←----• 08 •----→
"Elemental Game"
❅────────❅•°•°•❅────────❅
— Samantha's POV —Hindi rin pala ganun kasama ang tigre na ito. Di katulad sa mundo ng mga mortal, isang lapit mo palang, wala ka ng braso. Itong tigre na to, nakatulog dahil sa pag haplos ko sa ulo nya. Halata rin ang pagod sa mukha nito.
"Ano ba Lucy!? Mapanganib dito! Tara na—!"
"Kuya! Ito nalang ang di natin napupuntahan! Baka naman nandito—"
"Paano sya mapupunta dito!? Gusto mong malapa sya ng—"
"T-tigre, ti— TIGRE!!!!!" Napatakip ako sa aking tenga ng marinig ang matinis na boses ni Lucy matapos makitang kaharap ko ang isang tigre.
"LUCY! S-SAMANTHA! L-LUMAYO KA! I-ILILIGTAS KITA—!"
"Tsk, mga baliw."
"WAG!" sabay na sigaw nila matapos kong umupo at haplusin muli ang ulo ng tigre. Nakita ko naman ang panlalaki ng kanilang mata.
"P-paanong—"
"Shhh… wag kayong maingay. Palagay ko ngayon lang sya makakapagpahinga." Sabi ko at pinagmasdan ang pagod na mukha ng puting tigreng kaharap ko.
Di ko maitago ang takot pero nandon pa rin sa pakiramdam na ang cute nya.
Agad akong napalingon ng maramdaman ang malamig na hangin. Napayakap ako sa aking sarili.
"Bakit bigla yatang lumamig?"
"Oo nga."
"Tara na, magtatanghalian na. At baka pag nagising yang tigre ay lapain tayo dahil sa gutom."
Napailing iling nalang ako sa kanilang inasta. Pinagmasdan ko ang hawak na prutas. Sa halip na ibalik sa matanda ay inilapag ko ito sa harapan ng tigre para kung sakaling magising ay may makain sya.
Sabay ko silang nilapitan at inaya ng umalis. Unang binasag ni Lucy ang katahimikan.
"Ate, bakit mo yun ginawa?"
"Ang alin?" Taka kong tanong sa kanya.
"Yung ginawa mo kanina. Yung habulin mo ang ibon para lang sa prutas. Alam mo bang delikadong ibon yun?"
"Pasensya na. Nag-alala pa tuloy kayo. Naawa kasi ako dun sa matanda. Wala na ngang nabili sa kanya, tinangayan pa."
"Sana hindi mo na yan ulitin sa susunod. Sa tingin ko ay sa sobrang pagod nung nakasalubong mong tigre ay nakalimutan ka nyang lapain." Napataas ang kilay ko sa sinabi ni Lucas.
"Hindi. Nung una talaga'y takot ang naramdaman ko nung magising ako sa kakahuyan na dinidilaan nya—"
"DINIDILAAN KA!?"
"Aray ko naman! Kailangan akong sigawan!?" Sigaw ko ring pabalik sa kanila. Sabay ba naman akong sigawan sa magkabilang tenga ko!?
"Hehe." Sabi ng dalawa sabay kamot sa ulo.
"Tapos ngayon, sya pa mismo ang kumuha nung prutas at iniabot mismo sa kamay ko! Sa mundo namin—"
BINABASA MO ANG
Luxious Academy 1: Realm Of The Elementals (COMPLETED)
Fantasy𝐒𝐭𝐚𝐭𝐮𝐬: COMPLETED (BOOK 1 of 2) SOON UNDER REVISION 𝐇𝐢𝐠𝐡𝐞𝐬𝐭 𝐑𝐚𝐧𝐤 𝐑𝐞𝐚𝐜𝐡𝐞𝐝: 1 in Dark Side, Princesses, Darkness 2 in Power, Elements, Darkmagic "What's your elemental power?" What do you expect...