40 | Naghihintay

460 14 0
                                    

←----• 40 •----→

"Naghihintay"
❅────────❅•°•°•❅────────❅
— Samantha's POV —



Nabalik ako sa sarili kong ulirat nang may humawak sa magkabila kong pisngi. Tiningala ko ang mapangahas na taong hinawakan ako. Walang sabi-sabi kong hinawakan ang kaliwa niyang kamay at pinakatitigan siya.

Nakabadha sa mukha nito ang pagtataka. Malamang siguro ay dahil sa biglaang pagtigil ko kanina. Mayamaya lang, ang kamay niyang hawak ko ay mabilis kong pinilipit kaya't napunta ako sa likuran niya.

Agad na pumalahaw ang sigaw ng prinsipeng nangahas hawakan ang mukha ko. "What the hell are you doing?!"

"Ako dapat ang nagtatanong niyan!" inis na sabi ko at mas diniin pa sa likod niya ang kamay niya, "What the hell are you doing?!"

"What?!" inis na pagbabalik niya ng tanong sa akin. Nagulat na lang ako ng pwersahan niyang nakuha ang kamay niya mula sa pagkakapiid ko sa likuran niya at hinigit ang baywang ko palapit sa kaniya!

Napamura na lang ako sa naging pagbabaliktad ng pwesto namin. Kanina lang ako ang may hawak sa kaniya, ngayon ay siya na naman!

"Ano bang mga bata 'to. Sa kalye pa talaga nagharutan."

"Takpan ninyo ang mga mata niyo, bata!"

"Hindi ba't anak yan ng hari at reyna ng yelo?"

"Ay nako, mga walang respeto at hiya!"

"Naturingang may dugong bughaw, tsk-tsk."

Agad akong nagpumiglas mula sa pagkakahawak niya sa baywang ko dahil sa bulungan ng mga taong nagdaraan. For pete's sake! Nasa gitna kami ng kalsada! "Bitawan mo ko, Azriel!"

"That shall be prince for you, miss," aniya at idinukwang palapit ang mukha sa akin! Agad na itinulak ko ang mukha niya gamit ang libre kong kamay. Dahil din doon ay nawala sa pagkakahawak niya ang baywang ko. Mabilis akong  lumayo sa kaniya at inambahan siya ng suntok.

"Sige, lumapit ka!"

Napataas ang kilay niya sa ginawa ko. Tumayo ito ng ng ayos at bumuntong hiningang pinagkrus ang kamay niya sa harap ng dibdib, "Really?"

Sa tanong niyang 'yon ay napagtanto ko kung anong antas ko. Mortal ako, wala akong elemento kagaya nila at mas malakas sila kaysa sa akin dahil nga normal lang ako.

Napangisi na lang ito ng ibinaba ko na ang kamay ko at inis na isinuot ang hood ng cloak para itago kahit papaano ang mukha ko sa mga tao. Peste! Gustong gusto ko siyang tirisin!

"Come with me," huli niyang sinabi bago ako tinalikuran. Himalang di niya ako kinaladkad ulit hah!

Sa pagkakataong 'to, puwedeng puwede akong tumakbo paalis at bumalik sa boutique kung nasaan sina Light. Nakatalikod siya at ilang metro na ang layo sa akin. Pero ito ako at nakasunod!

Inis na sinipa ko ang mga batong nadaraanan ko. Nakayuko lang ako at paminsan-minsan ay tumitingala para tingnan kung nasusundan ko ba siya. "Kainis naman. Dapat bumalik na ko, tsk." Naalala ko pa kasi 'yong pesteng utang na loob ko raw sa kaniya na ilang oras pa. At dahil gusto ko na rin namang matapos na ang pagiging bossy niya sa 'kin, susunod na lang ako. Guto ko nang matapos 'to!

Mayamaya ay narinig ko ang ingay ng mga tao. Nang tingnan ko ang dinaraanan ko ay saktong patungo na pala sa akin ang isang di pangkaraniwang karwahe. Mukhang nawala sa kontrol ang kabayo na pinapatigil ngkutchero ngunit hindi nito magawa. Ilang metro na lang ang lapit nito.

"Tumabi ka riyan!" takot na sigaw ng kutchero. Hindi pa man ako nakakahakbang ay naramdaman kong may humawak sa baywang ko at para akong lumutang sa hangin. Pagkadilat ko ay nakalagpas na ang karwahe na patuloy pa rin sa pagtakbo.

Luxious Academy 1: Realm Of The Elementals (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon