←----• 07 •----→
"Impressed"
❅────────❅•°•°•❅────────❅
— Third POV —
Nakangiti pa rin sa kanya si Liza. A-ano ba tong lugar nato!? At paano ako napunta dito?! Tanong nya sa kanyang isip, halata ang pagkalito kay Samantha sa mga oras na iyon.
"Samantha?"
"The fvcking fvck!" Nasigaw nya nalang sa sobrang gulat. Ang kaninang nakangiting mukha ng ginang na kanyang kaharap ay napalitan ng pagkagulat. Napaatras pa ito ng kaunti dahil sa gulat.
"I-isa kang m-maharlika?"
"H-hah? A-ah,hindi! Hindi! N-nagkakamali ka." Aniya sa ginang at paulit ulit pang umiling. Nangunot ang noo ni Kiza sa tinuran ng dalaga.
"Kung ganun ay bakit marunong ka ng lenggwahe nila?"
"K-kasi…" Sam! Isip! "L-lihim akong ng-aaral! T-tama! G-ganun nga! L-lihim akong nag-aaral." Sabi nya nalang para makalusot sa tanong ng ginang.
Gumuhit ang pag-aalala sa mukha nito sa kanyang isinagot. Napalunok nalamg sya at inalis ang 'guilty feeling' na nararamdaman nya dahil sa pagsisinungaling. "Kung ako sayo ay ititigil ko na ang pag aaral ng palihim. Tanggapin nalang natin na ang tulad natin na mababa ang uri ay walang pagkakataon na matutunan ang dapat matutunan. Ihinto muna ang ginagawa mo dahil kamatayan ang kapalit." Nakangiti man ay malungkot ang tono ng salita ni Liza.
'kamatayan ang kapalit'
'kamatayan ang kapalit'
'kamatayan ang kapalit'
'kamatayan ang kapalit'
Napatanga si Samantha sa narinig sa ginang. Tila isang sirang plaka ito na paulit ulit nya na naririnig.
"B-bakit ang tulad n-natin na mababang uri ay walang kakayahan na matutuhan ang dapat matutuhan?" Takang tanong ni Samantha.
Kung sa mortal na mundo, may public at private naman. Sa public walang bayarin, sa private meron. Wag mong sabihin na private lahat ng school dito?
Ngumiti si Liza, ngunit ang ngiti nito ay hindi umabot sa kanyang mapungay na mata. "Dahil sa nag-iisa lang ang academia sa buong Luzarcia, mataas ang dekalidad ng mga itinuturo doon at lahat ng nakakapagtapos ay may natutuhang tunay. Ngunit ang kapalit ng mga bagay na iyon ay sadyang di kaya ng mga tulad natin." Ani nito at hinaplos ang buhok nya. Sandali nyang na-miss ang ina nya dahil sa ginawa ni Liza. Napangiti nalang sya dito.
"Ang kapalit ay salapi. Salapi na kasya na para sa pangkain sa mahaba habang panahon..." doon ay nawala ang ngiti nya.
Ito ang masaklap sa lahat, kapag wala ka talaga ng anumang materyal na bagay, hindi mo makakamit ang gusto mo...
Sumagi naman ulit sa isip ni Samantha ang kapalit ng pag-aaral ng palihim. Naalala nya ang nabanggit ni Lucas sa kanya noong nasa kakahuyan sila kanina.
"Bakit si Lucas? Nag-aa—"
"SAMANTHA!" Nagulat silang pareho ni Liza ng biglang bumukas ang pintuan ng kwartong kinalalagyan nila at pumasok ang humahangos at hubad-barong si Lucas.
Napatanga nalamang si Samantha sa nakikita. Napatikhim nalamang sya at nagbaba ng tingin. "B-bakit?"
"T-tara! N-nagyayayang maglibot si Lucy." Ani Lucas na halata ang pagmamadali sa tono ng boses. Natawa namang bigla ang kanyang ina.
"Anak, alam kong labis kang nasasabik sa paglibot ninyong tatlo ngunit sana naman naisipan mo munang magdamit dahil isang binibini ang kaharap mo. Simpula na ng kamatis ang mukha ng binibini dahil sa ginawa mo." At binuntutan pa ito ng tawa ng ina. Nailing naman si Samantha. Si Lucas naman ay namula din sa sinabi ng ina at doon napansin na wala syang saplot pang itaas.
BINABASA MO ANG
Luxious Academy 1: Realm Of The Elementals (COMPLETED)
Fantasy𝐒𝐭𝐚𝐭𝐮𝐬: COMPLETED (BOOK 1 of 2) SOON UNDER REVISION 𝐇𝐢𝐠𝐡𝐞𝐬𝐭 𝐑𝐚𝐧𝐤 𝐑𝐞𝐚𝐜𝐡𝐞𝐝: 1 in Dark Side, Princesses, Darkness 2 in Power, Elements, Darkmagic "What's your elemental power?" What do you expect...