←----• 19 •----→
"Late night at Lake"
❅────────❅•°•°•❅────────❅
— Samantha's POV —Tatalon talon pa akong nagtungo sa loob ng kakahuyan dala ang isang sulo na nakita ko sa bakuran nila Tita Liza at pasimple ko pang inilabas.
Alam kong may mababangis na hayop dito pero para sa akin wala lang yun. Hmm, parang wala na ngang ibang hayop dito bukod doon sa tigre.
Pagpasok ay dire-diretso akong naglakad. Iisa lang ang direksyong tinahak ko para makapunta ako sa lawa.
Sa totoo lang parang may something sa lawa na yun eh. Sa unang tapak ko palang, parang ilang boltahe ng kuryente ang naramdaman ko ng maramdaman ko ang tubig sa kamay ko pero ang kuryenteng nararamdaman ko ay hindi masakit, nakakagaan sa ng loob at napaka papaya para sa akin. Gumaan din ang pakiramdam ko matapos nun.
'Ayy ewan...'
Nagpatuloy nalang ako sa pagpasok. Bitbit ko ang isang tela kung saan nandoon ang mga pagkain na ibibigay ko sa kanya.
Nakangisi kong pinagmasdan ang lawa. Katulad ng huli kong punta, payapa pa rin ito. Agad na hinanap ng mata ko ang puting makulit na tigre.
Actually, he's not an all white tiger. May mga black fur din sya.
Dahan dahan akong naglakad at sumilip sa likod ng malaking bato kung saan ko sya nakita dati at tama ako ng hinala. Nandoon sya kaharap ang isang itim na pusa?
Tsk, pati ba naman pusa kakainin nito!?
Kaya naman wala sa oras na sumigaw ako. "MAPUTING TIGRE!!"
At halos matawa ako ng sabay mapatalon ang dalawang hayop. Napaatras ng talon ang pusa habang ang tigre ay napalakas ang talon kaya nahulog siya sa tubig.
Natatawang lumitaw ako mula sa pinagtataguan. Ipinilig ng pusa ang ulo nito sa kanan na parang nagtataka. At ibinalik ang tingin sa tigre na ngayon ay pinapagpag ang sarili dahil nabasa ito.
Nang makaahon ang tigre at nagtinginan ang dalawang hayop. Hindi ito nagtagal ng ilang minuto. Nakakapagtaka naman. May 'titigan challenge' ba ang dalawang ito? Kalauna'y ako naman ang tinapunan ng tingin ng pusa bago ito tumalikod at tumakbo papasok sa kakahuyan.
Ngayon naman ay tinignan ko ang tigre na winawagwag ang sariling katawan. Nang magawi ang tingin nito sa akin ay sinamaan ako nito ng tingin pero pinagtaasan ko lang ito ng kilay.
Naiiling na umupo nalang ako sa isang bato na sakto para maupuan at pinatay ko muna saglit ang sulo. Maliwang naman ang lugar sa di ko malamang dahilan.
Nakita ko naman sa peripheral vision ko ang paglapit nya kaya inilabas ko na ang laman ng dala kong tela. Naramdaman ko naman syang umupo sa may tabi ko sa kaliwa at taka akong pinagmasdan.
"Leon..." tawag ko sa kanya at bahagya pa itong napaatras na parang gulat na gulat na ipinagtaka ko naman.
"Masyado ka namang gulat na gulat. Leon... Leon na ang itatawag ko sayo mula ngayon. Kesa naman tigre, masyadong panget." Nakita ko naman ang pagbusangot ng itsura nya.
"Alam kong tigre ka, pero Leon ang gusto kong ipangalan sayo kahit hindi ka Leon." Nakangiti kong sabi sa kanya at hinimas ang kanyang mukha. Natawa nalang ako ng maramdamang natigilan ito sa ginawa ko.
"Ah! Nga pala. Ito oh, papakainin kita." Sabi ko at ipinakita ang inihaw na karne ng baboy. Pumiraso ako dito bago ko inilapit sa kanya. "Ahhh..."
Nakuha naman nya ang gusto kong mangyari. Ngumanga ito ng kaunti at isinubo ko naman sa kanya ang karne.
"Siguro, mapapadalas nalang ang pagbisita ko sayo. Sayang ant ngayon lang kita nakilala..." sabi ko kaya't natigilan sya sa pagnguya. Nakangiti naman akong pumiraso ulit sa karne at tinignan sya.
"Hindi ko alam kung kailan ako makakabisita ulit. Sa mga susunod na araw, magiging abala na ako. Pero sana naman may araw na pwedeng lumabas." Sabi ko bago inilapit sa kanya ang karne at agad naman nya itong isinubo. Nakaukit parin sa mukha ng tigre ang pagtataka.
"Nanalo ako sa laro ng elemento, makakapa-" nagtaka naman ako ng makitang biglang mabulunan ang tigre. Anyare dito?
Mabilis itong tumayo at uminom ng tubig sa lawa bago bumalik.
Nagulat ba sya?
Naiiling na ipinagpatuloy ko nalang ang pagpapakain sa kanya.
- - -
Ilang oras pa ang itinagal ko sa lawa bago nagdesisyong umalis. At ang nakakatuwa pa, hindi ako naglakad. Pinasakay ako ng tigre sa likuran nya at sya mismo ang naghatid sa akin di kalayuan mula sa daan papalabas ng kakahuyan.
Nang maibaba nya ako ay pumunta ako sa may harap nya at hinimas ang mabalahibo nyang mukha. Napapikit naman ito sa ginawa ko.
"Aalis na ako. Hindi ko alam kung kailan ulit ako makakabalik hah? At wag kang mananakot!" May babala sa boses ko. "Takutin mo lang kung may masama silang intensyon." Sabi ko.
Di ko napigilang yakapin sya. Ramdam kong natigilan ito. Ang lambot nya!
"Hayss. Sana dati ko pa to ginawa. Ang sarap mo palang yakapin. Ang lambot mo. Hehe." Sabi ko bago lumayo sa kanya. "Oh paano? Alis na ako hah?" Sabi ko sa kanya. Dahan dahang tumango ang ulo nya bago umatras.
"Samantha-! Hayss! Sabi na nandito ka- anakkanangtigre!" Sigaw ni Lucas ng makita ang tigre sa di kalayuan sa likuran ko.
"A-ang kulit mo rin ano?" May takot na sabi ni Lucas habang nakatingin sa tigre.
"Ang cute nya kasi..." hindi ko napigilang sabihin kaya napailing nalang nito.
"Sige ingles pa. Wala namang magagalit. Ahh tara na nga pala. Gagamutin ka na ni ina. Malapit na ang oras ng pagsundo." Sabi nya sa akin. Muli kong ibinalik ang tingin sa likuran. Nandoon pa rin si Leon the Tiger. Wewww. Ang lupet lang.
"Paano kaibigan? Sa susunod nalang!" Sabi ko at sumaludo sabay kindat dito at natatawang umalis na...
- - -
Handa na ang lahat sa amin ni Lucas para sa pagpuntang muli sa Akademia. Ang mga tao ay hindi pa rin makapaniwala.
Kanina habang ginagamot ako, nabanggit ni Lucas kay Tita at Lucy na tinamaan ako ng tinik. Agad na itinuro ni Lucas kung nasaan ang tama ko. Nang tignan nila ay kataka taka na wala ang sugat maski ang peklat ay wala!
Nabalik ako sa sariling ulirat ng makarinig ng mga yabag ng kabayo. Kalauna'y nakita namin ang kaninang karwahe na sinakyan namin.
"Ayan na ang sundo nyo." Sabi ni Tita at hinatid kami sa labas kasama si Lucy. Nakatanaw mula sa mga bintana ang mga kapitbahay namin na nakatingin parin sa amin ng may pagkamangha.
"Mag-ingat kayo roon hah?" Sabi nito at tinignan kami.
"Ate! Isuot mo to hah?" Sabi ni Lucy at ibinagay sa akin ang tatlong pamusod sa buhok at isang flower crown.
"Sige. Salamat." Sabi ko sa kanya at ginulo ang buhok nya.
"Ina, alis na kami. Dadalaw kami dito hah?" Ani Lucas na nakangiti pero halata ang lungkot.
"Sige. Lakad na." Sumakay na nga kami sa karwahe at kalauna'y umandar ito.
Academy...
BINABASA MO ANG
Luxious Academy 1: Realm Of The Elementals (COMPLETED)
Fantasy𝐒𝐭𝐚𝐭𝐮𝐬: COMPLETED (BOOK 1 of 2) SOON UNDER REVISION 𝐇𝐢𝐠𝐡𝐞𝐬𝐭 𝐑𝐚𝐧𝐤 𝐑𝐞𝐚𝐜𝐡𝐞𝐝: 1 in Dark Side, Princesses, Darkness 2 in Power, Elements, Darkmagic "What's your elemental power?" What do you expect...