←----• 47 •----→
"The Weapon Choose Her"
❅────────❅•°•°•❅────────❅
— Samantha's POV —"Leon!" sigaw ko at agad na niyakap ang ulo niya. Agad na nagpatianod ang tigre sa yakap ko.
Sa gilid ay kita ko ang pagsilay ng ngiti sa labi ni Azriel na mabilis ding nawala at napalitan ng pagkakakunot. Humarap ito sa kaliwa niyang bahagi at parang may kausap doon na inaaway niya.
Pinagtuunan ko naman ng pansin ang naturang tigre. Maputi na ang balahibo niya hindi katulad noong huli ko siyang nakita.
"Akala ko. . . Patay ka na," sabi ko sa kaniya at hinimas ang malaki at mabalahibong niyang mukha. Maamo siyang nakatingin sa akin at gamit ang kamay nya ay pinunasan niya ang mukha ko.
Natatawa ko namang pinunasan din ang mukha ko.
"Mommy! Ipakilala mo ko!" Agad na hinanap ko ang maliit na boses na 'yon. Kunot-noo kong inilibot ang paningin ko. Wala namang basta rito sa paligid namin.
"sino 'yon?" tanong ko at tiningala si Azriel ngunit tiningnan lang ako nito.
"Dito!" Muli kong narinig ang boses niya. Napalingon ako sa kanan ko at nakita ko ang isang maliit na batang kasinlaki lang ng hintuturo ko at may pakpak ito na mabilis na pumapagaspas.
Wait, what? A fairy?!
Oh well, nasa enchanted place ka, Samantha. Just so you know.
Inilayo ko ang mukha ko ng magtangka siyang lumapit. Natigilan ito at napanguso at mukhang anumang oras, ay iiyak na siya.
Sa totoo lang ay ang cute niya, na anumang oras ay parang gusto ko siyang panggigilan. Kaso baka mapitsit ko lang.
"Samriel." rinig kong sabi ni Azriel at lumapit sa tabi ko. Umupo siya nang hindi lumalapat ang puwetan sa lupa.
Hinarap naman siya nang fairy, "Mukhang nagulat lang siya. 'Wag kang sumibangot," aniya na may ngiti.
Napatingin ako sa ngiting iyon. Isa pa aa mga 'rare scene' na masasabi kong mayroon si Azriel ay itong biglang pagngiti niya na talaga namang mukhang genuine smile.
Napansin niya yatang nakatingin ako sa kaniya kaya mabilis siyang nagbago ng ekspresyon. Parang adik lang. Naalala ko na naman ang naging huli naming usapan.
Napaiwas naman din ako ng tingin. Nakita ko naman ang nakangising tigre kaya inirapan ko ito.
"Samantha." Nilingon ko si Azriel ng tawagin niya ako. Nasa harap ko parin ang nakangusong fairy. "His name is Samriel. From Samantha and. . . A-Azriel," aniya at nag-iwas ng tingin. Kita ko ang pamumula ng kaniyang tenga.
Nag-blush? So he combined our names, huh. Corny.
But cute, tsk.
Tumikhim siya bago nagpatuloy, "He's from the dumpy egg that we're taking care of. He came out just last last night."
"Ikaw ang laman no'ng egg?" Manghang sabi ko at ako na mismo ang naglapit ng mukha ko sa kaniya. I was expecting a bird or something else doon sa egg. Hindi ko akalain na maliit na tao pala ang laman no'n.
"O-opo. . ." at nakakapagsalita pa.
"You look. . . Cute," sabi ko at kung di ko lang napigilan ang pagiging intrusive ko ay baka napisil ko na siya.
May katabaan siya and I'm wondering how he managed to fly his self. This fairy in front of me posses a natural pale skin and I can clearly see his rosy cheeks. And I envy that. And base from the glittery dust that comes off from his wings, I guess he has a bluish-white fairy wings.
BINABASA MO ANG
Luxious Academy 1: Realm Of The Elementals (COMPLETED)
Fantasy𝐒𝐭𝐚𝐭𝐮𝐬: COMPLETED (BOOK 1 of 2) SOON UNDER REVISION 𝐇𝐢𝐠𝐡𝐞𝐬𝐭 𝐑𝐚𝐧𝐤 𝐑𝐞𝐚𝐜𝐡𝐞𝐝: 1 in Dark Side, Princesses, Darkness 2 in Power, Elements, Darkmagic "What's your elemental power?" What do you expect...