala ka ngang maalala e." Saad nya at naiiling na bumalik sa paghuhugas.

"Hinde! Basta! Sasali ako, tayo!"

"Talaga? Sasali ka?" Anang tinig na nagmula sa pinto at pumasok si Tita Liza na nakangiti sa amin.

Tumango ako at itinuro ang anak nyang si Lucas na itinuro din ang sarili. "Sya, ayaw nya akong isama-"

"E-eh kasi nga delikado-"

"Ehhhhhh kasiiiii ngaaaaa gustoooo konggggg makapasokkkk saaaaa akademiaaaa paraaa maturuannnn dinnnn silaaaaa Lucyyyy-"

"Haha ayusin mo nga yang pagsasalita mo!" Natatawa nyang saway. Paano, lahat ng sabihin ko ay hinahabaan ko. Tinawanan kami ng kanyang ina.

"Oh sya, kung gusto nyong sumali ay bilisan ninyo at pumunta na kayo sa Sentro ng bayan. Darating ang anak ng ika unang konseho at sya ang mag-aanunsyo kung kailan magaganap ang Laro ng Elemento. At ako naman ay ihahanda na ang mga kakailanganin nyo." Sabi ni Tita Liza at umalis na ng kusina.

Mabilis namang tinapos ni Lucas ang paglilinis ng aming pinagkainan. May naalala akong dapat gawin kaya naman pumunta ako sa kwarto namin ni Tita Liza.

Kumatok muna ako sa pintuan bago tuluyang pumasok. Nakita ko syang naglabas ng isang telang lalagyan mula sa kanyang kabinet.

"Hmm? Pupunta na ba kayo?"

"Ahh, hindi pa po. M-may hihingin lang po sana ako." Nahihiya kong sabi.

Ngumiti sya sa akin. "Ano iyon?"

"A-ahh, p-pwede pong makahingi ng pera?"
Nakita kong nangunot ang noo nya. "Pera? Ano yun?" Ayy shutangenaaa, iba pala ang mundong toh!

"A-ahh I me- i-ibig kong sabihin ay..." isip Samantha! Ano!? Ahah! Alam ko na! "P-pambili po hehe."

"Ahh pilak ba? Sige, na kay Lucas ang isang lalagyan na puno ng pilak. Para sayo yun, nakalimutan nya yatang ibigay."

"S-salamat po."

"Walang anuman. Sya at lumakad na kayo."
Pagkalabas ko ng kwarto ay sya ring paglabas ni Lucas sa kwarto nya. "Ina! Alis na kami!" Nakangiti nya akong inaya na palabas.

"Sana pagdating sa Sentro ay hindi ka na muling tumakbo." Natatawa nyang sabi habang naglalakad kami. Napanguso naman ako.

Pagdating sa Sentro ay ganun parin ang ganap, maraming tao ang sumalubong sa amin. Ang ilan ay namimili at ang ilan ay may hinihintay. Palagay ko ay isa rin sila sa sasali sa larong sinasabi ni Lucas.

Nang makapasok sa tarangkahan ay sya ring paglingon ko sa pwesto ng matanda. Ngayon naman ay may iilan ng nabili sa kanya. Kinalabit ko ang katabi ko.

"Bakit?"

"May pilak kang dala?"

"Ayy oo nga pala. Heto, sayo yan sabi ni ina." Sabi nya sabay abot sa akin ng lalagyanang tela.

Luxious Academy 1: Realm Of The Elementals (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon