8.6

19.5K 300 21
                                    

Mataman kong tinitigan si Luke. Sabi na nga ba at mukhang pamilyar ang itsura niya. Siya pala itong ex boyfriend ni Yssa. I saw his pictures sa phone ni madam. Kaya naman pala iniyakan niya ito ng bongga. Luke's good looking. Matangkad ito at medyo moreno. Maamo ang mukha nito. 'Di mo aakalain na isa rin pala itong gangster.

Nandito na ang lahat. Umupo na sila sa dining area kaya umupo na rin ako. Food is ready! Tamang tama at gutom na rin ako.

"Magkakilala kayo?" tanong ni Kyle habang ngumunguya ng may laman pa ang bibig. Naku. Sa tuwing nagsasalita na talaga sila, nawawala na ang pagka good looking nila. Sa looks lang talaga pinagpala ang mga kaibigan ni kuya. Medyo lang sa personality.

"Oo magkakilala kami?" sabat naman ni Luke. Paano naman ako nito nakilala? I've never seen him in person. Ngayon lang. Nakita ko lang siya sa picture dati. Nung magkasama pa sila ni Yssa.

"Saan kayo nagkakilala?" tanong naman ni Steven. Well, it's a good thing na nagsasalita na ulit siya. 

Naalala ko nanaman ang pwesto namin kanina. He was hugging me ng madatnan kami nila Kyle. Halos ilang minuto rin kaming kinantyawan. Nawala tuloy yung moment ko. Though, I think good thing na rin yon. Medyo nawala na sa isip ko ang pinagkwentuhan namin ni Steven.

Binalik ko ang tingin ko kay Luke.

"Um.."  sabi ni Luke. Look's like he's searching for some words to say? Paano nga ba kami nagkakilala? Scratch that, paano nya ako nakilala? Is he like a stalker? 

Hindi naman kami pormal na na-introduce sa isa't isa ni Yssa. Tulad nga ng sabi ko before, hindi naman talaga mahilig si Yssa sa mga seryosong relasyon. All she does is make the man fall in love with her and break his heart. Kaya nakakapag-taka na ngayon ay siya naman 'tong nagiiiyak ng todo sa'kin.

"Siya yung EX nung best friend ko na si YSSA." sagot ko na lang, emphasizing the word EX and my bestfriend's name. 

"Ah." sabi ni Kyle. Tumawa ito ng malakas. Good thing at walang laman ang bibig nya. "Kaya siguro broken hearted 'tong si Luke!" dagdag nito.

"Dapat ang kaibigan ko ang broken hearted hindi yang si Luke! Siya nakipag break!" sabi ko. 

"I have my reason." nac-curious ako. Anong reason yon?


LUKE'S POV

Badtrip. Hot seat kanina. Pero hindi ko naman talaga masisisi si Mildred. Kaibigan niya yun eh.

"Oh. Ano na yung reason mo?"  paninimula ni Mildred.

Kinuha ko yung lighter sa bulsa ko at sinindihan yung sigarilyong hawak ko. Okay lang naman na manigarilyo dito. Nasa veranda naman kami.

Binuga ko ang usok na nasa loob ng bibig ko at tumingin sa malayo.

"I am going to marry...someone else" sabi ko rito. Labag sa kalooban ko ang pagpapakasal sa isang taong hindi ko naman mahal pero wala naman akong choice kung hindi sumunod.

"What?!" gulat na sabi nito. Ako rin naman. Nagulat nung sinabi sa'kin 'to. But it left me with no choice. 

"Arranged marriage to be exact." dugtong ko. Nakakatawang isipin na kahit pala nasa modernong panahon na tayo ay uso pa rin pala ang arrange marriage. 

Hindi ito sumagot. Tinignan ko ito saglit. Mukhang naghihintay ito ng kasunod na detalye.

"Nalulugi na yung business namin kaya napagdesisyunan ng dad ko na ipakasal ako sa anak ng business partner nya." Cliche. Pero anong magagawa ko. Nandito na eh? I can't let my dad down. 

Living With Five Gangsters - Completed (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon