"Here." Lumapit sa akin si dad at saka iniabot sa'kin ang isang envelope. "Allowance mo."
Napangiti naman ako. May pangbili na ulit ako ng characters ko sa laro!
"Thanks dad!" sabi ko. Niyakap ko ito. Nakaka-miss din naman palang makita si daddy. Though, may part pa rin sa'kin na masama ang loob sa kanya. Hay. Bakit kasi kailangan niya pa 'kong i-evict sa mansion para lang tumira dito kay kuya? Wala pang isang linggo na nandito ako ay puro masamang awra lang ang nakikita ko kay kuya sa tuwing magkikita kami.
Naputol ang pagsisimangot ko ng makita kong tinapik ni papa si Steven.
"Take care of my daughter." sabi nito kay Steven. Papa, hindi ko kailangan ng maga-alaga sa'kin. Excuse me. I can perfectly take care of myself.
"I like your dad." sabay ngiti nito. "But I don't like you." sabi nito sabay alis.
"As if naman na gusto kita 'di ba?" napairap ako.
Umalis din naman agad si papa. Sumaglit lang daw ito ngayon para magdala ng allowance namin ni kuya. Usually ay iniiwan niya lang naman ito sa office ng bahay. Oo, malaki nga itong bahay na tinitirhan namin nila kuya. Pang-pamilya na nga ito kung tutuusin. May pool sa labas at maliit na garden.
Napasinghap ako ng bigla akong batuhin ng unan ni Steven. Sinamaan ko ito ng tingin.
"Ouch. What was that for?!"
"That's for hitting me with your book and baseball bat. " supladong sambit nito.
Oo nga pala. "At ano ba yung pinaguusapan niyo kanina? Sigurado ka bang wala kang balak na patayin ako?"
Natigil ito sa pag aayos ng lamesa at lumapit sa'kin. Niyuko naman nito ng konti ang kanyang ulo para mag-lebel ang aming mga mata. Ano ba 'to! Ang awkward! Pasalamat siya at mabango siya.
"Hindi ako ganung klaseng tao, Mildred." Tinaas nito ang aking baba at tinitigan ako ng matagal. "I will never do that to you."
Sa sandaling iyon ay naestatwa ako sa aking pagkakatayo. Sinasabi ng utak ko na tuluyan siyang itulak palayo pero hindi ako makagalaw. Sobrang liit na ng distansya naming dalawa. Hindi ko alam kung posible bang marinig ko ang tibok ng puso naming pareho dahil sa katahimikang bumabalot sa amin ngayon.
Bumuntong hininga ako at nung makakuha na 'ko ng lakas na lumayo ay inirapan ko ito. "Good. Mabuti ng malinaw."
Ngumiti ito ng pagkakaloko. Ugh. Ano bang nangyayari sa'kin ngayon?
"Ituloy mo na 'tong pag-aayos ng lamesa. Tatapusin ko lang ang niluluto ko."
Umalis din agad si Steven at naglakad papuntang kitchen.
Grabe. Kung ganon nga lang din siguro ang estilo niya sa pagkuha ng mga babae ay hindi na ako magtataka kung bakit marami ang naghahabol sa kanya. At bakit ko ba 'to iniisip? Yuck!
Gaya nga ng sabi nito ay nag-ayos na 'ko ng hapagkainan. Naglagay na rin ako ng placemat at mga utensils. Infairness at maganda ang mga napili nilang design ng dining. Dalawa kasi ang dining sa bahay na ito. Mas malawak nga lang ito kumpara sa isa na malapit sa dirty kitchen.
Kinuha ko ang aking phone para i-check ang oras. Pasado ala una na. Kaya naman pala ay medyo gutom na rin ako.
Nakita ko naman ang mga text sa'kin ni Yssa at Kyle.
Yssa:
Panget!! Sorry. Hindi ko napansing umalis kana pala kanina. Where are you?
Kyle:
Saan ka?
Isa isa ko silang sinagot bago binaling ulit ang atensyon ko kay Steven. Dala dala na nito ang isang pot na tingin ko ay yung ulam na niluto niya.
Tinanggal niya ang takip at agad kong nakita ang sinigang na kanyang niluto. Amoy masarap. Saan kaya nito natutunan na magluto?
"Let's eat."
Nagsandok ng sabaw si Steven at binigay sa'kin.
"Salamat." tipid kong sabi rito.
Tahimik lang kaming dalawa habang kumakain. Pinagmasdan ko si Steven. Ibang iba 'to sa Steven na nakita ko sa corridor. Okay, fine sige. May itsura ito. Fade ang haircut. Mabango. Matalino.
"Stop staring."
Natigil naman ako sa pag-oobserba sa kanya.
Yun nga lang, medyo sumabit siya sa pag-uugali.
"Steven." tawag ko sa kanya.
Hindi ito sumagot.
Nasa sala kami ngayon at kasalukuyan itong nagbabasa ng mga textbooks na hiniram nito habang minamasahe ang kanyang ulo.
"Steven?" tawag ko ulit pero hindi nanaman ito sumagot.
Mas lumapit pa ako sa kanya. Kaya pala hindi ako marinig, may nakasaksak na earphone sa tenga nya.
"Hoy Steven!" sigaw ko rito.
"What the fuck?"
Sinamaan ako nito ng tingin. Tinanggal ko lang naman ang earphones na nakasabit sa tenga niya. Kanina pa kasi ako naiinip dito. Hindi naman kasi ako tulad niya na mahilig advance study.
"Sorry. Inip na kasi ako. Akyat lang ako a?"
Bored itong tumingin sa'kin at ibinalik din agad ang atensyon niya sa kanyang binabasa. Sungit.
Nagmartsa na 'ko paakyat ng kwarto. Mag aayos na lang ako ng gamit ko at maliligo. Mag a-alas tres na rin naman kasi ng hapon kung kaya naman ay malamang tapos ang klase namin for today.
Wala rin naman daw kaming kahit anong assignment sabi ni Yssa. First day palang din naman kasi. More on orientation ang ganap today.
Pumwesto ako sa kama ko at tinitigan ang kisame.
Hindi ko na alam kung paano pa ako kikilos sa mga susunod na araw lalo pa't kailangan kong maging sunud-sunuran kay Steven. Wala naman sana itong kaso sa'kin pero I really need to focus on my studies. Akala ko ay ang relasyon lang namin ni kuya dito sa buhay ang iisipin ko sa buong stay ko rito. Hay.
Tumayo ako at kumuha ng damit mula sa closet ko. Magbababad na lang ako ngayon sa bathtub. Ayoko talaga ng marami akong iniisip. Nad-disturb nanaman ang inner peace ko.
Alas kwatro na pala. Hindi ko namalayan ang oras. Masyado yata akong nasarapan sa pagbababad ko.
Kinuha ko ang bath robe at isang tuwalya pa para sa buhok ko. Nagblow dry ako ng buhok at saka nagbihis. Naka-bestida ako ngayon na bulaklakin at off shoulder. Bigay ito ni Iris sa'kin nung nakaraang nag-Christmas party kami.
Labag sa kalooban ko na lumabas ng kwarto. As much as I wanted to stay inside my room ay naiinip na rin ako.
"Akala ko hindi kana lalabas."
Napasinghap ako ng makita si Steven sa labas ng pinto ko.
"May kailangan ka?"
He looked at me from head to toe. Pakiramdam ko tuloy ay nanliit ako sa mga tingin niya. Wala namang mali sa suot ko. O sa ayos ko. Nag-salamin pa 'ko at chineck ang sarili ko bago ako lumabas.
"Come."
Hindi naman nito sinagot ang tanong ko. Bagkus ay hinila niya lang ako.
**
BINABASA MO ANG
Living With Five Gangsters - Completed (Editing)
HumorAnong gagawin mo kung nalaman mo na titira ka pala sa isang bahay na puro gangster ang iyong kasama? Will you stay or not? :)