←----• 29 •----→
"Unexpected Situation"
❅────────❅•°•°•❅────────❅
- Samantha's POV -Pagdating sa hagdan ay dahan dahan kaming bumaba lalo na ako dahil nanginginig pa ako habang nasa bisig ko ang dumpy egg.
Kinginang project to.
"Ahhh!" Napasigaw nalang ako ng mamali ako ng tapak sa hagdan at dumulas ang dumpy egg!
Hala!
Ngunit may biglang bluish dust na may parang glitters ang lumitaw kung saan ito babagsak at mabilis itong sinalo.
Si Azriel. Nag teleport.
"I told you to hold it carefully, didn't I!?" Pagalit na sigaw na at mabilis na ibinalik sa pugad ang dumpy egg ng makakababa ako.
"Ayos ka lang, Sam?" Nag-aalalang tanong ni Lucas na tinanguan ko.
"A-ahh oo."
"Wushh, muntikan na yun ah?" Sabi ni Aeros at sinipat ang itlog namin ni Azriel.
"How's the egg?" Tanong ni Azriel dito.
"Ayus naman, walang nag-iba."
"Yung temperature?" Tanong nyang muli. Hinawakan naman ni Aeros ang itlog at pinakiramdaman siguro ang temperature nito.
Bakit pati temperature?
"Ahh, ayus naman. Normal." Sagot dito at mukha namang nakahinga si Azriel.
Eh? Anyare ba?
"I should be the one who's holding it right now, but it's still the safest because the egg is in your hands, so hold it carefully. Understand?" Sabi nya sa malamig na tono kaya naman napatango nalang ako ng wala sa oras.
Nagpatuloy na kami sa paglalakad at hindi naiwasang magkuwentuhan.
"So, totoo nga ang sinabi ni Miss Spell na we can use our elements kapag about sa safety ng dumpy egg gagamitin." Sabi ni Light. Sinang-ayunan ito ni Firexia.
"Correct. Azriel teleported to catch the egg and after that, hindi naman umilaw ang badge nya."
Nagpatuloy na kami sa paglalakad at nagpunta kami sa open field kung saan may nakaupo sa Bermuda grass na mga estudyante na sa tingin ko ay tatlong grupo na at isang babae at lalaki na sa tingin ko ay si Miss Limary at Sir Fier.
"Opps, tayo na lang pala ang wala." Ani Arine nang makalapit kami.
"Oh, nandito na ang last group." Sabi ni Miss Limary at nginitian ako ng makita ako at bumaba ang tingin nito sa hawak kong itlog. "Ahh, yung third senior healing class pala ang napili ni Miss Pell and masters para mag-alaga ng sariling dumpy egg." Sabi nito sa katabi na si Sir Fier.
"Oo nga noh."
"Ano yung mga itlog na hawak nila sir?" Tanong ng isang babaeng estudyante na nakatingin sa amin, maging ang iba ay nagtataka.
"Ahh, it's a dumpy egg."
"Ano yung dumpy egg?" Muling tanong nito.
"Isa yung creature na mataba at cute. Two hundred years ago pa noong huling naglabas ng dumpy ang dumpy plants. Basta maiintindihan nyo rin kapag napisa na." Sabi ni Sir Fier.
"Ahh okay."
Magsasalita na sana si Miss Limary ng mapatingala ito sa langit sa kanyang likuran. Gayundin kami. Kita namin ang mga naglilitawang mga ibon at nang unti unti itong makalapit ay doon ko lang napansin na triple ang laki nito sa natural na ibon.
Malalaki ang tuka nito at matutulis ang kuko sa paa. At papunta ito...
SA AMIN!!
"Yung dumpy egg!" Naisigaw na lang ni Arine nang biglang tangayin ng ibon ang dumpy egg nya!
"At nagsimula na nga ang pagiging magulang ninyo." Makahulugang sabi ni Miss Limary at pinanood na magkagulo ang grupo namin.
"Arine! Tumakbo ka at pantayan mo sa ibaba ang ibon! Baka mahulog yung itlog! Ako na bahala sa pag-asinta!" Sigaw ni Firexia. "Aeros! Kapag nalaglag yung itlog. Gamitan ko ng hangin para bumagal ang pagbagsak!"
"Sige!"
Habang sila ay busy sa pagtakbo sa field at inaasinta nga ni Firexia ang ibon gamit ang ball of fire nito, kami naman ni Azriel ay tumatakbo din dahil kami ang hinahabol ng ibon! Tinutulungan naman ni Light na protektahan ang itlog ni Lucas dahil hinahabol din sila!
"Sir, tutulungan na namin sila!"
"Hindi pwede." Sabi ni Sir Fier. "Ang parents lang o ang mga binigyan ng itlog ang maaring prumotekta dito. At sila lang din ang pwedeng gumamit ng element para maipagtanggol ito sa masasama."
"Shit!" Napamura nalang ako ng madagit ng ibon ang likuran ko. Ramdam ko ang pagguhit ng kuko nito sa likuran ko at alam kong nagkasugat ako!
"Sam! Fvck!" Rinig kong pagsigaw ni Azriel ng muling madagit ng ibon ang likod ko at napataob na ako sa sakit at nabitawan ang itlog. Gumulong ito sa Bermuda grass at mabilis na tinangay ng ibon. "Damn it!"
Kahit na masakit ang likod ko ay tumayo ako at pinantayan ang ibon sa ibaba. "Azriel! Puntiryahin mo ang ibon! Wag mong patatamaan ang itlog! Sasaluhin ko kapag nalaglag!"
Wala naman siyang sinabi at mabilis na lang ding tumakbo. Naiinis ako dahil ang ibang estudyante ay nanonood lang.
Tsk. Kami lang kasi ang binigyan ng itlog!
Nagpakawala ng mga pointed ice si Azriel at tinamaan ang paa ng ibon kaya't nabitawan nito ang itlog.
Mabilis akong tumakbo at nagdive sa Bermuda grass. Parang nag slow motion naman ang pagbagsak nito. Nasalo ko ang itlog at niyakap ito ng maingat at nanlaki na lang ang mata ng makitang papalapit ang matutulis na kuko ng ibon ang papalapit sa mukha ko!
"Ahhh!!!" Napapikit nalang ako at hinintay ang pagtama ng matutulis nitong paa pero wala akong ibang naramdaman kundi ang malamig na hangin.
Napamulat ako at nakita ko ang hinihingal na si Azriel na nakatingin sa akin. Napatingin ako sa kabilang gilid ko at nakita ko ang isang nagyeyelong ibon ilang metro sa akin. Palagay ko ay ginawa niya iyon.
Napahiga na lang din siya sa tabi ko at naghabol ng hinga.
"That was close." Sabi nya at nagpakawala ng hangin. Nakita ko naman ang usok mula sa bibig nya.
Ganun ba talaga sya kalamig?
"Ayus lang kayo?" Naglapitan narin ang iba pa naming ka-grupo. Safe na ang mga itlog nila. Nawala na rin ang mga ibon.
"Yeah."
"May sugat likod ko." Sabi ko sa kanila at doon nalang napangiwi ng maramdaman ang hapdi sa likod.
"Let's go, punta tayo ng infirmary. Mukhang isang linggo tayong magpapabalik-balik don." Natatawang ani ni Arine. Katulad ko ay may mga galos din sila.
"Hmm sige." Inalalayan akong tumayo ni Lucas at inakbay ang kanan kong braso sa leeg nya at ipinalibot ang kamay nya sa may bewang ko para alalayan ako.
"Azriel." Tawag ko sa kapareha ko na katatayo lang. Pinagtaasan niya ako ng dalawang kilay.
"Ikaw muna ang bahala sa itlog." Sabi ko at inilapit sa kanya ang itlog. Napalunok naman sya at napatingin sa itlog na iniaabot ko.
"A-ahh ako na mag-babantay." Sabi ni Arine.
"Pero sabi ni Miss Pell tanging original owner lang ng egg ang pwedeng mag-alaga sa itlog." Paalala ni Firexia.
Parang kinakabahan namang kinuha ni Azriel ang itlog at mabilis na inilagay sa pugad nito na hawak nya at doon ito hinawakan. Pinagkunutan ko ito ng noo.
"Weird."
BINABASA MO ANG
Luxious Academy 1: Realm Of The Elementals (COMPLETED)
Fantasía𝐒𝐭𝐚𝐭𝐮𝐬: COMPLETED (BOOK 1 of 2) SOON UNDER REVISION 𝐇𝐢𝐠𝐡𝐞𝐬𝐭 𝐑𝐚𝐧𝐤 𝐑𝐞𝐚𝐜𝐡𝐞𝐝: 1 in Dark Side, Princesses, Darkness 2 in Power, Elements, Darkmagic "What's your elemental power?" What do you expect...