45 | Eroplanong Papel

353 15 1
                                    

←----• 45 •----→

"Eroplanong Papel"
❅────────❅•°•°•❅────────❅
— Samantha's POV —


ANG KANINANG LAKAS na naramdaman ko ay unti-unting nawawala. Hinihingal, nanghihina at medyo nahihilo na rin ako pero nagawa ko pang makapaglakad ngunit 'di nga lang ayos.

Pinilit kong humakbang patungo sa barko para makita ang mga bihag nila. Mga bihag na tao lamang ang nasa labas at ipapasok pa lamang yata ang iba nang dumating kami kanina.

Muntikan na akong mawalan ng balanse sa pagtapak ko sa tubig-dagat ngunit mabilis na binalanse ang sarili at humakbang nang dahan-dahan. 'Di ko naman inalintana ang mga sigaw ng mga bandidong nagdudusa sa ginawa ko.

Pero, paano ko ba 'yon nagawa?

Maging ako na gumawa ay nagtataka. Parang bihasang-bihasa ako no'ng banggitin ko ang mga katagang 'di ko naman maintindihan.

Itinuon ko ang pansin sa malawak na loob ng barko kung saan nagkalat ang nakataling mga hayop. Nagkalat din sa paligid ang mga lambat, sibat at kung ano-ano pang gamit para makahuli o makabitag sila.

Mayroon pa ngang treasure chest na nakasara na sa tingin ko'y may lamang mga alahas ng kung sino.

Binalot ng ungulan ng mga hayop ang pandinig ko. Halata ang sakit sa kanilang mukha dahil sa pagkakatali. Napalunok ako na parang may katagang gustong lumabas sa aking bibig.

Hindi naman ako nagkamali.

"Freed them," usal ko at mayamaya lang ay may lumitaw na glittery white dust na pinalibutan ang mga nakataling hayop at nang mawala ang dust ay nawala na rin ang tali.

Nilibot ko ang tingin sa mga hayop na unti-unting tumayo kahit nanghihina. Mga nakatingin ito sa akin nang diretso at walang mababakas na takot sa kanila. Agad na hinanap ng mata ko ang pamilyar na hayop pero.

Nabigo ako. . .

Isang hayop sa gilid ang nakita ko. Malaki. May kulay puti at itim na balahibo. Nakahiga.

Ang kulay puti nitong balahibo ay nababalutan na ngayon ng pulang likido.

"Leon. . ." sabi ko at napabagsak na sa kahoy na sahig ng barko dahil sa panghihina at hilo. Lumapit sa akin ang mga hayop na animo'y nais akong tulungan. Ang paningin ko ay nagsimula na ring manlabo.

"Nahuli. . .ako," usal ko bago lamunin ng dilim ang paligid.


— THIRD POV —



Nag-aalalang pinagmasdan ni Nate ang papalayong sina Samantha. Balak kasi nitong sumama para harapin ang mga bandido kasama si Ash. Siguro'y may sapat siyang dahilan, isip na lang ni Nate.

"Sir! Kailangan na 'to malaman ng konseho! Matagal na nilang gustong hulihin ang mga 'yon!" sabi ni Aeros na tinatanaw ang papalayong si Samantha mula sa malaking window glass sa may hallway.

"Alam ko. Pumasok na muna kayo sa loob. Ako nang bahala," ani Nate at agad namang sinunod ng mga ito.

"Teleportia. Lead me to my way," sambit niya sa spell na para sa teleportasyon at inisip ang lugar na pupuntahan. Agad naman itong nakarating at wala nang katok-katok na pumasok.

Bastos ko 'no? Aniya sa isipan.

"Teacher Nate, such a disgraceful manner." Napatikhim na lang ito nang bundolin ng kaba ang dibdib niya nang marinig ang baritono at malalim na boses ng Headmaster Aeriel.

Luxious Academy 1: Realm Of The Elementals (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon