←----• 35 •----→
"Battle In Between"
❅────────❅•°•°•❅────────❅
- Samantha's POV -Nagsipasok na kami sa silid ng una naming klase. Pagkaupo namin ay siya namang pagdating ng iba pa. Ang mga naunang grupo na pumasok ay nagtatawanan kagaya ng dati ngunit nang pumasok ang grupo nina Ainyd ay nakakapanibago.
Mga tahimik ito at nagbubulungan lang ang ilan. Huling umupo ang kagrupo nilang si Lexcey. Tahimik na umupo ito at matamang inilibot ang tingin.
Itinuon ko ang pansin ko sa kaniya. May nase-sense akong kung ano sa babaeng ito
I'm not pertaining to dark magic, okay? Wala akong kakayahan para ma-sense ang mga gano'ng bagay.
Hindi muna ako nakisali sa usapan ng grupo ko tutal ay wala rin naman akong maiaambag sa usapan nila dahil mahika at mga spells na natutunan nila ang pinag-uusapan nila.
Tama nga ang hinala ko sa kung bakit palinga-linga itong babae na 'to. Nang mamataan ako nito ay kusang nagsalubong ang mga kilay niya at tila nagngangalit ang mga ngipin na nakatingin sa 'kin.
Girl, I'm just sitting here and not moving at all pero naaasar ka na. What more kung gumagalaw na ko? Baka magwala ka na d'yan.
Napairap na lang ako sa kaniya at itinuon ang mata sa harap. Nadagdagan ang ingay sa klase ng magdatingan ang huling grupo.
"Shela, himala yata at hindi late ang grupo niyo?" tanong ni Ainyd sa kanila na siyang ginatungan ng iba ng kanilang mga komento.
Pinatong nito ang dalawang kamay sa mesa at pumangalumbaba. "Well, I can't miss seeing your precious groupmate na kakapasok lang, nag-cause na agad ng commotions kanina." Lihim na napangisi ako. Mukhang may alam din itong si Shela.
Nangingiti na umayos naman ng upo si Ainyd at walang sinabi. Ang taong pinapatamaan naman ni Shela ay prenteng nakaupo at nakatuon ang mata sa harap na parang walang naririnig.
I used to be like that.
"Magandang umaga!" nagulantang naman ang buong klase sa grand entrance na ginawa ni Sir Nate. Bigla na lamang kasi itong lumitaw sa harap ng klase. Malamang ay ginamit nito ang teleportation at bakas pa ang glitery dust na likha ng spell na ginamit niya.
"Ayy! Alam ko to! Alam ko to!" sigaw ni Aeros at napatayo pa habang tinuturo-turo ang maestro. Napataas naman ang kilay ng maestro at pinagkrus ang kamay sa harap ng dibdib na tila hinahamon ang kaalaman ni Aeros.
Ang katabi naman niyang si Light ay pilit siyang pinapaupo. Natawa na lang ang klase sa kalokohan niya. "Maupo ka, Aeros Wind. Pinapahiya mo ang grupo natin."
"Shatap!" mahaba at pasigaw niyang sabi habang pinipigilan ang sariling mapaupo dahil sa pwersang ginagawa sa kaniyang Light. "Ibabahagi ko lang ang kalaman ko! Masama ba?!"
"Ay mayroon ka no'n?"
"Kaalaman o kalokohan?" komento ng mga kasama namin sa silid.
"Wala ka namang utak kaya paanong may alam ka?" Isang tanong ang nakapagpatigil kay Aeros. Bumulalas ang tawa ng maestro sa harap dahil sa narinig.
"A-anong sinabi mo, Shela?" Hindi makapaniwalang tanong ni Aeros dito. Akmang susugurin ang babae nang mapigilan siya ng maestro.
"Ano ba kasi 'yang iniisip mo? Sige na. Ibahagi mo baka sumabog pa 'yang utak mo kakaisip."
Maayos itong tumindig at hindi naman na rin siya pinigilan ni Light. "Kaya ka may pa-grand entrance na gano'n kasi. . ."
"Kasi?" tanong namin habang inaabangan ang sagot niya.
BINABASA MO ANG
Luxious Academy 1: Realm Of The Elementals (COMPLETED)
Fantasy𝐒𝐭𝐚𝐭𝐮𝐬: COMPLETED (BOOK 1 of 2) SOON UNDER REVISION 𝐇𝐢𝐠𝐡𝐞𝐬𝐭 𝐑𝐚𝐧𝐤 𝐑𝐞𝐚𝐜𝐡𝐞𝐝: 1 in Dark Side, Princesses, Darkness 2 in Power, Elements, Darkmagic "What's your elemental power?" What do you expect...