Epilogue

5.3K 88 3
                                    

-*-

Isang linggo na ang nakalipas simula ng mangyari ang aksidenteng nagpabago sa buhay namin.

Hanggang ngayon......hindi ko pa rin masyadong nags-sink in sa utak ko yung mga nangyare. Lagi kong tinatanong ang sarili ko..

Bakit siya pa? 

"Steven, tara na."

Napatingin ako sa nagsasalita.

"Susunod na lang ako." tapos ay nginitian ko siya ng pilit.

Lumapit siya at tumabi sakin. "Alam mo, hindi naman masamang umiyak e?" sabi nito.

Nakunot ang noo ko sa sinabi niya. "Alam kong nasasaktan ka sa mga nangyare. Well, sino bang hindi?"

Binaling ko ang tingin ko sa isang parihabang semento sa harapan ko.

"Ang dami kong nasayang na pagkakataon na makasama siya." sabi ko dito. "Kung alam ko lang sana na mangyayare 'to.."

"Steven..." mahinang sabi nito habang hinahagod ang likod ko.

Hindi ko napansin na tumutulo nanaman ang mga luha ko.

"Sht. Nakita mo pa tuloy akong umiyak."  nakangiti kong sabi kahit yung totoo, gustong gusto ko ng magwala sa sobrang sakit.

"Sabi ko naman sayo e. Hindi naman masamang umiyak. Hindi ka bato Steven tandaan mo yan. Nagtatapang-tapangan ka lang pag may taong nakapaligid sayo pero ang totoo? Isa kang sponge." 

"Ha?"

"Para kang sponge..tanungin mo kung bakit!" excited pa na sabi nito pero bigla na lang itong naiyak sa harap ko.

"Bakit?" 

"Lahat ng tubig or should i say, lahat ng kinikimkim mo pilit mong binubuhat para di ito tuluyang bumagsak pero..isa kang sponge, darating talaga yung time na kailangan mong pigain ang sarili mo para malabas lahat ng sakit para gumaan ang pakiramdam mo kahit temporary lang." 

Pagkasabi niya non ay tumayo ito at saka pinagpag ang suot niyang dress.

"Namimiss ko nanaman siya. Nakakainis! Sabi niya wag daw akong umiyak....Ah!!" 

Tumayo din ako at saka niyakap ito.

"Kasalanan ko! Bakit ba kasi ang nagkasakit ng ganito?! Eh di sana....sana buhay pa siya. Sana masaya na kaming dalawa ngayon" 

"Sssh. Sige, iiyak mo lang yan. Ikaw na rin ang nagsabing hindi masama ang umiyak di ba?" 

Living With Five Gangsters - Completed (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon