50 | They're Just Here

307 12 0
                                    


❝ 𝑺𝒖𝒓𝒆, 𝒆𝒗𝒆𝒓𝒚𝒐𝒏𝒆 𝒘𝒊𝒍𝒍 𝒄𝒉𝒐𝒐𝒔𝒆 𝒑𝒆𝒂𝒄𝒆𝒇𝒖𝒍 𝒕𝒉𝒂𝒏 𝒂 𝒍𝒊𝒇𝒆 𝒇𝒖𝒍𝒍 𝒐𝒇 𝒄𝒉𝒂𝒐𝒔. 𝑩𝒖𝒕 𝒚𝒐𝒖 𝒄𝒂𝒏'𝒕 𝒄𝒉𝒐𝒔𝒆 𝒆𝒊𝒕𝒉𝒆𝒓 𝒐𝒇 𝒕𝒉𝒆 𝒕𝒘𝒐. 𝑻𝒉𝒆 𝒅𝒆𝒔𝒕𝒊𝒏𝒚 𝒘𝒊𝒍𝒍 𝒎𝒂𝒌𝒆 𝒊𝒕 𝒂𝒏𝒅 𝒚𝒐𝒖'𝒓𝒆 𝒕𝒉𝒆 𝒐𝒏𝒆 𝒘𝒉𝒐 𝒘𝒊𝒍𝒍 𝒅𝒆𝒄𝒊𝒅𝒆 𝒘𝒉𝒂𝒕 𝒕𝒐 𝒅𝒐, 𝒔𝒕𝒂𝒚 𝒐𝒏 𝒕𝒉𝒂𝒕 𝒄𝒉𝒂𝒐𝒔 𝒐𝒓 𝒃𝒆𝒕𝒕𝒆𝒓 𝒅𝒐 𝒂𝒏𝒚𝒕𝒉𝒊𝒏𝒈 𝒂𝒃𝒐𝒖𝒕 𝒕𝒐 𝒆𝒏𝒅 𝒊𝒕. ❞








←----• 50 •----→

"They Are Back".
❅────────❅•°•°•❅────────❅
— Samantha's POV —



Napalabi na lang ako matapos may malaman ng mga oras na iyon. Anong ibig nilang sabihin? Gulo? Anong klaseng gulo naman—

Nanlaki ang mata ko at tila nanlamig bigla sa kinatatayuan. Rinig na rinig ko ang isang ingay na alam ko kung saan nagmumula.

Mabilis akong kumilos at tinahak ang palabas ng senior facilities. Ngunit wala akong nakitang anuman. Luminga-linga pa ako at isang bagay ang nahagip ng aking paningin, isang cloak?

Nilapitan ko ito at mabilis na dinampot ang cloak, isang asul na cloak, ngunit hindi ito ganoon ka asul, ibig sabihin. . .

"Arine?" sabi ko at napatingin pa sa isang bagay na naiwan kasama ng cloak, dinampot ko ang mansanas na may kagat na. Mabilis ang tahip ng puso ko ng inakyat ko ang dormitoryo namin. Wala na akong pakialam kung may makarinig sa mabilis kong yabag. Ang mahalaga ay makumpirma ko ang hinala ko.

Pagbukas ko ng pintuan ng kwarto namin ay hindi ko na ito naisara sa pagmamadali at dumiretso sa kwarto naming tatlo, mula roon ay nakumpirma ko nga ang aking hula.

"Aarine, si Arine. . ." sabi ko ng makitang nag-iisa lang si Firexia na natutulog sa kaniyang sariling kama. Wala si Arine doon at wala rin ang cloak niya na nakasabit kanina sa cabinet niya, at ang cloak na 'yon ay hawak ko.

"Nawawala siya?" Matamang tanong ko sa sarili at napalingon sa bintana ng may naaninag akong bagay na dumaan doon.

Mabilis pa sa alas kwatro na nilisan ko ang kwarto at isinara bago muling tinakbo ang bawat hallway pababa na wala na namang pakialam sa ingay na ginagawa ng yabag ko.

Halos manginig naman ako sa kaba ng makita ang lumilipad sa langit, palayo na ito sa pwesto ko at gumagawa pa rin ng ingay. Hindi ako nagkamali ng rinig kanina, ang uwak nga ang nag-iingay na sinasabing wala na sa lugar na ito!

"Hindi, baka naglibot lang siya," pagpapalubag ko sa loob ko at walang pakundangan na tinakbo ang pagitan ng dormitoryo at ng senior facility. Kabadong kabado ako habang mabilis na tinatakbo ang kahabaan ng hallway palabas ng senior facility.

Nilibot ko ang kabuuan ng lugar at inabot ako ng halos kalahating oras. Ni bakas niya ay wala na akong makita. Tanging itong hawak na cloak at mansanas lang ang prowebang mayroon ako.

Nawawala si Arine.

Tinahak ko ulit ang daan papuntang mga pasilidad ng academia at nang makalabas ay diretso akong pumunta sa daan patungong kastilyo ng mga headmasters. Pagkarating doon ay huminto ako saglit para habulin ang hininga. Iniisip ko rin kung saan ako dadaan para mahanap ang lugar ng meeting hall kung saan nagpupulong ngayon ang lahat ng nakatataas sa paaralan.

Mayamaya lang ay nagulat ako ng may lumagpas sa akin, ang uwak! Pumasok ito ng diretso sa loob ng kastilyo, sinundan ko ito ng tingin at mayamaya lang ay nahinuha kong gusto ako nitong sumunod.

Luxious Academy 1: Realm Of The Elementals (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon