**
YSSA'S POV
"Hoy Mildred!" tawag ko dito. Maaga akong pumasok ngayon dahil balita ko ay nagsasara ng pinto ang prof namin ngayon kapag merong nal-late sa klase. Agad kong nadatnan si madam para ito ay lapitan. Mukhang busy pa nga.
Hindi ako sinagot ni madam. Ni lumingon ay hindi nito ginawa.
Dumiretso na 'ko sa desk kong malapit lang sa bintana. Hindi kami magkatabi ni Mildred ngayon at nasa likuran ko siya. Pareho kasi naming hilig ang umupo malapit sa bintana kung saan natatanaw namin ang labas.
Lumingon ako sa likod ko.
"Huy!" tawag ko ulit sa kanya.
"Ano ba! Ssssh nga!" sabi nito. Itinuon nya ulit ang atensyon niya sa kanyang cellphone. "Nagbabasa ako ng story sa wattpad. So if you please.." nagsenyas ito ng parang pinapa-alis ako.
Tignan mo 'tong bruhang 'to. May pa sabi sabi pa na mags-seryoso na siya this sem tapos kung ano ano naman ang inaatupag ngayon.
"Itigil mo na yan! Baka mahuli ka ni ma'am!" sabi ko dito. Tsk. 'Pag ikaw talaga napagalitan dyan, ewan ko na lang. Strikto ang professor namin ngayon. Na-meet ko na siya kahapon para sa orientation at isa sa kanyang classroom rules ay ang bawal na paggamit ng phone kapag siya ay nagk-klase.
Inayos ko ang laman ng desk ko. Ang cute talaga ng nabili kong notebook. Ang satisfying talaga na mamili ng school supplies. Marami akong nabiling colorful pens noong isang araw. May bago rin akong pencil case na alam kong sa kalagitnaan ng sem ay hindi ko na rin naman gagamitin. Tsk.
"Teka!, one shot lang 'to. Two pages lang. Promise, saglit lang 'to." sagot nito ng hindi tumitingin.
"Ano ba yang binabasa mo?" umirap ako.
"Ikaw Parin. Kinikilig ako." sabi nito. At nakafocus pa rin ang atensyon nya sa binabasa nya. Seriously?
"Patingin nga." sabi ko dito. Tumayo ako at lumipat sa tabi niya. Wala pa naman siyang katabi ngayon dahil medyo maaga pa at ilan ilan lang ang estudyante ngayon sa room.
"Go away. Hindi pa ko tapos." pagtataray nito.
"Dalian mo." pilit kong tinitignan at binabasa yung content. Well, mukhang no use ang paglipat ko ng upuan. I can't see rin.
"Okay." sagot nito. She's too busy reading.
"Surrender your gadget later ha?" pagpapa-alala ko dito. Baka mahuli siya ni ma'am.
Hindi ako nito sinagot.
Alas siete palang ng umaga. May ilan ilang estudyante na rin ang unti unting pumapasok ngayon sa room. Napukaw ng atensyon ko ang isa naming kaklase na mukhang mataray. Paano ba naman kasi ay kanina pa nito inaalog ang iced coffee niya. Required ba talaga 'yon?
Kinakabahan talaga ako dito kay Mildred. Bawal kasi ang gadgets dito sa school. I mean, pwede ka magdala ng gadgets pero kailangan mo syang i-surrender or itago once na hindi sya kailangan sa klase.
"Good morning class." bati ni ma'am. Alas otso na. Sakto ang dating ni ma'am. Tama nga sila na lagi 'tong on-time.
Sumagot kami in-chorus. Napansin kong hindi pa rin itinatabi ni Mildred ang gadget nya. I smell trouble.
"Mildred." tawag ko sa kanya sa pinaka-mahinang boses ko. Pasimple akong sumisilip sa likod ko para senyasan ang bruha.
Tulad kanina, busy pa rin ito sa pagbabasa niya. Akala ko ba one shot lang? Bakit ang tagal matapos?
BINABASA MO ANG
Living With Five Gangsters - Completed (Editing)
HumorAnong gagawin mo kung nalaman mo na titira ka pala sa isang bahay na puro gangster ang iyong kasama? Will you stay or not? :)