36 | Who Won

446 27 4
                                    

←----• 36 •----→

"Who Won"
❅────────❅•°•°•❅────────❅
- Samantha's POV -



Sa kaunting paggalaw ko ay nakaramdam agad ako ng sakit. Pero kung sakali na isa ako sa kagaya nilang mortal ay baka nakatayo na agad ako.

But for Pete's sake, I'm not like them! At ako pa talaga ang nauna!

"Ito ba 'yong sinasabi nilang nanalo sa nangyaring laro ng elemento?" aniya sa akin at nilapit ang mukha sa akin. "Hindi nga?"

Nang-uuyam ang kaniyang mukha. Naasar ako sa nakikita ko. I am not like this sa mundo ko. Hindi ako makalaban ng ayos dito gaya ng ginagawa ko dati dahil na rin sa iba ang sistema dito. Lahat ay pinapatakbo ng mahika.

Na wala ako.

"Is that all you can do?" tanong ko at pinahid ang bibig. Nasalat ko roon ang likidong tumulo kanina sa ginawa niyang pag-atake.

Napatawa naman siya sa sinabi ko. "Nagmamatapang ka kahit alam mong talo ka na? Kaawa-awa," aniya sa akin.

"I think, you should be the one who's being pitied here," sabi ko at nginisian siya. Simulan natin ang atake sa mga salita. "Sa loob ng ilang araw ko sa akademiya mula ng makapasok ako, I have never seen you around. And from the gossips I have heard, nagkasakit ka pala. Ang hina mo naman."

"Manahimik ka!" Bumakas ang inis sa mukha niya at nakita ko ang pagtaas baba ng kaniyang dibdib. Indikasyon na nagpupuyos na siya sa galit. "Nasa mababang lebel ka lang din ng mahika kagaya ko, wala kang karapatang sabihan ako ng ganiyan!"

I took that opportunity para itaas ang paa ko at sipain siy sa sikmura. Natumba naman siya sa ginawa ko at napahawak sa sinipa kong parte ng katawan niya. Inis niya akong tiningnan habang ako naman ay tumayo na kahit ramdam ko ang sakit ng likuran ko.

"Hindi tayo parehong nasa mababang lebel ng mahika katulad ng sinasabi mo," mayabang kong sabi at binuksan ang botilyang hawak ko. Umalpas sa bunganga nito ang kulay lilang abo na may halong glitters. "Kung gusto mo patunayan ko pang mas nakaaangat ako sa 'yo."

Iniangat ko ang bote at agad na binuhos ang laman sa akin. Agad na kumalat sa katawan ko ang abo na likha nito. Kahit papaano ay nakaramdam ako ng lakas.

Narinig ko ang sigaw niya at nakitang papalapit na siya sa akin para sugurin ako. Gumawa siya ng apoy sa kamay niya gamit ang spell at habang papalapit ay mas lalo itong nagliliyab. 'Tsaka ko lang naisip na wala ring silbi ang botilyang ginakit ko dahil wala naman akong gaanong alam na spell!

Nakalapit na siya sa akin at itatama na ang spell na ginamit niya. Inilagay ko ang kamay ko sa harapan ko bilang panangga. Wala naman akong ibang magagawa kundi ang sanggain ito.

Kung sana lang alam ko kung paano gumawa ng barrier. Kainis!

"Ah!" Huling bagay na narinig ko bago ako medyo napataatras dahil sa pwersang nangyari. Nagtatakang dinilat ko ang mata ko at ang una kong nakita ay usok na gawa ng lupa. Nang iangat ko ang tingin ko ay napaatras ako ng makita ang isang yelo na tila naging isang panangga sa akin. Nang mawala ito ay nakita ko si Lexcey na unti-unting tumatayo.

Mababakas na lalo ang galit sa kaniya dahil sa salubong niyang kilay at mga nakakuyom na kamao.

"Pa'no ko nagawa 'yon?" Taka kong tanong. At napatigin sa mga kamay ko. Nagulat na lang ako ng muli akong napatumba.

"A-aray. . ." Inda ko ng tipa ng bato naman ang tumama sa mukha ko. Hindi pa man ako nakakatayo ay nakita kong susugod muli si Lexcey. Wala na akong tamang maisip kaya naman itiniid ko ang kamay ko sa lupa at kinuyom ito. Naramdaman ko ang pagtakbo ng enerhiya sa kamay ko at hindi ako nagkamali sa naisip.

Bigla na lamang siyang nadapa dahil nakulong ang isa niyang paa sa lupang bigla na lamang umaangat ganoon din ang kabila niya pang paa.

"Ah!" Inis na sigaw niya at pilit na umaalis sa mahikang ginawa ko. Napapantastikuhan kong tiningnan ang ginawa ko at pinilit na bumalik sa pag-iisip.

Dapat tuldukan ang pagiging mayabang ng isang 'to.

"Oakawalan mo ko rito!" inis na sigaw niya. Muli siyang nagbanggit ng spell at ibinato sa akin ang mga nagbabagang bola ng apoy. Agad na iniwasan ko ang mga ito at agad na nag-isip ng susunod na hakbang.

Tumakbo ako at agad na humawan sa punong nakita. Inisip ko ang dapat nitong gawin. Muli, nakaramdam ako ng mahika sa kamay ko at doon ay gumalaw ang mga sanga at baging ng puno. Gumapang ito sa katawan ni Lexcey at pinigilan nito ang kamay niya.

"Pakawalan mo sabi ako rito!" Muli niyang sigaw. Nang tingnan ko siya ay hindi na suya makagalaw sa ginawa kong spell kaya naman lumabas na ako sa punong pinagtaguan at hinarap siya.

"Ngayon, sino sa atin ngayon ang mahina?" Nang-aasar na tanong ko sa kaniya. Nagpupumilit naman siyang kumawala sa ginawa ko at nagbanggit ng mga spell ngunit wala ni isa ang tumalab.

"Sa oras na makalaya ako rito, gagawin ko ang lahat para ikaw naman ang mapunta sa pwesto ko!" aniya sa galit na boses.

"Iyon ay kung magkakaroon ka pa ng pagkakataon para makalaya d'yan." Ngumisi ako at tumingala sa langit. Maaliwalas ito at payapa.

Iniangat ko ang kamay ko at pumikit. Dinama ko ang hangin sa paligid. Unti-unti ay naging isa ako sa pagdaloy nito sa paligid.

Dumilim bigla sa buong paligid. "A-anong ginagawa mo?" Rinig kong tanong niya ngunit tila parang may ibang kumokontrol sa katawan ko at hindi siya pinansin.

Palakas na ng palakas ang hangin. Pumapatak na rin ang ilang butil ng ulan. At ulap ay nagngangalit at patuloy sa pagdilim. Nang ikuyom ko ang kamaong nakaangat sa hangin ay agad na kumidlat at nagpakawala ng malalakas na kulog ang kalangitan.

Sa oras na itinutok ko ang kamay ko sa kaniya ay may bumaba agad mula sa nagngangalit na kalangitan. Isang buhawi ang namuo. Pinaghalong hangin at tubig ito na ngayon ay tinutuon ang kaniyang lugar.

Nagmamakaawa si Lecxey na makalaya pero ang isip ko ay nakatuon sa iba. Parang wala akong naririnig na seryosong nakatingin sa kaniya at hinihintay ang pagbagsak ng huling mahikang ginawa ko na tatapos sa larong ito.

"Itigil ang laro!" Kaunti na lamang ay babagsak na kay Lexcey ang ginawa kong buhawi ngunit dahil sa iaang lintanya, nawala ang ginawa kong mahika. Nakawala si Lexcey at nakaramdam ako ng pagod.

Parang ngayon lang ako nagbalik sa huwisiyo ko. Napaluhod ako sa pagod at naramdaman ang sakit ng katawan.

"Samantha!" Rinig kong sigaw ng kung sino. Nakita kong muli ang ulap sa paligid na bumalot sa amin noong una. At naramdaman ko nang muli ang damo kung saan kami naroon noong una.

Tapos na pala.

"Sam!" Huling narinig ko nang tuluyan akong bumagsak sa damuhan. Papalapit na pigura ang nakita ko. Ngunit bago dumilim ang paligid ay nakasalubong ko ang malamig niyang tingin.







_________________________

Author's Note:

OHMYGEEEEEEEEEEE I can't believe na nearly 3k na itong story ko HAHAHAHA It's been a while nang mag-update ako at ang goal ko is matapos ko itong story na 'to by this year. Graduating student kasi ako kaya busy talaga ang ante but I'll try my best para matapos ito. Approximately mga nasa 70 chapters to and hopefully matapos ko na hehe.

Hello po sa inyo na silent readers ko. Thank you so much talaga :>

If you want dedication for the next chapters comment lang po kayo. Kamsanida! <3

Luxious Academy 1: Realm Of The Elementals (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon