←----• 38 •----→
"That Girl Again"
❅────────❅•°•°•❅────────❅
- Samantha's POV -"What's the best dish to cook?" tanong ni Firexia na nakahiga na ngayon sa kama niya. Mayamaya rin ay umupo siya at tiningnan kami ni Arine.
Currently, Arine's sitting on the floor and smoothly wiping her dumpy egg. Dapat ngayon ay ganiyan din ang ginagawa ko pero sa di kapani-paniwalang dahilan ay hindi binigay ni Azriel sa akin ang itlog.
"No, I can take care of it," 'yon lang ang sinabi niya at agad na kaming tinalikuran kanina kaya walang choice sina Lucas kun'di ang sumunod na rin.
Sumagot naman si Arine sa tanong ni Firexia, "Ang pinaka unang dish talaga na hinahanap ko kapag gathering na natin is 'yong calamistratus pullum," napahinga ng malalim si Arine at isinandal ang ulo sa higaan ko. "It feels like heaven kapag nakain ko na siya. Iyon na lang ang lutuin natin! Tiyak na tayo ang mananalong grupo!"
"You're seriously suggesting that dish? That effin' food needs to prepare least two days!" bulalas ni Firexia. Naiinis na ba siya n'yan? "Hindi mo ba alam na 'yang manok sa dish na 'yan kailangang isabit sa labas para maarawan sa loob ng dalawang araw para ma-achieve 'yong super crispy na texture? Ugh!"
Napanganga na lang si Arine sa narinig at agad na umiling. "Wala naman kasi akong alam sa pagluluto eh."
"I knew it," sagot ni Fire sa kaniya at napatampal sa noo.
"Eh ikaw ba, Xia?"
Mataman naming tinitigan ni Fire at saka siya ngumiti, "Asa ka naman." At saka ito bumulalas ng tawa. Ako naman ang napatampal sa sarili kong noo.
Anong gagawin ko sa dalawang 'to.
Binato ni Arine ng unan ko si Fire na agad nitong nasalag. "Isa ka rin naman pala! Eh paano mo naman nalaman 'yong process ng paggawa ng fave dish ko sa gathering?"
"Ah, I asked the cook before. Alam ko ang process but I don't know how to do." Kamot-ulo niyang sabi.
"Anong pagkain ba 'yang pinag-uusapan niyo?" tanong ko dahil kanina pa ako nakikinig sa kanila pero 'di ako maka-relate.
Umupo na rin si Firexia sa sahig kagaya ni Arine at nag-indian sit. "Handa siya sa gathering na kung saan 'yong pinaka chicken na sahog kahit mismong loob napaka-crispy," paliwanag niya na may senyas-senyas pa.
Kung wala lang sa tamang huwisyo si Arine baka kanina pa tumutulo ang laway niya.
Napabuga ako ng hangin. It seems like a good dish. Mukhang masarap pero ang problema, "I don't know either how to cook that."
Nalaglag ang mga balikat nila at napanguso naman si Arine. "Anong ihahanda natin n'yan. Wala naman tayong alam sa pagluluto."
"Even the guys? Wala ni isa sa kanila ang alam magluto? As far as I know, Lucas can," hayag ko at doon sila nagsiayos ng upo.
"Really?" tanong ni Firexia na tinanguan ko. "Then let's talk to them! Bakit nga ba tayo-tayo lang ang nag-uusap eh kagrupo nga pala natin 'yong mga 'yon."
We dicided to go downstairs. Tahimik naming nilakbay pababa ang hagdan para na rin hindi makaistorbo ng nga natutulog na. I asked them if puwede bang bumaba ng ganito pang oras. As far as they know daw ay puwede naman. They've never done this though at ngayon lang sila nagkalakas ng loob ng dahil daw sa akin.
Like, what's with me?
Pagkarating sa second floor ay tahimik pa rin ang paglalakad namin pero narinig kong isa sa mga pinto rito ay bumukas. Sinubukan kong lingunin kung anong kwarto ito pero agad na akong nahila ni Firexia kaya naman nagpadala na lang ako.
BINABASA MO ANG
Luxious Academy 1: Realm Of The Elementals (COMPLETED)
Fantasy𝐒𝐭𝐚𝐭𝐮𝐬: COMPLETED (BOOK 1 of 2) SOON UNDER REVISION 𝐇𝐢𝐠𝐡𝐞𝐬𝐭 𝐑𝐚𝐧𝐤 𝐑𝐞𝐚𝐜𝐡𝐞𝐝: 1 in Dark Side, Princesses, Darkness 2 in Power, Elements, Darkmagic "What's your elemental power?" What do you expect...