-
Mildred's POV
Idinilat ko ang aking mga mata. Tulad kanina, may puting ilaw akong naaninag. Patay na ba ako? I mean, siguradong patay na ba ako?
"Thank God Mildred! Buti at nagising ka!"
Hindi ko masyadong makita yung nagsasalita...ang naaaninag ko lang ay yung --
Napatayo ako bigla.....Sht. "Hindi pa ko patay?" nagtatakang tanong ko dito.
Tinignan ko yung mga tao sa paligid ko.
"T-teka..." hindi ko mapigilang hindi mautal.
Nasa harap ko ngayon ang apat na lalaki na nakamaskara. Hindi pa ako patay?
Hindi na nila hawak hawak si Yssa...naguguluhan ako. Ano ba ang nangyayare?
Unti-unting lumalapit sakin ang isang lalaking naka-cape.....sya yung lalaking nagligtas sakin?
Hinawi nya ang buhok sa mukha ko at saka hinawakan ang kamay ko.. "I'm sorry"
Tinanggal nito ang maskara nito at tumambad sakin ang nag-aalalang mukha ni......Steven
"Anong....nangyare?"
Bakit ganito? Naguguluhan ako? "Sorry....ano kasi.." sabi ni Steven habang kinakamot ang ulo nya.
Napatingin ako sa mga lalaking naka-maskara at kay Yssa.
Dahan dahan nilang tinanggal ang kanilang mga maskara. "Sht ano ba 'to?!"
Hindi ko mapigilang hindi sumigaw. Pinaglalaruan lang ba nila ako?
"I'm sorry --" hindi ko na pinatapos ang dapat sanang sasabihin ni Steven.
"Yssa ano 'to?"
"Mildred.....i'm sorry"
"Ano ba? Bat ba puro kayo sorry?! Pinaglalaruan nyo ba ako?!"
"Ano kasi...." sabay sabay silang tumingin kay Steven.
"Mommy.....i'm sorry" kinuha nito ang mga kamay ko. "Ako ang may kasalanan ng lahat ng 'to...I just want to......surprise you..."
"What?"
"Look. I'm not good at this mommy >O<. Nagpatulong ako sa kanila....I want you to remember our first date kaya nagtanong ako sa kanila kung anong pwedeng pang-surprise sayo...."
BINABASA MO ANG
Living With Five Gangsters - Completed (Editing)
HumorAnong gagawin mo kung nalaman mo na titira ka pala sa isang bahay na puro gangster ang iyong kasama? Will you stay or not? :)