04 | Drown

858 35 5
                                    

←----• 04 •----→

"Drown"
❅────────❅•°•°•❅────────❅
— Samantha's POV —



Matino pa naman ako habang naglalakad pauwi sa amin. Marami akong nainom but I still can manage to walk and think properly.

Naglalakad ako ngayon dahil naiwan ako ni Dwain. Bigla na lang kasing dumating si Keylin —his girl or whatever lagi kasing nag-aaway lately— at hinila ito palabas ng bar pero bago ito lumabas, hinarap nito ang babaeng lumalandi kay Dwain at sinuntok. Ending? Ayun nasa hospital dahil knockout. At si Dwain? Hindi man lang naawat si Keylin na nagwawala dahil sa may tama na rin.

Pagkarating ko sa tapat ng mansion ko— oo, ako na nag mamay-ari nito dahil ipinamana na sa akin to ni dad. Actually lahat lahat ng meron siya nasa akin at walang ibinigay sa dalawang impaktita— agad na akong pumasok.

"...I just came from my amiga's house and it was in an island that's why you can't contact me that morning, why?... WHAT?! Who did that to her!?…That bitch!?… Okay, I'm going there!" Sabi niya at nang makita akong nakatayo sa may pintuan ay agad siyang lumapit at akmang sasampalin ako ng mauhan ko siyang hawakan.

"Ah! How dare you do that to my daughter!? Lumayas ka dito!"

"What!? At bakit ako lalayas sa sarili kong bahay!? Ano ako? Tanga!?"

"Ako ang asawa—"

"Ako ang tunay na anak at Crimson, ano? May laban ka? Ni hindi ka nga pinakasalan ng tatay ko eh! You just faked a documents para maging Crimson kayo ng impaktita mong anak!" Taas kilay kong sagot. Nangangati na ang kamay ko habang hawak siya kaya naman agad ko na siyang binitawan at nakangising nilayuan ko siya at pumunta na sa kwarto ko.

Dalawang kwarto lang ang bukas and the rest are locked. Lahat ng susi ay nasa pinaka pinagkakatiwalaan kong kamag-anak. Ilang beses nang nagtangkang buksan ng dalawang yun ang opisina ni dad at mom pati ang kwarto nito pero hindi nila yun natutuloy dahil na rin sa may bantay.

Nagawa na nilang suhulan ang ilan pero dahil mas lamang ang mapagkakatiwalaan, agad din silang nahuhuli.

Ngayong gabi magaganap ang pangyayaring di nila aakalain. Papalayasin ko sila.

Pagkapasok ko sa kwarto ko ay pasalampak akong nahiga sa kama. 'Suicide'. I have hated that word ever since that thing happened. It brings me a lot of pain. I'm just six years old that time, when I saw that kind of things so I end up in a therapist, I've been in trauma for two years and its like a fucking hell.

I heave a sigh. Bored kong kinuha ang cellphone ko sa bulsa ng skirt ko and dialed his number.

"Gawin na natin." Sabi ko agad.

"Wala man lang ka hello-hello, ano?! Diretsiya na agad sa gusto!?" He answer and that's make me rolled my eyes.

"Tsk, hello uncle-liling." Sabi ko ng nakabusangot. He just laugh.

"Hello pamangks! Ganiyan dapat! Hayaan mo, nasa labas na kami kanina pa, nagtatago lang ang mga pulis sa ibang gilid ng bahay kaya di mo napansin." Nangunot ang noo ko. Pinatay ko na muna ang tawag. Kaya naman sa kyuryosisad ay sumilip ako sa bintana at tumanaw sa baba, nagbabaka-sakaling may makitang pulis. At tama nga.

Nakakita ako ng ilang pulis na kausap na ang guards sa bahay, mukhang sang-ayon din sila. Paano'y api rin ang ganap nila dito lalo na ang mga maid. Tsk, feeling reyna kasi ang haliparot at ang kanyang bruhildang anak kung makapag-utos.

Napangisi ako ng lahat sila ay magtanguan at pumunta na sa mga pwesto. Nakita ko naman ang isang lalaki na naka black jacket, black pants, at cap na pasilip silip sa mga nakahanda ng pulis. Naramdaman siguro nitong may nagmamasid sa kaniya kaya napatingala ito sa akin at agad na nag thumbs up nang malamang ako yon, alam ko na kung sino siya kaya tumango na lang ako. 

Luxious Academy 1: Realm Of The Elementals (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon