46 | Alive

370 15 1
                                    

←----• 46 •----→

"Alive"
❅────────❅•°•°•❅────────❅
— Samantha's POV —




NAPALINGA-LINGA AKONG MULI . Hindi ako nag-iisa! Ang tanong ay papaano siya nakapasok rito? Sa may dalampasigan din ba siya nagising nang una siyang makatapak dito?

Muli kong inalala ang gabi kung saan naging huling araw ko sa mundo ng mga mortal kung saan ako nabibilang. Gabi no'n at sa sobrang pagod ko siguro ay kung ano-ano ang naririnig ko kaya't nagpasiya akong magpahangin sa labas. May mga tao naman sa bahay noong gabing 'yon dahil na rin sa plano ko na isasakatuparan ng tito ko. Pagkatapos noon ay dumiretso ako sa may tukay malapit lang sa subdivision namin at doon ay nagpahangin ako at ikinalma ang sarili ko kaya lang ay tinulak ako ng magaling na babaeng si Kendra.

"Teka. . ." sabi ko at napahawak sa leeg, "Iyong kwintas ko, nasaan?" Ngayon lang nag-sink in sa akin na simula ng mapunta ako rito ay wala na sa akin ang kwintas na regalo pa ng mama ko.

Napahinga na lang ako ng malalim dahil sa panghihinayang. Alam kong nahulog din 'yon sa ilog kung saan ako itinulak.

Sandali, kung nandito ako malamang siguro ay nasa kailaliman pa rin 'yon ng dagat?

Nagulantang ako ng biglang tumunog ng malakas ang orasan ng paaralan. Hudyat na ilang saglit na lang ay tapos na ang pang-umagang klase.

Napahinga ako ng malalim.

Siguro'y hahanap na lang ako ng oras at hahanapin ang kwintas ko sa pinaka-ilalim ng tubig. Kaya ko kaya? Alam kong mahirap itong plano ko pero kaya kong suungin ang kailaliman ng dagat para lang makuha ang kwintas na 'yon dahil na rin sa halagang meron 'yon para sa 'kin.

Lutang akong naglakad papuntang cafeteria ng academia at doon na lang binalak hintayin ang kagrupo ko sa usual spot kung saan kami kumakain.

Lately, ang dami ng gumugulo sa isipan ko. Una sa bumabagabag sa isipan ko ay ang benda sa kamay ko, paano ako nakapag labas ng enerhiya na sinasabi no'ng doktor? For goodness sake, I'm a human! I'm a mortal human! Not a chanter nor an elementalist. Mortal and period! Sunod ay kung ano ang mga nangyari ng araw na 'yon. Oo, lahat ng naganap sa araw na iyon mula sa pinakaumaga ay hindi ko maalala. Pero sabi naman no'ng doktor sa lugar na pinagdalhan sa akin, 'di naman daw magtatagal at maalala ko rin. Sunod naman ay 'yong babae na sinadyang ilaglag ang papel sa harap ko.

Kinapa ko sa bulsa ang papel na galing sa babae kanina at malalim na napaisip. Isa ka pa sa dumagdag sa mga kailangan kong resolbahin. Sino ka ba at bakit hindi ka na lang magpakilala sa akin nang pareho tayong makahanap ng solusyon sa problema natin? Alam ko sa sarili ko na mas sanay akong ginagawa ang bagay nang ako lang mag-isa pero kung kinakailangan na talaga ay marunong naman akong mag-adjust. Just show and present herself to me hindi 'yong para kaming mga bata na nagtataguan at naghahanapan, tsk.

Inalala ko ang kaniyang pigura. Iilan lang sa mga ito ang natandaan ko. Matangkad siya na babae katulad ko at siguro mga nasa balikat ang kaniyang itim na buhok.

Sunod pa sa iniisip ko ay ang kwintas ko. Paano ko malalaman kung nasaan 'yon? Nasa ilalim pa ng tubig. Ni hindi ko nga kayang tumagal sa ilalim ng isang minuto, magtagal pa kaya? Baka ikamatay ko pa.

Kung manghingi kaya ako ng tulong?

"Kanino naman?" tanong ko sa sarili ko at napaisip. P'wede 'yong mga kagrupo ko. "Sa kanilang lahat, si Arine ang sa tingin kong makakatulong sa 'kin."

Nasa gitna ako ng pag-iisip ng plano ng biglang may parang mga picture sa isip ko na biglang lumitaw. Tila nagbabalik tanaw ito. Napahawak ako sa sintido ng sumakit ito.

Luxious Academy 1: Realm Of The Elementals (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon