27 | Dumpy

601 23 0
                                    

←----• 27 •----→

"Dumpy"
❅────────❅•°•°•❅────────❅
- Samantha's POV -



Nailang ako lalo ng marinig ang bungisngis ng mga kasama ko.

Aish! Pataray taray pa kasi ako eh!

Binawi ko ang tingin ko kay Azriel at nagpatuloy na sa pagkain. Kita ko rin sa peripheral vision ko na napailing pa ito.

"See? You owe me a thing." Dagdag niya pa.

"O-oo na! Tsk!"

"Haha pikon na pikon ka yata Sam?" Pang-iinis pa ni Aeros kaya inirapan ko ito. Binuntutan naman ng tawa ng iba ang ginawa ko.

Tahimik nalang akong kumain at ang iba naman ay nagkwentuhan pa. Halos wala kaming imik ni Azriel.

Nang matapos magtanghalian ay tumayo na kami. Sabi nila may kukuha naman daw nung pinagkainan namin.

Sabay sabay na naman ang boys at nasa unahan na naman ito. Nakapamulsa si Light at Azriel samantalang nagkakasatan na naman ang dalawang bata, si Aeros at Lucas.

"Ahh matanong ko lang, ano ba yung pagkakasunod sunod ng mga klase?" Tanong ko sa dalawang kasabay ko.

"Ahh ganito yan, unang klase natin is Spell sa loob ng isang oras, sunod naman ay ang Enhancing Element at si Teacher Bliz ang magtuturo sa atin sa loob ng isang oras, next is break time break then ang sunod na klase ay Enhancing Skills with Teacher Scott and Frit, dalawang oras yun." Paliwanag ni Arine.

"Tapos, lunch break then Healing lesson with Miss Pell ng one hour. And the last subject ay kay Sir Fier at Miss Limary which is Fighting Adoption and two hours siya." Paliwanag din ni Firexia.

Napatango nalang ako. Dito pala minsan dala-dalawa ang teacher sa isang subject.

Imbes na dumiretso kami sa school ay papunta kami sa open field. Eh?

"Teka, mag di-ditch tayo ng class?" Taka kong tanong sa kanila. Nawala na rin sa paningin ko ang boys.

"Oy hindi ah! Never ko pang nagawa yun." Nakangusong ani ni Arine.

"At tsaka easy ka lang..." natatawang ani naman ni Firexia at tinapik pa ang balikat ko.

At matapos ng ilang metrong paglalakad ay sa di kalayuan, nandoon ang iba sa may Bermuda grass ng field at nakaupo. Dalawang grupo na lang ang hinihintay. Nang makalapit at agad na tumabi kami kila Lucas at inilibot ko ang paningin ko.

Kahit malapit ng magtanghali ay hindi masakit ang init ng araw kaya naman masarap ngang magklase dito. Hindi na rin pamilyar sa akin ang mga kaklase namin. Siguro kada klase ay magkakaiba ang grupo.

Napatikhim nalang ako ng magtinginan sa akin ang mga lalaki ng grupong naririto ngayon kasama namin.

"Hello Sam!" Bati ng isa sa kanila na awkward kong nginitian at tinanguan.

"Sam, pansin ko lang. Haba pala ng hair mo no? Pansinin ka ng boys." Nanunuksong sabi ni Firexia kaya't natawa ang ka-grupo naming kalalakihan.

Maya maya lang ay may dumating na dalawang grupo at may kasabay yon na dalawang lalaki. Sa pagkakaalala ko ay si Sir Scott and Frit.

"Good morning, handsome teachers!" Bati ng mga estudyante kaya natawa ang dalawa ng tumayo sa harap.

"Mga baliw talaga kayo. Nahawa na kayo kay Frit." Ani Sir Scott kaya sinuntok siya ni Sir Frit sa balikat.

"Sira! Haha, sino mas gwapo sa amin? Ako diba? Diba?" Tumataas taas pa ang kilay nito ng tanungin iyon.

"Sir! Magklase na lang tayo!" Napabusangot nalang si Sir Frit sa tinuran ng isang babae sa likuran.

"Wala ka pala eh." Pang-aasar ni Sir Scott dito. "Oh siya, before we start our lesson, please stand up the new students and please kindly introduce yourselves where your were standing." Nakangiting ani niya kaya naman tumayo kaming dalawa ni Lucas.

"Ladies first." Ani ni Lucas at kinindatan pa ako. Nailing nalang ako at nagsimula ng magpakilala.

"Good morning. Ang pangalan ko ay Samantha Luna, Sam for short." Maikling pagpapakilala ko.

"Gentleman, it's your turn." Sabi ni Sir Frit kay Lucas.

"Ahh ako naman si Lucas. Ikinagagalak ko kayong makilala."

"Hello!" Bati ng ilan sa amin na tinanguan namin.

"Okay, now you may seat and let's proceed to the class." At nagsimula na nga silang magturo.

They're both teach us some skills to enhance like running and attacking the opponent. Dine-demo nilang dalawa sa harap ang dapat gawin para ma-enhance pa lalo ang nasabing skills. Bago matapos ang klase ay pinaalalahanan din nila kami na mag PE uniform bukas dahil gagawin namin ang ginawa nila.

We took our lunch on the café too. Nasabi rin sa amin nila Aeros na ang breakfast ay sa dining hall, ang break time at lunch break ay sa café at ang dinner ay sa dining hall ulit.

At ang next class namin ay kay Miss Pell which is healing class.

Sabay sabay kaming pumasok sa school facility at umakyat sa second floor at nagtungo sa isang room kung saan nakalagay ang salitang 'Seniors Healing Class'.

"Welcome to my world." Sabi ni Arine at siya mismo ang nagbukas ng pintuan para sa amin. Sabay sabay na kaming pumasok at sumalubong sa amin ang maaliwalas na kwarto. Kasing laki rin ito ng Spell room. Nagkalat din ang bookshelves na naglalaman ng mga librong sa tingin ko ay pang medisina. Meron namang isang cabinet na may glass transparent door kung saan kita ang mga nakalagay doon. May mga glass jar doon na naglalaman ng mga herbs.

"This is Arine's world." Nakangiting sabi ni Firexia ng makaupo kami sa aming upuan. Kunot noo ko siyang pinagmasdan.

"Huh?"

"Arine is a healer. The healer of our group. Ito ang gusto niya dati pa. Sa lahat ng lessons na mayroon tayo, ito ang pinaka nakakasabik na parte para sa kaniya." Paliwanag ni Firexia. "Kaya naman malapit na malapit talaga siya kay Miss Pell and other medicine teachers."

Napatango tango nalang ako at pinagmasdan si Arine na nasa bookshelves, hawak ang isang libro habang binubuklat ito.

Maya maya lang ay nagdatingan na ang iba kasabay nun pumasok si Miss Pell na may buhat na kahon. Mabilis namang tumayo si Light at tinulungan ito.

"Salamat."

"Good afternoon, Miss Pell." Bati namin sa kaniya ng nasa harap na siya. Si Arine naman ay nakabalik na sa kaniyang pwesto.

"Good afternoon. So nakikita nyo naman siguro itong kahon di ba?" Tanong niya sa amin na tinanguan namin.

"Ito ang magiging project nyo."

"Teka po, ano po bang laman niyan?" Kunot noong tanong ni Aeros.

"A dumpy." Ngiting ngiti na sabi nito.

A what?

Luxious Academy 1: Realm Of The Elementals (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon