❝ 𝑻𝒉𝒆𝒓𝒆 𝒘𝒆𝒓𝒆 𝒂 𝒍𝒐𝒕 𝒐𝒇 𝒅𝒆𝒄𝒊𝒔𝒊𝒐𝒏𝒔 𝒕𝒉𝒂𝒕 𝒂𝒓𝒆 𝒉𝒂𝒓𝒅 𝒕𝒐 𝒕𝒂𝒌𝒆. 𝑰𝒏 𝒕𝒉𝒆 𝒎𝒊𝒅𝒔𝒕 𝒐𝒇 𝒄𝒉𝒂𝒐𝒕𝒊𝒄 𝒔𝒖𝒓𝒓𝒐𝒖𝒏𝒅𝒊𝒏𝒈𝒔, 𝒅𝒐 𝒏𝒐𝒕 𝒃𝒆 𝒐𝒗𝒆𝒓𝒘𝒉𝒆𝒍𝒎𝒆𝒅. 𝑩𝒆 𝒄𝒂𝒍𝒎 𝒂𝒔 𝒕𝒉𝒆 𝒔𝒆𝒂 𝒃𝒖𝒕 𝒔𝒕𝒊𝒍𝒍, 𝒃𝒆 𝒂𝒔 𝒅𝒆𝒂𝒅𝒍𝒚 𝒂𝒔 𝒚𝒐𝒖 𝒄𝒂𝒏 𝒃𝒆. ❞
__________←----• 54 •----→
"Once Again"
❅────────❅•°•°•❅────────❅
— Samantha's POV —"Arine?"
Ang kaninang paningin nito na nakatutok kay Azriel ay nalipat sa akin. Napakurap pa ako ng magkaroon kami ng eye contact.
Ibang iba siya sa Arine na nakasama ko.
Ang mata niya, itim na itim at walang kabuhay buhay. I know na maputi na dati pa lamang si Arine pero iba ang pagka-pale niya ngayon.
At nakasuot siya ng itim na cloak imbes na blue na siya niyang kulay.
Wala nang makitang ni isang tao kung nasaan kami ngayong parte ng Sentro. Mausok na rin gawa ng sunog na likha ng gulo at dahil din sa alikabok na sanhi ng daan. Kahit walang maaninag na tao ay rinig ko ang iyakan ng iba na mukhang nagtatago sa di kalayuan.
Umihip ang hangin. Nagtaasan ang balahibo ko at tila nagpawis ako ng malamig. Iba ang hatid sa akin ng kaharap namin ngayon.
Tumabingi ang ulo nito at tiningnan ako mula ulo hanggang paa at bumalik ulit sa ulo ko. "At sino ka naman? Ngayon lang kita nakita."
Ano raw?
"Anong—"
"We're not here to have some chit-chat with you. Where is Yra?" Pamumutol ni Azriel sa akma kong pagsagot kay Arine, o kung si Arine nga ba talaga itong kaharap namin?
"Anong kailangan mo sa kaniya? Nandito naman ako, Azriel. Huwag mong sabihin na. . ." ani nito na binitin pa ang salita. Ngumisi ito at tila nang-aasar kaming tiningnan, ". . .takot kang labanan ako?"
Lahat ay natahimik. Dahan-dahan akong lumunok dahil naramdaman ko na ang pagbabara sa lalamunan ko. Hindi ko maitago ang kaba ko. Kung sa normal na mundo ay nangunguna pa ako sa hilera ng pakikipagbasag-ulo pwes iba rito, hindi sila mga normal na tao.
Baka nga isang pitik lang ay maging duguan na agad ako.
Bigla itong tumawa. Malakas. Na akala mo'y isa siyang baliw na nakatakas sa pagamutan. "Natural! Hindi mo ako kayang labanan dahil ako si Arine. Kaibigan mo na hindi mo kayang saktan," pahayag niya na parang nang-iinis pa.
"Hindi ikaw si Arine," lakas loob kong sabi kaya mabilis na nawala ang ngisi sa labi niya at hinarap ako. Naglakas loob din akong makipagtitigan sa kaniya.
"Hindi ikaw si Arine dahil ibang iba ka sa kaniya. Oo, katawan 'yan ni Arine. Kontrolado nga lang ng lason ang utak niya," sabi ko rito. Nakatitig lang ito sa akin na tila naghihintay pa ng susunod kong sasabihin.
Tumikhim ako at magpapatuloy na sana ng bigla itong naglaho sa kinatatayuan nito. Naiwan ang mala dust na kulay itim. Akma akong lilingon sa paligid ng bigla siyang lumitaw sa harap ko at sinakal ako gamit ang kamay niya na may kahabaan ang itim na kuko.
"S-sam!" Sigaw ni Lucas na hindi alam ang gagawin. Napaatras ang iba sa kasamahan ko ngunit si Azriel ay nanatili sa pwesto niya at nakamasid sa akin.
Hindi ganoon kasikip ang magkakahawak niya ngunit unti-unti na itong dumidiin. Ramdam ko ang kuko nya na bumabaon sa akin.
BINABASA MO ANG
Luxious Academy 1: Realm Of The Elementals (COMPLETED)
Fantasy𝐒𝐭𝐚𝐭𝐮𝐬: COMPLETED (BOOK 1 of 2) SOON UNDER REVISION 𝐇𝐢𝐠𝐡𝐞𝐬𝐭 𝐑𝐚𝐧𝐤 𝐑𝐞𝐚𝐜𝐡𝐞𝐝: 1 in Dark Side, Princesses, Darkness 2 in Power, Elements, Darkmagic "What's your elemental power?" What do you expect...