MILDRED'S POV
Mukhang napa-aga ata ako ng gising. Alas singko palang ng madaling araw. Ganito ba talaga tuwing first day ng klase? Hindi ko alam kung anong mafi-feel ko ngayon. Excited? Kabado? Anxious?
Umupo ako sa kama at kinuha ang phone ko. Makapag facebook na nga lang. Ang risky kasi kung itutuloy ko pa ang tulog ko. Baka ma-late pa 'ko ng gising.
"Being single is much better than being lied to, cheated on, and disresptected."
Like Comment Share
Hana Paredez : ang taray ng lola nyo ah?
2 minutes ago via Mobile Like
Yssa Gomez : syempre naman T___T
1 minute ago via Mobile Like
Aba ang mga bruha gising na. Mukhang hindi nanaman yata nakatulog ng maayos 'tong si Yssay ah? Inopen ko ang chat box namin at nagsend ng message sa kanya. Kaloka. Ano nanaman kaya ang ganap nito ngayon?
Chinat ko ito at chinika. Nag-kwentuhan lang kami saglit bago ako nagpasya na humiga ulit. Broken hearted pa rin itong si Yssa. Record breaking na 'to since lahat ng mga naging ex boyfriend niya before ay hindi naman niya iniyakan. 'Di ko nga lang sigurado kung naging seryoso ba ang relasyon nilang dalawa.
Ganon naman kasi halos lagi ang cycle ng relationships ni Yssa. Mabilis din kasi itong magsawa. Usually, hindi naman nagiging seryoso ang mga relasyon nito. Playtime lang kumbaga. Masabi lang na may kasama, may kausap, may susuyo, may kalandian.
Napagpasyahan naming magkita ng nine thirty ng umaga. First day. Kailangan maaga. Ayokong ma-late dahil kailangan ko nanaman i-adjust ang sarili ko sa new environment ko.
Six thirty am palang. Mahaba pa ang oras ko para mag-prepare. Kinuha ko ang towel ko at naligo. Buti at mayroong hot shower dito sa bahay nila kuya. Nagbabad ako ng saglit dito at nagmuni-muni.
Kinakabahan talaga ako. Awkward kasi akong tao kapag makikipag-usap sa mga taong hindi ko kakilala. Hindi ako magaling mag-start ng conversation. Well, unless kung sila ang unang maga-approach ay mukhang kaya naman.
Unti unti ko ng nar-realize ang lahat. Wala na ako sa mansion. Wala na sila kuya Gener. Sila manang Matilda para mag-alaga sa'kin.
Isinara ko ang shower at saka humarap sa salamin. Isinuot ko ang uniform ng school namin. Northville University.
Tinignan ko ang sarili ko sa salamin at saka nag-blower ng buhok. Ito ang hassle kapag may mahabang buhok. Ang hirap kapag basa masyado yung buhok kasi nababasa ang likod ng damit ko. Hay.
Pagkatapos kong mag-ayos ay kinuha ko naman ang backpack ko. Buti na lang at hindi ako tinamad na ayusin 'to kagabi bago ako matulog.
Lumabas na 'ko ng kwarto at saka kinatok ang kwarto ni Silver. Bawat pintuan ay may kanya kanyang pangalan na naka-engrave dito. Sosyalin.
Mukhang tulog pa ata pilak na 'to. Kinabig ko ang pinto nito at pumasok sa loob.
"Wake up sleepyhead!" inalog ko ito para magising. Alam kong maaga pa naman at hindi ito ang usual na gising nila. Pero tulad nga ng sabi ko ay ayaw kong ma-late sa bagong school ko.
"Mmmm.." aba't umungol pa. "Can you fucking..Ah! Forget it!"
Paano nanaman ako nito? Ayaw magising ni Silver. Lakas ng loob mag-offer ng ride pero hindi naman pala magigising ng maaga. Sino na ang maghahatid sa'kin ngayon? Wala na si kuya Gener para ihatid sundo ako. Namiss ko nanaman ang mansion!
BINABASA MO ANG
Living With Five Gangsters - Completed (Editing)
HumorAnong gagawin mo kung nalaman mo na titira ka pala sa isang bahay na puro gangster ang iyong kasama? Will you stay or not? :)