11 | Elemental Game 4 (Simula)

692 29 0
                                    

←----• 11 •----→

"Elemental Game 4 (Simula)"
❅────────❅•°•°•❅────────❅
— Lucas POV —


Malapit ng magmadaling araw. Kahit walang tulog ay gising parin si Lucas. Hinihintay niya ang senyales na sinabi ng anak ng ikaunang konseho.

"Anak, gisingin mo na si Samantha, nabuo na ang konstelasyon, baka kasunod na nyan ang senyales." Anang kanyang ina na hinahanda ang kanilang mga kakailanganin. 

"Sige po." Pumasok na sa kwarto si Lucas ng kanilang ina kung saan din natutulog si Samantha. Iniwan nyang bukas ang pinto bago nya nilapitan ang dalaga para gisingin.

"Samantha, malapit na ang senyales." Sabi nya rito matapos niyang yugyogin ng dahan-dahan si Samantha mahimbing pa rin ang tulog. Nagulat siya sa sunod na nangyari. Muntikan na syang masuntok! Buti nalamang at maagap syang nakaiwas.

"L-lucas?" Tanong ni Samantha matapos magising. Umupo ito ng dahan-dahan at kinusot ang mata. "Ikaw pala. Nasuntok ba kita?" Kamot batok nyang tanong.

"Hindi, muntikan lang." Sagot ni Lucas na gulat pa rin.

"Hehe pasensya na. Nakalimutan kong sabihin na masama akong gisingin." Nakangiwing sagot ni Samantha. Napailing iling na lang si Lucas sa kawirduhan ng dalaga.

"Tara na at baka—" nahinto ito sa pagsasalita ng marinig ang senyales. Nagpatunog na ang taga-senyas.

"Tara na! Magsisimula na ang laro!" Sabi ni Lucas sa kanya na agad na nagpatayo sa kanya at dali-daling lumabas. Gamit ang halamang pang-ipit na bigay ng kapatid ni Lucas ay inipitan niya ang maalong kulay kayumangging buhok.

Nanghiram din si Samantha kay Liza kagabi ng damit nito na maikli para daw makakilos sya ng maayos, nanghiram din sya ng pambaba kay Lucas upang di maging sagabal kung sakaling tatakbo sila. Pinahiram din sya ng ginang ng sapin sa paa na hanggang ibaba ng tuhod ang taas. 

Hinintay ni Lucas si Samantha sa labas dala ang gamit nila. Sinabihan si Lucas ng kanyang ina na sumakay sa kabayo papuntang paanan ng bundok Ilumna. Baka daw masayang at maubos ang lakas nito pagdating sa dulong pagsubok.

Pumito ito at di nagtagal ay narinig niya ang yapak ng tumatakbong kabayo. Agad siyang sumakay sa kabayo na sya ring paglabas ni Samantha. Inalalayan sya ni Lucas na sumakay.

Lumabas ang ina ni Lucas mula sa kanilang bahay. "Anak, mag-iingat kayo. Tandaan nyo ang mga salitang ito. Fiero para sa apoy, Aeros para sa hangin, Paneria para sa halaman, Frocia para sa lamig, Lietro para sa kidlat, Dispiero para sa pampawala, Witeosignus para sa tubig. Magagamit nyo iyan." Sabi nito. Lahat ng sinabi ng ginang ay mga spell na alam nito.

Nagbanggit ng kung ano pang kataga ang ginang at naglabas ng maliwanag na bagay ang kanyang kamay at isinaboy iyon sa dalawa. "Mag-iingat kayo. Ipapanalangin kong makapasa kayo. Kung di man kayo mapalad na makarating sa dulo, hiling ko ang ligtas na pagbalik nyo." Ani ng ina at ngumiti ng may halong pag-aalala sa kanyang mukha.

"Ina, babalik akong buhay. Pangako." Tulad ng dati, iyon ang naging pangako ni Lucas sa ina.

"Aasahan ko yan. Mag-iingat kayo. Dasal ko sa Bathalang Luzar at Diwatang Cia ang inyong kaligtasan." Huling sabi nito.

Tumango ang dalawa at mabilis ng pinatakbo ni Lucas ang kabayo papunta sa paanan ng Bundok Ilumna. Napansin naman ang pagkunot ng noo ng kasama nya  kasabay ng paghawak nito sa sariling ulo.

"Anong ginagawa mo?" Takang tanong nya.

"Ano yung sinaboy ni Tita Liza?"

"Hindi ko alam, malalaman natin mamaya." Pagkasabi nya nun ay tsaka nila natanaw ang bundok. Sa harap nito ay mga taong naghihintay rin. Pinahinto ni Lucas ang kabayo di kalayuan sa mga tao at bumaba. Tinulungan niya rin si Samantha na makababa.

Luxious Academy 1: Realm Of The Elementals (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon