31 | Reason

539 25 0
                                    

←----• 31 •----→

"Reasons"
❅────────❅•°•°•❅────────❅
- Samantha's POV -



Lumipas ang oras at halos lahat ng magkaparehas na nakatanggap ng itlog galing kay Miss Pell ay na admit sa infirmary dahil sa mga galos na natamo dahil sa naglalakihang ibon na sumugod para tangayin ang mga dumpy egg. Mabuti na lamang at kumpleto pa rin ang mga itlog at ni isa sa mga ito ay hindi nagtamo ng kahit anong lamat.

Tumunog narin ang bell, hudyat na tapos na ang lahat ng klase sa araw na yon. Pagkababa namin mula sa second floor ay naglalabasan narin ang iba pang mga seniors. Tanaw din namin dito ang juniors and sophomores facilities kaya't kita rin namin na naglalabasan na ang mga ito. Magkakahiwalay kasi ang school facilities ng juniors, sophomores at seniors.

Habang nakatanaw sa mga naglalabasang estudyante ay lumilipad naman ang isip ko. Hanggang ngayon ay nagtataka pa rin ako sa inakto ni Azriel kanina.

"Guys, tapos na klase. Ano? Saan tayo?" Tanong ni Aeros sa amin ng makalabas na kami ng school senior facility.

"Alis na muna ako." Sabi ni Azriel at wala na kaming nagawa ng tumalikod na ito at nakapamulsang umalis.

"Hoy, saan ka na naman pupunta?" Tanong ni Firexia dito pero ikinaway na lang ni Azriel ang kamay niya. Ibang daan rin ang tinatahak niya.

"Prince Azriel Frost Zerious Zeban! Wag mong galitin si Sir Fier! Wag kang lalabas hah!? Ang mga gwardyang kawal ang napapahamak sa ginagawa mo!" Paalala ni Light pero nagtuloy tuloy na lang si Azriel at ni hindi kami sinagot o nilingon man lang.

"Hayss, bahala siya. Doon na lang siguro tayo sa open field." Suhestyon ni Firexia habang hinihimas ang itlog na hawak niya mula sa pugad.

"Sige, sige. Tara Light, Lucas. Bili tayo ng makakain sa café. Sunod na lang kami sa inyo hah?" Sabi ni Aeros at hinila any dalawa papunta sa gawi ng Café para bumili ng makakain namin. Kami namang mga babae ay nagpatuloy lang sa paglalakad papunta sa open field para doon magpalipas ng oras.

"Doon tayo." Turo ni Firexia sa isang pwesto kung saan may puno at wala pang nakatambay na estudyante. Pumunta kami doon at umupo. Pare-pareho kaming nakasandal sa katawan ng puno. Inilagay ko naman sa kandungan ko ang itlog at marahan itong hinaplos.

Karamihan sa mga estudyante ay nandito rin. Mga nagkukwentuhan at naghahabulan. Magkakahalo na ulit ang mga kulay, ibig sabihin ay magkakasama ang lahat ng mga estudyante ngayon. Dito rin pala sila nagpapalipas ng oras pagkatapos ng klase.

Pumikit ako at dinama ang kapayapaan ng paligid. Kailangan ko ba nagawa ang bagay na ito sa mortal na mundo? Never.

"Hayyyy, I think lumabas na naman ng academia si Prince." Sabi ni Arine habang pinaglalaruan ang dalawang dahon na nalalaglag mula sa punong kinasasandalan namin.

"Hmm, sang-ayon ako. Pero bakit ba siya umaalis ng Academia? May araw naman ng paglabas. Hindi naman nakakabored dito sa loob dahil allowed naman tayo sa labas ng dorm hanggang sa oras ng hapunan. Mahaba-habang oras na rin yun para maglibang." Tanong ni Firexia.

"baka nagsasawa siyana panay iisa ang mukhang nakikit niya?" Sabi ko at doon napanguso si Arine.

"Siguro? Mula pagkabata magkakasama na kami eh. Baka nga ganun." Naiiling na sabi niya.

"Oh baka naman may babae sa labas si Azriel?" Natatawang suhestyon ko ulit. Natawa na lang din sila sa tinuran ko.

Di naman yun imposible, ano. Hmp!

"Siguro-" Naputol ang sasabihin ni Firexia sa biglaang pagsingit ng isang boses.

"Ano!? M-may babae sa labas ng Academy si Prince!?" Mabilis kaming napalingon sa nakakairitang boses na yon at nakita namin si Shela kasama ang iba pang colouring book. Nanlalaki ang mata nito na nakatingin sa amin.

Luxious Academy 1: Realm Of The Elementals (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon