←----• 18 •----→
"Preparing"
❅────────❅•°•°•❅────────❅
— Samantha's POV —Nandito kami ngayon at lulan ng isang karwahe na hila hila ng kabayo. Ngayon ay patungo na kami sa Cerban para ipaalam sa mga nag-aalaga sa amin na nakapasok kami. Ngayon din mismo, dadalhin ulit kami sa Akademia bilang unang araw na magiging estudyante.
Naalala ko ang nangyari kanina. Nakahinga naman ako ng maluwag ng si Lucas mismo ang sumagot.
Flashback
Nanlalamig na ako at hindi alam ang isasagot. Nang biglang may humawak sa balikat ko. Nang tingalain ko ay si Lucas pala.
"Paumanhin ngunit hindi nya masasabi kung anong elemento ang mayroon sya, dahil nawalan sya ng ala-ala. Tanging ngalan lang nya ang kanyang alam." Sabi nito.
"Hmm, ganun ba? Kahanga-hanga ka kung ganoon. Nalagpasan mo ang apat na hakbang ng hindi nagagamit ang iyong sariling elemento." Nakangiting sabi ni Miss Limary.
Doon ako nakahinga ng maluwag.
End of Flashback
"Excited na akong makauwi! Haha! Anong kayang reaksyon ni ina?" Sabi ni Lucas na ngiting ngiti.
"Wow lang hah, may pa Ingles ka na ngayon." Sabi ko sa kanya. Bumungisngis naman sya.
"Haha, masasanay na ako nito!"
Naramdaman naming huminto ang karwahe. Bumukas naman ang maliit na bintana sa harapan namin. Nakita ko naman ang kawal na sumilip.
"Binibining Samantha, narito na po tayo sa Sentrong Bayan ayon po sa inyong gusto."
"Ahh. Sige po." Sabi ko dito. Tinignan ko ang katabi ko. "May ipabibili ka ba ginoo?"
"Isang bungkos ng ubas na may mala rosas na kulay at karne ng baka. Heto ang pilak na pambayad." Sabi nito at inabutan ako ng isang telang may laman ng pilak.
"Masusunod ginoo." Sabi ko sabay kindat. Tinawanan naman nya ako. Binuksan ko ang pintuan ng karwahe at lumabas. Nakita ko naman ang mga tao na napapatingin sa akin sabay bulungan. Pinagkibit balikat ko na lamang.
Nilibot ko ang paningin at unang naghanap ng tindahan ng mga karne. Nang makakita at nilapitan ko ito.
"Magandang tanghali, anong sa iyo?" Tanong ng tindera na may galak na ngiti. Mabilis kong itinuro ang karne ng baka.
Mabilis niya itong isinilid sa isang tela at inabot sa akin. "Tatlumpung pilak para sa karne ng baka."
"Pati na rin po pala nun." Sabi ko sanay turo sa hita ng baboy. "Kalati lang po."
"Sige, limamput-limang pilak para rito sa dalawa." Ani nito sabay abot ng dalawang tela. Kumuha ako ng thirty pieces ng pilak sa pilak ni Lucas at twenty five naman sa akin at inabot ko ito sa kanya.
"Salamat." Tinanguan ko ito bago nagtungo sa tindahan ng mga prutas. Pagkalapit ay agad akong nagtitingin sa bugkos ng ubas na may pink na kulay ayon narin sa gusto ni Lucas. Tinignan ko ang mas marami, may mas malaki na ubas at kung saan walang bulok at nakahanap naman ako. Kumuha narin ako ng tig-limang mansanas na pula at lila ang kulay.
"Ate." Sabi ko at itinuro ang napili. Agad nyang sinoma kung magkano.
"Dalawampu't apat na pilak lahat lahat." Sabi nya matapos ilagay sa tela ang lahat.
Kumuha ako ng apat na pilak kay Lucas at dalawampu naman sa akin at inabot sa tindera.
"Salamat."
Naglakad na ako pabalik sa karwahe. "Kuya, sa Cerban na ho tayo. Diretso po, sa pangalawang kanto sa kaliwa liliko tapos diretso po ulit tapos liko sa pangalawang kanto sa kanan. Yung bahay na mahalaman po. Doon kami." Pagde deskripsyon ko sa pupuntahan namin. Tinanguan naman ako nito kaya naman pumasok na ako sa karwahe.
BINABASA MO ANG
Luxious Academy 1: Realm Of The Elementals (COMPLETED)
Fantasy𝐒𝐭𝐚𝐭𝐮𝐬: COMPLETED (BOOK 1 of 2) SOON UNDER REVISION 𝐇𝐢𝐠𝐡𝐞𝐬𝐭 𝐑𝐚𝐧𝐤 𝐑𝐞𝐚𝐜𝐡𝐞𝐝: 1 in Dark Side, Princesses, Darkness 2 in Power, Elements, Darkmagic "What's your elemental power?" What do you expect...