10 | Elemental Game (Pagkalito)

723 33 0
                                    

←----• 10 •----→

"Elemental Game (Pagkalito)"
❅────────❅•°•°•❅────────❅
— Samantha's POV —



I leave that noisy place because I can't sleep. Where the hell I can find a peaceful place where I can sleep!?

I chant a spell for teleportation so I can easily get in and out of our Academy.

I don't wanna stay there for long because that daughter of the first council were having this big ugly mouth.

As I landed on the ground of the Academy, I close my eyes and heave a sigh when I feel a warm air running through me. And I'm not wrong. He's here.

"Ano na naman to?" He asked with a unbelieving tone. I just shrugged and walk but I suddenly stop when I feel that the air surrounds me where getting hotter.

"Lumabas ka na naman ba ng Academia?"

I use my elemental power to defeat the hot air I feel cause it's damn irritating me.

But I failed. It even gets hotter!

"Stop the hot air, Fier." I said making a cold air but failed again.

"Kahit anong gawin mo, hindi ka makagagawa ng malamig na hangin. Alam mo naman siguro na isang guro ng Academia ang kaharap mo? Mas malakas pa sayo?" I raised my right eyebrow of what I've just heard.

"And so? Just stop this." With that. The air goes normal again.

"Don't do it again. Ang mga kawal ang napapamahamak sa ginagawa mo."

"You know, I can't take any longer here while the big mouthed monster is around-"

"BABY PRINCEEEEEE!!!!" I closed my eyes in annoyance. But before she can touch me, I already chant a spell for teleporting again.

(A/N: Pronunciation: Fier - Fir)

- Sam POV -

Nakapikit ako at naririnig ang mga bulungan ng tao matapos nanggagalaiting huminto sa pag-aayang umalis ng anak ng ikatlong konseho.

"SINO ANG SUMIGAW NON!?"

"A-ano bang ibig-sabihin nun?"

"Sinong sumigaw?"

"Sa lakas ng sigaw, siguradong katabi ko yun at babae."

"Wala ka namang katabing babae eh."

"Yun na nga e."

"DAMMIT! SINO ANG SUMIGAW!?"

Napadilat ako ng mata at nagtaka ng wala man lang nakapansin na ako ang sumigaw. Hanggang sa nagsalita ang katabi ko. "Samantha? Nasaan na naman yun?" Takang tanong nito. Palingon-lingon kung saan ako naka pwesto.

"Anong nililingon-lingon mo!? Kaharap mo ko oh!"

"Tsk, tumakbo na naman siguro yun. Kalokohan din kasi eh." Nagtaka ako sa inasta nya kaya't hinarap ko ang babaeng katabi ko at humarang sa harapan nya. Pero wa-epek dahil parang tumagos lang ang paningin nya sa akin.

'Anong nangyare sa akin!?'

"SINONG- ANO!?" sigaw muli ni Clown- yung anak ng ikaunang konseho, trip ko syang tawaging ganun- ng nakatingin sa paru-paro sa harapan nya. Ang kaninang salubong na kilay ay naghiwalay at nagtititili nalang na sumakay sa kabayo at mabilis na umalis.

Naiiling nalang ako. Putek, buti nalang at walang alam ang mga tao na ako ang sumigaw, pero bakit parang di nila ako nakikita?

'You've just done something...'

Napalingon lingon ako ng makarinig ng tinig. Yung tinig na malambot at kaaya-aya sa pandinig.

'Just tell what you want to happened.'

Sabing muli ng boses. Binalewala ko ito at hinabol si Lucas na palabas na ng tarangkahan sa Hilaga papuntang lugar namin.

"LUCAS!"

"Huyyy!"

"Di ka na nakakatuwa!"

"Ano!? Walang pansinan ganon!?"

"Isa!"

"Tatlo!"

"Arghhhhh!" Inis na sigaw ko at nagmaktol ng parang bata ng di parin nya pansinin. Hanggang sa makarinig na naman ako ng boses.

'Tell what you want.'

"Pag ito hindi gumana, magwawala na ako." Sabi ko at pumikit nalang katulad kanina ng sinabi kong sana hindi ako makita.

'Sana makita na ako ni Lucas.'

"Samantha? Langya, nandito ka lang pala?" Napadilat ako ng marinig ang boses ni Lucas. Nakatingin ito sa akin ng diretso. Lumingon-lingon pa ako at nagbabakasakali na di sya sa akin nakatingin pero ako lang naman ang taong kaharap nya at ang iba ay malayo.

"Anong pinagsasasabi mo!? Napagod ka na sigurong magpanggap na di ako nakikita noh!?" Nagtatampo ko kunwaring tanong.

"Anong pinagsasasabi mo? Matapos mong sumigaw kanina sa Sentro ng Bayan ay bigla ka nalang nawala sa paningin ko. Saan ka ba nagpunta? At bakit mo yun ginawa? Buti nalang at walang nakakita sayo na nakakapagtaka." Takang tanong nya at nagpatuloy na kami sa paglalakad.

"Hindi mo... talaga ako nakita? Promise?" Kinakabahang tanong ko.

"Shhh nag-i Ingles ka na naman e. Oo sigurado ako. Pangako." Sabi nya sabay taas ng kanang kamay na parang nanunumpa.

Bigla akong napa-isip. Ano ba talagang nangyare?

Napabuntong hininga nalang ako at binalewala ang nangyare. Ang kailangan kong pag-tuunan ng pansin ay ang magaganap mamayang madaling araw.

Nang makarating kami sa bahay nila ay wala doon si Tita Liza. Sabi ni Lucas ay nasa trabaho siguro ito. Naiwan akong mag-isa dahil si Lucas ay may pinuntahan habang si Lucy ay di na naman mahagilap.

Nagdesisyon nalang akong pumunta sa kakahuyan. Kulit ko rin ano? Alam na mapanganib pero suong parin.

Nang makarating sa dating pwesto kung nasaan ang tigre ay napalingon-lingon ako. Wala akong makitang puting tigre. Tanging mga tuyong dahon lang ang nakikita ko. Parang katulad sa Korea kapag Fall season.

Dala ko ang telang may laman na mansanas at ubas na binili ko kanina. Balak kong kainin ito at bigyan din ang alaga ko. Oo, alaga na turing ko sa puting nilalang na yun.

Ilang minuto na rin akong naglalakad. Malayo layo na rin ang nilakad ko pero iisang direksyon lang naman ang ginagawa ko, diretso lang hanggang sa makarinig ng tubig.

Naglakad-lakad pa ako at nanlaki ang mata sa nakita. Isang malaking LAWA! Lumapit ako at tinignan ito. Ang linaw ng tubig! Mabato rin pero maliliit lamang. At sa gitna ng lawa ay may batuhan na nakapabilog. Ang ganda! Pero, napaatras din ako. Nasa delikado itong kakahuyan malamang may nilalang na mapanganib rin doon.

Akmang aalis na ako ng makarinig muli ng tubig. Parang may nagtatampisaw. Lumakad ako papunta sa likod ng malaking bato at napangiti ng makita ang hinahanap ko. Dahan dahan akong naglakad at pinagmasdan itong linisan ang sarili. Nagtaka ako ng huminto at lumingon sa akin ng kita ang matatalas niyong ngipin. Hala! Baka totoo nga ang sinabi ni Lucas na pagod lang ito kaya di ako nilapa!

Dahan dahan itong umahon sa tubig at lumapit sa akin. Nanginginig naman akong napaatras pero nahinto rin ng itagilid nito ang ulo kaliwa't kanan tapos bigla nalang sumalampak ng higa. Aba't!

Napataas ang kilay ko. "Tinakot mo lang ako noh?" Tanong ko dito. Nakita ko ang pag-ngisi nito. Aba!

"Sige, ngisi pa. Hindi kita bibigyan nito." Sabi ko sabay wagayway ng dalang tela. Napaangat ang ulo nito at biglang nagpa-cute. Anak ka ng tigreng ito!

"Hala sya. Tara dito." Sabi ko at pinalapit sya sa pwesto ko na ginawa nya pero pasalampak parin na humiga. Dapang dapa sya ngayon. Naiiling akong pumitas ng ubas sa tangkay nito at inilapit sa bibig nya. "Ahh." Sabi ko at nakuha nya namang ngumanga. Para din syang tao. Tigre nga lang.

Luxious Academy 1: Realm Of The Elementals (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon