43 | Zeban's Palace

464 18 2
                                    

←----• 43 •----→

"Zeban's Palace"
❅────────❅•°•°•❅────────❅
- Samantha's POV -


NATAPOS ANG KASIYAHAN nang masaya ang lahat, siguro ay ako rin. Medyo hilo na si Lucas dahil nakarami rin ng inom. Mukhang natamaan din ng kaunti sina Light, Aeros at Azriel dahil malululam ang mga mata ng tatlo.

Firexia on the otherhand was akready asleep nang isinakay namin sa karwaheng maghahatid sa kaniya sa kanila. Ang natirang matino ay ako at si Arine na mukhang hindi man lang yata tumikim ng alak.

Bago makauwi ay siniguro muna ng mga maestro at nakatataas na makakauwi ang lahat at nakasakay na sa mga karwahe.

Nang makauwi sa Cerban ay mabuti na lang na tinulungan ako ng kawal na naghatid sa amin na buhatin papunta sa bahay si Lucas. Napagbuksan naman agad kami ni Tita Liza na gulat pa. Hindi rin naman nasabi na uuwi kami dahil hindi naman din namin alam na ang kinabukasan ay pahinga ng mga estudyante.

Pinasalamatan namin ang kawal na agad nang umalis. Inasikaso na muna ni Tita Liza ang anak niya na bihisan ng pangtulog kaya ganoon na rin ang ginawa ko sa sarili ko.

Walang batang Lucy na sumalubong, malamang ay tulog na ito dahil kalagitnaan na rin ng gabi. Habang nakababad ang katawan ko sa di ganoong kalaking tub na gawa sa pinagdikit dikit na mga bato at semento ay hindi mawala sa isip ko ang mga naganap.

Unang-una ay ang natuklasan ko tungkol sa librong nabasa ni Light. Ito ang nagbigay sa akin ng pag-asa na makakabalik pa ako sa mundong kinagisnan ko. Inaasahan kong makikita ko ito sa oras na makatapak ako sa palasyo ng mga Zeban.

Ang isa pang gumugulo sa akin ay si Azriel. Bigla-biglang nag-iiba ang ihip ng hangin sa prinsipe na 'yon. Kadalasan ay nakakainis siya para sa akin pero biglang may mga oras din na nagiging matino siya o kaya'y kumikilos ng nakakapagtaka.

Katulad nang nangyari kanina. Bigla na lang niyang nasabi na gusto sana niyang siya ang naging unang sayaw ko imbes na si Light.

Napahinga ako ng malalim nang maalala rin ang pangyayari noong bumili kami ng maisusuot niya.

Sa akin niya ipinapakita ang mga natiouhan niyanh damit at tinatanong kung maganda ba. Hinihingi niya ang opinyon ko. Sa huli ay napagtripan ko siya. Lahat ay sinabi kong bagay. Ni hindi man lang nagalit kahit na ang dami niyang nasuot at sinabi kong pangit na bandang huli ay sinabi kong bagay.

Nakakapagtaka talaga ang utak ng isang 'yon.

Nang matapos akong magbabad ay nilinisan ko na rin kaagad ang sarili ko para makatulog na. May balak akong gawin bukas.


TINANGHALI AKO NG gising. Heto ako at nagmamadaling naglalakad sa gitna ng kakahuyan dala ang isang basket ng makakain.

Balak kong bisitahin ngayon ang lawa para makita ang tigreng matagal ko ng hindi nasisilayan. Kamusta na kaya ang isang 'yon?

Balak ko rin na lumangoy sa lawa kung kakayanin ko. Gusto kong marating ang gitna kung saan nandoon ang mga batong nakapabilog.

Habang naglalakad ako ay rinig na rinig sa paligid ang mga hakbang ko dahil sa mga tuyong dahon na nagkalat. Halos hindi na nga makita ang lupa dahil sa tumpok ng mga dahong nangalaglag.

Sa tuwing umiihip din ang hangin ay naghahampasan ang mga sanga at dahon sa punong nagtataasan.

Para akong nasa probinsiya lang sa mortal na mundo.

Mayamaya ay narinig ko na ang pagaspas ng tubig. Nakita ko na nga ang lawa kung saan tahimik na nadaloy ang tubig sa kabuuan nito.

Pagkarating ay agad na dumiretso ako sa usual spot kung saan ako laging dumidiretso. Nilapag ko ang dalang basket at saka inilatag ang sapin na hiniram ko kila Lucas. Wala kasi si Tita Liza dahil nasa trabaho ito at isinama si Lucy.

Luxious Academy 1: Realm Of The Elementals (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon