28 | Parents

557 23 0
                                    

←----• 28 •----→

"Parents"
❅────────❅•°•°•❅────────❅
- Samantha's POV -



Taka naming pinagmasdan ang kahon. Wala namang kakaiba maliban na lang siguro sa laman na tinawag na dumpy ni Miss Pell.

Makaka-meet na naman ba ako ng kakaibang nilalang?

"Miss Pell, ano yung dumpy?" Kunot noong tanong ng isa sa mga kaklase namin.

"A dumpy is a tiny, cute, and fat creature which make a way to communicate with others. And take note. Kayo ang class na napili ng academia para mag-alaga ng dumpy kaya ayusin nyo. Minsan lang lumitaw ang mga dumpy egg na kailangan ng alaga. Its been two hundred years since may lumitaw ulit na mga dumpy mula sa dumpy plants." Nakangiting paliwanag niya at binuksan ang kahon at may kinuha sa loob.

Halos manlaki ang mata namin ng maglabas siya ng isang pugad na may kulay lilang itlog na triple ang laki kaysa sa normal.

"Omg, ang cute." Ani Arine habang nakahawak pa sa dalawang pisngi niya. Sinang-ayunan siya ng iba.

"So, ito ang project nyo. Your project is to keep safe and unharmed this dumpy egg. Magiging parents kayo for one week dahil one week nalang ang hihintayin bago ito mapisa. Remember, kailangan ng dumpy egg na ito ang init para tuluyan siyang mabuo. Like chicken's egg, di ba nililimliman sila ng mga inahing manok para mabuo sila?" Tanong ni Miss Pell sa amin na aming tinanguan.

"So you mean Miss Pell, lilimliman namin yan?" Nakangiwing ani ni Aeros. Nagtawanan ang lahat dahil bakas ang hindi makapaniwalang itsura sa kaniya.

"You're right Prince Aeros Wind. Pero sa paraang babalutan nyo ng tela ang dumpy egg tuwing gabi dahil sa gabi ang may malamig na temperatura." Paliwanag niya.

"Miss, tig-iisa ba kami?" Tanong ni Light dito.

"No, by partner. A boy and girl. Parents nga di ba?" Biglang napuno ng almahan ang healing room dahil sa sinabi ni Miss Pell.

"And one more thing pala. You have to keep an eye on this dumpy egg dahil sa isang linggo na iyon, may mga pangyayari na hindi nyo aasahang mangyari." Makahulugang sabi ni Miss Pell.

"At ano naman po yun, Miss Pell?" Hindi ko na napigilang magtanong. Nakangiti naman niya akong pinagmasdan.

"Discover it yourselves." Ani niya kaya't di ko tuloy maiwasan na magtaka pa lalo.

"So. Let's start to make a partner. Ang name na lalabas sa kanang kamay ko ay pangalan ng babae. Sa kaliwa naman ay sa lalaki at sila ang magiging magkapareha. Okay?"

She starts to move her hand in circular motion then she stops and a dust just suddenly popped above her hands and there's a name written on it. It's floating in the air.

Unang lumitaw ang pangalan ni Arine at ang partner niya ay hindi ko kilala. Nasa ibang grupo kasi. Sunod ay isang babae na taga ibang grupo rin at ka-pareha niya si Lucas. Sabay na tumayo ang magkapareha at kumuha ng dumpy egg sa kahon. Magkakaiba rin pala ang kulay ng dumpy egg. Sunod na lumabas ay pangalan ni Firexia at ang ka-partner niya ay si Light. Si Aeros naman ay sa nasa ibang grupo ang kapareha. Marami pang nabunot at pinagpareha hanggang sa lumitaw na ang pangalan ko.

"Samantha and..." ani Miss Pell at kinumpas ang kaliwang kamay. "...Prince Azriel."

Oh no...

"Please stand up and get a dumpy egg here." Aniya sa aming dalawa kaya wala naman akong nagawa kundi ang tumayo. Tumayo na rin siya at nakapamulsang sumabay sa akin. Nagsimula na ulit magtawag ng pangalan si Miss Pell.

This... is... awkward...

"Anong kulay?" Tanong niya sa akin habang tinitingnan ang laman ng kahon.

Napatikhim ako at nakisilip narin. Mayroon pang pink, red, light blue, dark blue at green na dumpy eggs. "K-kahit ano."

"Yung light blue?" Tanong niya at itinuro ang light blue na dumpy egg.

"S-sige..."

"Kunin mo na." Ani niya at umayos na ng tayo at tiningnan ako. Yung tingin niyang malamig pero nakakatunaw.

"I-ikaw na..."

He's still looking at me wit cold stare. "Kung gusto mong mabuhay ang itlog, mas mabuting ikaw ang kumuha at humawak." Sabi niya kaya wala na akong nagawa kundi kunin ito at namangha.

"Wah..." naiusal ko nalang dahil sakto lang ang bigat nito. Hinawakan ko ng maayos ang pugad para hindi ito bumagsak.

"Oh sige, hindi muna tayo mag kaklase ngayon. Ibibigay ko nalang ang oras na ito para sa inyo ng partners nyo para mapag-usapan ang schedule ng pag-aalaga ng itlog. And one more thing!"

Sabi niya at tumayo sa gitna. "Remember! The original parents are only the one who's aloud to take care of the egg. And you're aloud to use your elements. Why? Find it yourself. Class dismiss!" Sabi niya at pumitik sa ere at bigla siyang naglaho.

"Eh? Pinayagan tayong gumamit ng elements? Para saan naman kaya?" Takang tanong ni Aeros.

"Sabi niya sa loob ng isang linggo, may magaganap na hindi natin inaasahan. Baka doon natin magagamit?" Tanong ko sa kanila. Napatango naman sila sa sinabi ko.

Biglang nagtayuan ang mga ito at nagpunta sa sari-sarili nilang mga kapareha. Naiwan ako sa table namin at pinagmasdan ko ang itlog at hinimas ito.

"Ano kayang itsura mo?" Tanong ko dito. Grabe, ang laki niyang itlog.

Nang bigla kong maramdaman na lumamig sa tabi ko. Hindi ko na kailangang lingunin para malaman kung sino yun dahil kilala ko na ito.

Pinatong nito ang kanang siko sa lamesa at pinatong ang ulo sa kamay at pinagmasdan ang itlog. "Ikaw ang maggawa ng schedule." Sabi niya.

"S-sige." Napatikhim ako. Tsk, kailan pa ako nauutal kapag nagsasalita?!

"G-ganito. Sa umaga sa akin siya, pagdating sa tanghali sabay tayong magbabantay sa kaniya at pagdating ng gabi ikaw ang magbabantay. Then sa susunod na araw, sayo siya ng umaga, sating dalawa ng tanghali at sa akin ng gabi. Ganun para salitan tayo." This project... H-halos oras oras na kaming makasama nito!

"Hmm. Sige." Bigla naman siyang ngumisi. "Magulang na magulang ah?"

Napaiwas ako ng tingin sa kaniya at napailing nalang.

Matapos mag-usap usap ang mga magkakapareha ay nagsilabasan na kami para sa susunod na klase. Hawak ko ngayon ang itlog na nasa pugad. Sa totoo lang natatakot ako dahil baka mabasag ko siya.

Hawak hawak naman din si Firexia, Arine at Lucas ang mga itlog nila. Kataka taka nga lang na ay balot ng tela ang ilalim at paligid ng pugad kung saan naka hawak si Firexia.

"Bakit may tela?" Taka kong tanong. She smiled at me then look at the egg.

"For safety."

"Huh?"

Tiningnan naman niya ako. "Baka biglang uminit ang kamay ko at maluto siya imbes na mabuhay." Aniya at medyo natawa pa. Sa sinabi niyang yun ay naalala ko ang kapangyarihan niya.

Oo nga pala.

Luxious Academy 1: Realm Of The Elementals (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon