60 | E P I L O G U E

770 19 35
                                    


Thank you for being with me until the end of this BOOK 1! See you when I published the BOOK 2! For now, let's meet on "Bloodlust University".

I guess, before reading this part, ready some tissues? Kidding hshshs.


❝ 𝑰𝒕 𝒇𝒆𝒍𝒕 𝒔𝒖𝒓𝒓𝒆𝒂𝒍
𝑰 𝒄𝒂𝒏𝒏𝒐𝒕 𝒍𝒆𝒕 𝒈𝒐
𝑻𝒉𝒆 𝒇𝒂𝒄𝒆𝒔 𝒂𝒓𝒆 𝒃𝒍𝒖𝒓
𝒀𝒆𝒕 𝒕𝒉𝒆 𝒗𝒐𝒊𝒄𝒆𝒔 𝒂𝒓𝒆 𝒄𝒍𝒆𝒂𝒓
𝑴𝒚𝒔𝒕𝒆𝒓𝒚 𝒃𝒆𝒉𝒊𝒏𝒅 𝒅𝒓𝒆𝒂𝒎𝒊𝒏𝒈
𝑾𝒆𝒓𝒆 𝒔𝒕𝒊𝒍𝒍 𝒖𝒏𝒓𝒆𝒗𝒆𝒂𝒍𝒆𝒅
𝑰 𝒄𝒂𝒏 𝒐𝒏𝒍𝒚 𝒓𝒆𝒄𝒂𝒍𝒍
𝒀𝒆𝒕 𝒄𝒂𝒏𝒏𝒐𝒕 𝒃𝒆 𝒎𝒚 𝒓𝒆𝒂𝒍𝒊𝒕𝒚. ❞
_________



←----• EPILOGUE •----→

"Best Dream"
❅────────❅•°•°•❅────────❅
— Samantha's POV —


"Samantha?"

"H-hindi. . . Hindi. . . Nakabalik na ako? P-pero paano?! Paanong nandito ulit ako?!"

"Samantha! Jusko kang bata ka! Anong nangyayari sa 'yo?!" Bigla kong narinig ang padarang na bukas ng pinto. Nanlalaki ang mata na tiningnan ko ang babaeng matanda na papalapit sa akin.

"Samantha, ija. Anong nangyayari?! May masakit ba sa 'yo, hah? Sabihin mo! Dwain! Dwain!"

"Nananaginip lang ako. . . Oo, panaginip lang 'to," sabi ko sa sarili at pilit na tumawa. Ang matandang kaharap ko ay natigilan. "Lahat ng 'to, panaginip lang. Oo, panaginip lang! Pagkagising ko, makikita ko na ulit sila," dagdag ko at agad nang humiga at pumikit.

Ramdam ko naman na unti-unting may namumuo sa lalamunan ko. Hindi ko ito mapigilan. Napalunok na lang ako ng biglang namasa ang mata ko at ilang patak ang tuluyan ng dumulas sa pisngi ko.

"Samantha. . . Ano bang pinagsasabi mo?" Mayamaya ay isang haplos sa braso ang naramdaman ko. Ang kaninang butil lang na nalaglag ay tila naging ulan na dahil sa sunod-sunod na pagpatak.

"B-bakit ako nandito?" Muli kong tanong at idinilat ang mata. Nasalubong ko ang nag-aalalang tingin ni Nanay Dwen. Lalo akong napaiyak ng maramdamang muli ang kaniyang haplos.

Talaga ngang nakabalik na ako. Pero hindi ba dapat ay masaya ako? Bakit ako umiiyak? Ito naman ang gusto ko simula pa lang, hindi ba?

"Nay. . ." mayamaya ay isa pang boses ang narinig ko. Nakita ko naman si Dwain na lumapit kay Nanay Dwen at nag-aalalang pinagmasdan ako.

"Nay, bakit? May masakit daw ba sa kaniya? Bakit siya umiiyak?" tanong nito at nilapitan ako. Ako naman ay nakatulala sa kisame at patuloy pa rin sa pag-iyak ng mata ko.

At hindi ko alam kung bakit. . .

"Luna, may masakit ba sa 'yo? Sabihin mo sa kuya," sabi nito sa akin habang hinahaplos ang ulo ko. Imbes na sagutin ang mga tanong nila at nag-aalalang tingin, huminga ako ng malalim at dahan-dahan na umupo.

Inalalayan naman ako ni Dwain sa pag-upo at si Nanay naman ay tumayo na. "B-bumaba na ho kayo. Susunod na lang ako. . ."

"Papasok ka? 'Wag na lang kaya muna? Mukhang di ka maayos. Gagawa na lang ako ng letter—"

"Bumaba na ho kayo." Nakatulalang sabi ko sa kaniya. Nahinto ito sa kaniyang sinasabi.

"Nay, hayaan na natin. Tara na sa baba," aya ni Dwain kay Nanay at tinabihan na ito sa pagtayo. "Mauna na kami sa baba. Mag-ayos ka na, ah? Sumunod ka na rin," dagdag nito.

Luxious Academy 1: Realm Of The Elementals (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon