53 | In Black

316 10 0
                                    

❝ 𝑫𝒂𝒓𝒌 𝒂𝒔 𝒏𝒊𝒈𝒉𝒕
𝑷𝒖𝒓𝒆 𝒂𝒔 𝒍𝒊𝒈𝒉𝒕
𝑻𝒉𝒆 𝒗𝒐𝒊𝒄𝒆 𝒇𝒓𝒐𝒎 𝒘𝒊𝒕𝒉𝒊𝒏
𝑳𝒐𝒔𝒕 𝒇𝒓𝒐𝒎 𝒕𝒉𝒆 𝒓𝒆𝒗𝒆𝒓𝒊𝒆
𝑺𝒆𝒆𝒌𝒊𝒏𝒈 𝒇𝒐𝒓 𝒍𝒊𝒇𝒕
𝑽𝒆𝒕𝒐𝒆𝒅 𝒃𝒚 𝒎𝒐𝒏𝒔𝒕𝒆𝒓𝒔
𝑺𝒉𝒂𝒅𝒐𝒘𝒔 𝒄𝒂𝒑𝒕𝒖𝒓𝒆𝒅
𝑻𝒉𝒆 𝒂𝒍𝒍𝒖𝒓𝒊𝒏𝒈 𝒔𝒐𝒖𝒍 ❞
________





←----•53 •----→

"In Black"
❅────────❅•°•°•❅────────❅
— Samantha's POV —






Agad na naman kaming kumilos at humawak sa kaniya. Huminga ito ng malalim at sa isang kisap-mata ay nasa likod na kami ng mga maestro sa may foutain kaharap ang mga headmasters. Wala namang nagkalat na estudyante dahil sa oras na ng klase. Naisagawa na kaya nila ang paglalagay ng tattoo?

"Hah!" Malakas na sigaw ni Sir Frit kaya naagaw ng mga nagpupulong ang kaniyang atensyon. Napapahiyang napakamot ito sa ulo at lumapit at medyo natigilan pa na napaturo sa amin ng makita kaming naroon na.

"Paanong. . . Ahh, nevermind," sabi nito at lumapit sa kapwa maestro. Lumapit na rin kami sa mga ito na kanina pa pala nakatingin sa amin.

"Anong ginagawa ng mga estudyanteng ito riyo, Frit?" tanong ni Headmaster Aeriel sa maestrong kararating.

"M-mahabang kwento po. Makokonsumo ko lamang ang nakalaang oras para sa pagpupulong kung ikukwento ko pa kaya sasabihin ko na ang pinaka puno't dulo. Alam ng mga iyan ang tunay na naganap dahil dalawa sa kanila ang saksi sa pagkawala ni Arine. At kilala rin po ng apo ninyo ang naturang kampon ng kadiliman na kumuha sa prinsesa ng tubig," mahabang lintanya ni Sir Frit.

Ang malamig na tingin ni Master Aeriel ay tumuon kay Azriel na nakatingin sa malayo.

"Paano mo nakilala? Nasa iyo ang aklat na nawawala?" tanong nito.

Nawala sa kung saan ang atensyon ni Azriel at binalingan ang lolo na nagtanong. "Noong mga panahong bata pa lamang ako at dinadala ako ng hari rito ay madalas ako sa unang aklatan at binabasa ang naturang aklat. Memoryado ko pa ang mga nakalathala roon. At alam kong kilala niyo rin ang kampon na 'yon kung sino siya," sabi ni Azriel.

"K-kilala niyo, Master?" tanong ni Sir Frit sa nakatataas na bumuntong hininga. Sa ganoong paraan ay nakumpirma ang kaniyang tanong.

"Pero bakit hindi niyo man lang nabanggit noong nagpulong tayo kaninang madaling araw?" tanong ni Miss Limary.

"Dahil di ako sigurado kung siya nga ba iyon dahil medyo nawala na sa memorya ko ang mga ngalan nila sa sobrang daming impormasyon," sagot naman nito.

Napailing-iling na lang ako at walang galang na sumingit sa usapan. "Puwede po bang tama na muna ang usapan sa ganiyang paksa? Dumiretso na tayo sa nagaganap ngayon. Ang gulo sa sentro! Maaring baka si Yra ang may pakana no'n! Kita nyo," sabi ko sabay turo sa itim na usok na biglang lumitaw sa di kalayuan. Kumalat ang usok sa kalangitan. "Palaki na ng palaki ang gulo at heto tayo, nag-uusap! Hindi pa ba tayo kikilos? Maraming buhay ang maaaring madamay, may mga bata rin doon!"

"Huwag kang atat estudyante," sabi ni Master Aeriel kaya napalunok ako sa malamig nitong tingin. "Basta ka na lang bang susugod sa gyera ng wala man lang nalalaman na istratehiya?"

"Para sa akin, ang istratehiya ay mabubuo mismo sa utak ko kapag nasa mismong gyera na ako. Kusang gagalaw sa aksyon ang katawan ko at isasagawa ang istratehiyang kusang nabuo sa isip ko," sabi ko.

Sa loob-loob ko ay nagtataka na ako sa sarili. Saan ako humanap ng lakas ng loob para sagutin ang nakatataas na 'to?

"Paano kung ang biglaang istratehiya mong naisip sa gitna ng gyera ay mali lahat maging ang kalkula? Hindi mo na maibabalik ang oras para itama," turan ni Head Master Aeriel.

Ang mga nakikinig naman sa amin ay tila nanonood ng isang mainit na labanan.

"Dahil hindi ko na kailangang ibalik ang oras para maitama. Gagawa ako ng bago at susubok ulit!" sagot ko.

"I'm sorry for the unrespectful manner but we'll go ahead without any prepared strategies. We'll make when we were already there," sabi ni Azriel at lumapit sa akin. Nakakagulat ang kaniyang pagsang-ayon ngunit inayos ko ang saloobin at hinanda ang sarili sa anumang bubungad.

Ngunit, handa nga ba ako? Ni hindi ko pa nagawang makapag-ensayo ng laban! Saan ba kasi nanggaling ang mga pinagsasasabi ko kanina!? Oo nga at napatumba ko sa laban si Lexcey pero dahil sa nasa imaginary battle field lang kami no'n!

May biglang pumitik sa isip ko at hinarap si Sir Fier na nakamasid sa amin, "Kailangan ko po ng allowing spell dust." Mabikis itong tumango at may dinukot sa bulsa. Ibinuhos nito sa kamay ang laman ng boteng hawak at isinaboy sa akin.

"Tara na," halos mapaatras ako sa biglang contact namin ni Azriel. Humawak siya sa balikat ko kasunod ang iba sa kaniya.

Bago kami makapag-teleport ay biglang lumitaw sa harap namin si Samriel na suot ang seryosong ekspresyon sa mataba nitong mukha.

"Ang mamamayan ay nanganganib dahil sa isang babaeng naroon. Kung tama ako ay kilala niyo siya. Pakiusap ko'y bilisan niyo bago pa may mamatay na mamamayan ng Luzarcia," sabi nito. "Susunod ako." Kung hindi lang kami nagmamadali ay pinuri ko na siya sa diretso niyang pananagalog.

Akmang poprotesta ako sa sinabi niyang susunod siya ng tumango na si Azriel bilang pagsang-ayon. Nawala na ulit si Samriel at doon na kami nakapag teleport.

Isang malakas na sigaw agad ang narinig ko, ang ingay at takbuhan ng mga tao. Nang magmulat ako ay kita ko ang mga nasirang gamit na nagkalat pati na rin mga tindahan at nasa gitna ang isang taong suot ang itim na cloak at nakatalikod sa amin.

Sakal nito ang isang ginang na nagpupumilit kumawala sa hawak niya.

"B-bitawan. . . mo ko. . ."

"Mamaya na. Bibitawan kita kapag nandito na sila," nangilabot ang buong katawan ko ng marinig ang boses nito.

Malamig.

Kakaiba.

Hindi na tulad ng dati.

"Bitawan mo siya," sabi ni Azriel. Natigilan ang taong sakal ang isang mamamayang taga Sentro at agad itong binitawan. Agad na may lumapit at tinulungan itong makatakbo.

Ramdam kong tumaas ang tensyon ng unti unting humarap ito sa amin.

"Nandito na pala kayo. . ." Napalunok ako ng makita ang kabuuan nito. Hinipan ng hangin ang hood ng cloak nito at tuluyang bumadha ang mukha nito sa amin.

Hindi, hindi siya yan. Ibang tao 'tong kaharap namin.

Ngumiti ito sa amin ngunit iba na ang hatid ng ipinakita niyang ngiti sa amin, "Kanina ko pa kayo hinihintay," sabi nitong muli.

I can't believe that I'm seeing Arine in black and not on her usual bluish cloak.

Luxious Academy 1: Realm Of The Elementals (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon