58 | Luminous Light

370 11 0
                                    

❝ 𝑻𝒉𝒆 𝒇𝒂𝒔𝒄𝒊𝒏𝒂𝒕𝒊𝒏𝒈 𝒎𝒐𝒐𝒏
𝑺𝒉𝒂𝒓𝒆𝒔 𝒉𝒆𝒓 𝒃𝒓𝒊𝒈𝒉𝒕
𝑩𝒓𝒊𝒏𝒈𝒊𝒏𝒈 𝒚𝒐𝒖 𝒊𝒏𝒕𝒐 𝒕𝒉𝒆 𝒏𝒆𝒘
𝑨𝒏𝒅 𝒂𝒍𝒍𝒖𝒓𝒊𝒏𝒈 𝒏𝒊𝒈𝒉𝒕
𝑷𝒖𝒓𝒆 𝒂𝒏𝒅 𝒍𝒊𝒈𝒉𝒕
𝑨𝒕𝒕𝒓𝒂𝒄𝒕𝒊𝒏𝒈 𝒕𝒐 𝒕𝒉𝒆 𝒔𝒊𝒈𝒉𝒕
𝑻𝒉𝒆 𝒄𝒐𝒎𝒇𝒐𝒓𝒕 𝒊𝒕 𝒈𝒊𝒗𝒆𝒔
𝑰𝒔 𝒕𝒉𝒆 𝒆𝒗𝒆𝒓𝒚𝒐𝒏𝒆'𝒔 𝒘𝒊𝒔𝒉 ❞
_________





←----• 58 •----→

"Luminous Light"
❅────────❅•°•°•❅────────❅
— Samantha's POV —






"Hah? Sino?"

"Si Arine?! Si Arine ba kamo?!" tili ni Fire at biglang tumakbo papunta sa amin. Natatawang sinalubong siya ni Arine kahit na basa ito. Masayang nagbatian ang dalawa.

"Ah! Sa wakas! Hangin! Ang sarap ng hangin!" Naagaw ng pansin ko ang maingay na lalaki na nasa likod ilang metro ang layo kay Arine. Si Aeros na parang baliw na nakabuka ang bibig maging ang kamay at parang ngumunguya.

"Aeros!"

"Babe!" bati nito kaya natatawang naiiling na lang ako.

"Siraulo."

"Nasira ang ulo dahil sayo. Naks!" sabi nito na binuntutan ng tawang parang walang bukas.

"Tsk, ang ingay."

"Ano ba naman 'yan, prince! Kaya nga tayo lumabas para makalanghap ng ingay! Nakakaboryo doon sa hospital! Namanhid likod ko kakahiga!" angil ni Aeros sa lalaking lumitaw mula sa likod 'nya.

Parang biglang tumigil ang oras sa dahan-dahan niyang paglitaw. Ang kaninang hangin ay parang lumakas bigla at ang kabig ng dibdib ko ay hindi maintindihan.

Walang nagbago. Suot niya pa rin ang malamig niyang ekspresyon ngunit hindi na ramdam ang pagiging yelo niya. Prente itong tumayo sa may harap ko.

Para akong kinakapos ng hininga. Ang tahip ng dibdib ko ay di ko malaman kung bakit nagkakaganito. Sa loob siguro ng isang minuto ay aabot na ng dalawang daan ang pulse rate ko kung meron mang gano'n at kung normal pa ba.

Para akong tumakbo ng milya-milya.

"Kamusta? Kamusta pakiramdam mo?" Sa tanong niya ay kakapusin na talaga ako ng hininga. Mapapaluhod pa sana ako ng samahan niya ito ng isang ngiti. Hindi man ganoon kalawak na ngiti, maituturing pa rin na ngiti.

Ngiting madalas lang masilayan!

Bathala ng mundong Luzarcia. Anong ginawa ko at nangyayari sa akin to?

"A-ayos naman. . . ako." Hindi ako ayos! Ano 'tong nararamdaman ko? Iyong puso ko, parang lalabas na sa katawan ko! Normal pa ba to?

Ah, I know, this is one of the side effects ng blue med. Yes, that's it.

"Mabuti. Ako, hindi mo tatanungin?" tanong niya sa akin at para akong naputulan ng dila.

Teka, si Azriel ba 'to?

"Samantha?" Isa pang ulit. Ang ganda ng pangalan ko sa bibig mo.

ANO?!

"HAH?!"

Nagulat pa yata ito sa sinabi ko. Napakagat naman ako sa labi ko.

Ang tanga Samantha. Dapat sa isip mo lang 'yon!

"Kailangan mo yatang bumalik sa pagamutan. Naapektuhan yata ang utak mo," sabi nito at ang kakaibang nararamdaman ko kanina ay mabilis na naglaho at napalitan ng pagkainis.

Luxious Academy 1: Realm Of The Elementals (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon