20 | Headmasters

695 30 0
                                    

←----• 20 •----→

"Headmasters"
❅────────❅•°•°•❅────────❅
— Samantha's POV —



Tinignan ko ang katabi ko. Nakanguso ito at kunot ang noo. Kanina pa ako nagtataka. Kanina pa sya ganyan at hindi nagsasalita. Hindi ako sanay.

"Hoy..." bahagya pa syang napaigtad ng tapikin ko sya sa sa balikat.

"Tsk, anyare sayo?" Taka kong tanong sa kanya. Bumuntong hininga naman sya na parang problemado.

"Nag-aalala kasi ako..." sa isinagot nya at nagtaka ako.

"Kanino naman?"

"Para kila ina."

"Bakit ka naman nag-aalala sa kanila?"

Sa pangalawang pagkakataon ay bumuntong hininga sya. "Ito kasi ang unang beses na lalayo ako kila ina ng ilang araw bago sila makikita. Oo, ligtas sila sa bahay. Pero si Lucy. Mahilig siyang magpunta sa kakahuyan."

Hinawakan ko ang balikat nya. May pag-aalala niya naman akong tinignan. "Lucas, promise, walang mabangis na hayop doon-"

"Hindi lang naman yun ang pinag-aalala ko eh."

"Eh ano? Baka lapain ng alaga kong si Leon ang kapatid mo?"

"Hindi lang yun."

"Eh ano nga?"

Tinignan nya ako ng may pangamba. "Pagkalagpas ng kakahuyan, doon makikita ang isang dagat kung saan sa kabilang panig ay tanaw ang ilan pang bayan dito sa Luzarcia. At ang dagat din na yun ang sya mismong daanan ng mga bandido patungo sa mga lugar na nakapalibot doon para manggulo at maghanap ng mga may buhay na maibebenta."

Doon ay natutop ako sa kinauupuan. Hindi. Hindi nila magagawang makuha si Lucy dahil hanggang bungad lamang ito ng kakahuyan pero si Leon. Hindi. Alam kong lalapain nya ang sinumang lumapit sa kanya na di nya kilala.

Akmang magsasalita na ako ng tumigil ang sinasakyan naming karwahe at nagsalita ang kawal na siyang nagmaniobra nito.

"Narito na po tayo sa Akademia, ginoo at binibini." Sabi nito at bumukas ang pintuan ng karwahe. Agad naman akong lumabas kasunod si Lucas.

"Magandang gabi..." anang isang babae na nakasuot ng isang white cloak na may gold lining ang bawat dulo. Nakababa ang hood nito kaya kita namin ang kanyang itsura. May dala rin siyang isang babasaging bagay na naka connect sa metal na pahaba na hawak nya. Sa loob ng babasaging iyon ay may maputing dust na parang mga glitters na nagpapaikot ikot doon. At ang mas nakamamangha, nagliliwanag ito. Malawak ang sakop ng ilaw nito.

"Ako ang magiging gabay nyo ngayong gabi. Ako si Hazelle Scoford. Headmaster three sa Academia ng Luxious." Walang anu-ano, ang katabi ko ay napayuko.

"M-magandang gabi, H-headmaster Haze..." magalang na ani nito. Kahit na naka yuko ay tinignan ako ni Lucas. Hinila nya ako at sapilitang pinayuko.

"Ano ka ba! Magbigay galang ka." Sabi nya sa akin nang may diin kaya naman nag-aalangan kong ginawa ang ginawa niya kanina.

"Magandang gabi, Haze-"

"H-headmaster Haze, Sam!" Madiing ani na naman ng katabi ko.

"Headmaster Haze." At agad akong nag-angat ng tingin. Nakakangalay.

"S-sam..." madiing sabi ni Lucas at sinenyas na yumuko ako. Pero di ko ginawa. Nakakangalay na eh!

Narinig ko ang pagtawa ng Headmaster na kaharap namin ngayon. "Ikaw na lalaki. Base sa naging reaksyon mo ay kilala mo ako. Huwag ka nang yumuko." Mabilis pa sa alas-kwatro ba nag angat ng tingin si Lucas.

Luxious Academy 1: Realm Of The Elementals (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon