❝ 𝑻𝒉𝒆𝒚 𝒓𝒆𝒔𝒆𝒎𝒃𝒍𝒆𝒔 𝒕𝒉𝒆 𝑺𝒖𝒏
𝑨𝒘𝒂𝒌𝒆𝒏 𝒇𝒓𝒐𝒎 𝒕𝒉𝒆 𝒅𝒐𝒘𝒏𝒇𝒂𝒍𝒍
𝑳𝒖𝒎𝒊𝒏𝒐𝒖𝒔 𝒂𝒏𝒅 𝒇𝒊𝒓𝒎
𝑹𝒊𝒔𝒆𝒏 𝒇𝒓𝒐𝒎 𝒕𝒉𝒆 𝒅𝒂𝒓𝒌
𝑭𝒐𝒓𝒈𝒐𝒕𝒕𝒆𝒏 𝒑𝒂𝒔𝒕
𝑪𝒉𝒆𝒓𝒊𝒔𝒉𝒆𝒅 𝒕𝒉𝒆 𝒑𝒓𝒆𝒔𝒆𝒏𝒕
𝑻𝒉𝒆 𝒕𝒉𝒓𝒐𝒆𝒔 𝒊𝒏 𝒕𝒉𝒆 𝒇𝒖𝒕𝒖𝒓𝒆
𝑩𝒆𝒂𝒕 𝒕𝒉𝒆 𝒐𝒑𝒑𝒐𝒔𝒊𝒕𝒆 ❞
__________←----• 55 •----→
"Awake"
❅────────❅•°•°•❅────────❅
— Samantha's POV —Rinig ko ang huni ng ibon at lagaslas ng mga dahon na sa tingin ko'y galing sa mga puno na nasa paligid. Ang sarap sa pakiramdam.
Tahimik at payapa.
Dahan-dahan, minulat ko ang mata ko na nasilaw pa sa liwanag. Napapikit-pikit pa ako bago nalinawan sa paligid.
Pamilyar ang itsura ng lugar. Nilingon ko ang kanan ko at nakita ang kurtina na dibisyon sa iba pang kama.
Nandito na naman pala ako sa hospital. Bakit?
"Wala na naman akong maalala," sabi ko sa sarili ko. Binuhat ko ng dahan-dahan ang sarili paupo sa kama at tinanggal ang puting kumot.
Ang tanging huling naaalala ko ay noong nawawala si Arine. Naaalala ko hanggang sa part na nag-away away kami nina Firexia dahil hindi namin sinabi sa kanilang nawawala si Arine.
Ramdam ko ang pananakit ng katawan ko ngunit kaya ko na naman. The pain is bareable that's why.
"This is your food, Prince Light. I'll be back after a minute so you can drink your blue med."
"Hmm, salamat po."
Napalingon ako sa kurtina sa kanan ng marinig ang pamilyar na boses ni Light. Nasa iisang kwarto pala kami.
Walang pakundangan na hinila ko paurong sa pader ang kurtina at nakita si Light na akmang susubo na ng kanin.
Nabitin sa ere ang kamay niya at agad na napalingon sa akin pati na rin ang nurse na sana ay papaalis na.
'Yong nurse na nag-alaga sa akin dati, siya rin pala ito.
"Samantha!" bulalas ni Light at nakangiting ibinaba ang kubyertos. "Gising ka na!"
Halata naman, Light.
"Ahh," nasabi ko na lang at pagak na natawa. Napakamot na lang din ako.
"Miss Samantha, mabuti at gising ka na. Ikukuha na rin kita ng pagkain ng sa gano'n ay makakain ka na rin para mainom mo ang gamot mo," sabi no'ng nurse at nakangiting umalis dala ang isang silver tray na sa tingin ko ay pinaglagyan niya ng pagkain ni Light.
"Kamusta ang pakiramdam mo?" tanong ni Light at humarap sa akin. Kasalukuyan siyang naka-indian sit at humarap sa akin ng may bahid ng ngiti.
"Maayos naman na kahit may paunti-unti pang sakit sa katawan ko," sagot ko sa kaniya. "Ikaw ba? Kamusta pakiramdam mo? May naaalala ka ba?"
"Just like you, when I woke up, I can't recall anything that happened. I did ask myself why we are here," sabi niya.
Mukhang pare-parehong naapektuhan ang memorya namin sa kung ano man ang nangyari.
"Siguro napasabak tayo. Saan naman kaya?" tanong ko. Nagkibit balikat siya. I am also thinking kung nahanap na ba si Arine dahil kung hindi ay aalis talaga ako rito.
BINABASA MO ANG
Luxious Academy 1: Realm Of The Elementals (COMPLETED)
Fantasi𝐒𝐭𝐚𝐭𝐮𝐬: COMPLETED (BOOK 1 of 2) SOON UNDER REVISION 𝐇𝐢𝐠𝐡𝐞𝐬𝐭 𝐑𝐚𝐧𝐤 𝐑𝐞𝐚𝐜𝐡𝐞𝐝: 1 in Dark Side, Princesses, Darkness 2 in Power, Elements, Darkmagic "What's your elemental power?" What do you expect...