59 | Already

391 13 0
                                    

❝ 𝑩𝒂𝒄𝒌 𝒕𝒐 𝒘𝒆𝒓𝒆 𝒘𝒆 𝒖𝒔𝒆𝒅 𝒕𝒐 𝒃𝒆 𝒊𝒔 𝒘𝒉𝒂𝒕 𝒎𝒂𝒌𝒆𝒔 𝒖𝒔 𝒇𝒆𝒆𝒍 𝒄𝒐𝒎𝒇𝒐𝒓𝒕𝒂𝒃𝒍𝒆, 𝒔𝒐𝒎𝒆𝒕𝒊𝒎𝒆𝒔. 𝑰𝒕 𝒊𝒔 𝒂 𝒎𝒖𝒔𝒕 𝒕𝒐 𝒄𝒉𝒆𝒓𝒊𝒔𝒉 𝒆𝒗𝒆𝒓𝒚 𝒎𝒐𝒎𝒆𝒏𝒕 𝒘𝒆 𝒉𝒂𝒗𝒆, 𝒃𝒆𝒄𝒂𝒖𝒔𝒆 𝒎𝒆𝒎𝒐𝒓𝒊𝒆𝒔 𝒄𝒂𝒏 𝒐𝒏𝒍𝒚 𝒃𝒆 𝒓𝒆𝒄𝒂𝒍𝒍 𝒃𝒖𝒕 𝒄𝒂𝒏𝒏𝒐𝒕 𝒃𝒆 𝒓𝒆𝒕𝒖𝒓𝒏, 𝒕𝒉𝒆 𝒔𝒂𝒎𝒆 𝒂𝒔 𝒊𝒕 𝒊𝒔 𝒂𝒈𝒂𝒊𝒏. ❞
_________






←----• 59 •----→

"Already"
❅────────❅•°•°•❅────────❅
— Samantha's POV —





Ano na namang problema nito?

Busangot na naman ang mukha ng minamahal na prinsipe ng Luzarcia. Matalim ang pagkakasalubong ng mga kilay nito na tila ga-tuldok nalang3 ang natitirang puwang sa gitna.

Ang natitira namang tatlong lalaki ay prenteng nag-uusap. Nagkakahampasan pa sina Lucas at Aeros at mapapangiti lang naman si Light sa dalawa.

Si Arine at Firexia naman ay nasa kabilang mesa at kausap 'yong grupo nina Ainyd at Shia. Mukhang nagkakatuwaan pa nga. Himala at wala na naman si Lexcey. Walang panira ng araw.

Teka, may klase ba? Nasaan na ba si maestro? Na-late ata 'yon?

"Bakit na-late yata si maestro?" tanong ko sa sarili at tiningnan ang nakasara pa ring pinto ng spelling room. Baka bigla itong bumukas at iluwa ang maestro namin para sa oras na ito ngunit wala. Mukhang nakikigaya na rin kila Shela na late, ah? Hanggang ngayon wala pa rin ang tatlong coloring book na 'yon eh.

Nanindig naman bigla ang balahibo ko ng maramdamang sobrang lamig sa may paahan ko.

"Woy! Ano ba naman yan, Azriel! Mamamanhid sa lamig ang mga paa namin dahil sa 'yo !" Bulalas ko at napatayo. Sila Lucas naman ay nakataas na ang paa. Gano'n din sana gagawin ko eh ang kaso naka skirt ako.

Duh.

"Prince Azriel. Prinsipe ako. Kung makabanggit ka ng pangalan ko parang close na close tayo ah?" sabi nito na gano'n pa rin ang postura. Nakaupo habang nakasandal sa upuan. Ang isang kamay ay nasa mesa at ang isa ay nasa hita nya.

"Teka nga, akala ko ba kapag nasa loob nitong academia eh pantay pantay ang ranggo ng lahat? Walang mayaman at mahirap, walang mataas at mababa, walang prinsipe at prinsesa sa madaling salita! Lahat pantay pantay ng antas! Dahil iisa lang naman tayo sa loob nitong academia! Es-tud-yan-te!" Pagdidiin ko sa huling salita.

"Away 'to."

"Bakit ba kasi mukhang cold na naman si Prince?"

"Lagi naman yang cold, ah?"

"Malamang! Prinsipe ng yelo 'yan, eh. Mga tulok 'to."

"Kadiri ka naman!"

"Hoy, bakit ba ganiyan na naman ang mahal na prinsipe?" tanong ni Firexia habang nakatingin sa tatlong lalaki na nakataas pa rin ang mga paa sa kani-kanilang upuan. Mukhang natutuwa pa nga sa pwesto nila eh.

"Masama ang gising." At hayun ang iilang salitang sagot ni Light.

"Lagi namang iyon ang dahilan kapag ganiyan 'yan sa umaga, what I mean is ano ang pinaka rason?" Dagdag ni Firexia.

"Prince, sobrang lamig na ng sahig," sabi ni Arine habang nakatingin sa sahig na binabalot na pala ng usok dahil nga sa lamig. Nagtaasan na rin ng paa 'yong iba dahil sa lamig.

Luxious Academy 1: Realm Of The Elementals (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon