-
"Hoy! Anong ginagawa ni Silver sa kwarto natin?" nagtatakang tanong ko dito kay Hana
"Wala naman" sabi nito habang ngumingiti pa ng nakakaloko. Parang may mali eh.
"Yung totoo?" at sinamaan ko ito ng tingin
"Wala nga. Tanong mo pa dito kay Kim"
Tinignan ko si Kim. "Gagawin mo pa kong sinungaling. Tss. Wala may kinuha lang si Silver"
"Pahamak ka talaga!" sabi ni Hana sabay tago sa ilalim ng kumot. Tsk, para talaga 'tong bata.
"Ano ba yung kinuha ni pilak?"
"Hindi ko alam" sabi nito ng hindi tumitingin sakin.
Tss. Mukhang may tinatago sakin ang mga bruhang 'to. "Ikaw, Yssa..alam mo ba -"
"Hindi" sabi nito.
Lumabas si Yssa ng kwarto. -__- Tch, problema nun?
Isa na lang ang hindi ko natatanong. At yun ay si "Humiram ng lingerie si Silver" biglang sabi ni Iris.
Nababasa ba nito ang iniisip ko ngayon?
"Hindi ako marunong bumasa ng isip. Ako na lang ang hindi mo natatanong dito"
"Ah.." umupo ako sa may sofa at nag-indian seat.
"Ang laki pala ng beach house nila Steven no?"
"Oo nga eh. Yaman talaga" dagdag ni Hana
"Ito siguro ang magiging pamana sa kanya. Swerte! Wala syang kahati" -Iris
"Yun ang akala nyo" sabi ni Kim sabay baba ng magazine na binabasa nya.
Napatingin kaming lahat sa kanya.
"Hindi lang kay Steven ang beach na 'to. Pagmamay-ari din ito ni Stephen."
"ANO?"
Napatayo ako ng wala sa oras. "Pano nangyari yun?"
"Hindi mo pa ba alam?" tumayo ito at saka pumunta sa kama nya "o baka alam mo na talaga, nakalimutan mo lang"
"Hindi naman ako ulyanin ah!"
"Nasabi na ata 'to ng author sainyo eh. Half-brother ni Steven si Stephen. Di nyo pa ba alam?"
BINABASA MO ANG
Living With Five Gangsters - Completed (Editing)
HumorAnong gagawin mo kung nalaman mo na titira ka pala sa isang bahay na puro gangster ang iyong kasama? Will you stay or not? :)