8.1

22.3K 338 35
                                    


**

"Sinusundan mo ba ako?!" galit na sabi nito. Duh! As if! Ang kapal naman ng mukha nito. Oo sige na. Aminado na 'kong may itsura ang antipatikong ito. Pasado sa standards ko. Pero it doesn't mean naman na palalagpasin ko ang ginawa niya sa'kin kanina!

"Wow." umakto ako na para akong nililipad ng hangin. "Ang hangin grabe! Nadadala ako. As if namang susundan kita? Sino ka ba?"

Nakita ko namang kumunot ang noo nito. Mukhang pikon pa ata ang isang 'to.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo at saka inirapan ito. Kung sa ibang pagkakataon siguro ay baka natuwa pa 'ko sa kanya pero hindi e. Gwapo ka lang pero wala kang manners!

"You'll pay for this!"  At talagang pinagbabayad pa ako ah! Ako na nga ang natumba at ginulat?

"Name your price." taas noong sabi ko rito. Mukha namang mas lalo itong nainis. Masasabi kong bagay talaga si kuya sa paaralan na ito. Mukhang requirement yata dito ay ang pagiging masungit or pagkakaroon ng mood swings e. Tulad ng lalaking 'to.

"FUCK!"

"Fuck ka ng fuck, as if naman na you can fuck!" 

Sinuntok nito ang pader malapit sa kanya. Hay! Akala ko ako na yung susuntukin e. Mabuti naman at yung kahoy lang at pinagdiskitahan niya. 

"Panget" nanlulumong tawag sa'kin ni Yssa. Inayos nito ang sleeves ng uniform ko at saka pinisil ang braso ko.

"What?" naiiritang sagot ko. Ang sakit ah.

"Bakit mo naman sinagot sagot yun? Hindi mo ba kilala yun?" tanong nito. Mukhang takot na takot ang gaga. 

"Hindi. At bakit ko naman hindi sasagutin yun? Binunggo niya ako. That jerk!" umiinit nanaman ang ulo ko sa tuwing naaalala ko ang encounter naming dalawa. Akala mo kung sino.

"Kahit na friend. You're dead. We're dead!" natatakot na sabi nito. "Ayon sa aking source, sya lang naman ang rank two sa pinakamagaling na gangster dito sa Pilipinas!" 

"And so?" mataray na sabi ko rito.  Gangster. Gangster! Pwe! Kailan ba ako tatantanan ng mga yan! Nakakasawa ha! 

"What if balikan tayo nun di ba? Aren't you afraid?" Nagkibit balikat na lang ako. 

Hinila na agad ako ni Yssa bago pa man ako makapalag.

"Ano bang section mo?"

"3D, magka-section tayo."

Dumiretso na kami ni Yssa sa classroom namin at umupo sa bandang likuran. Nasa tabi ako ng bintana kasi mas nakakapag-isip ako ng maayos kapag nakakakita ako ng nature.

"Okay class. I'm Ms. Cruz, your Chemistry teacher." sinulat nito ang kanyang pangalan sa board at saka tinignan kami. "Questions?"

"None, ma'am." we said in chorus.

"So, let's start by introducing yourselves."

Nagsimula ng magpakilala ang mga estudyante sa harapan kaya matagal pa bago yung turn namin. Ito ang isa sa mga bagay na nakakapagpa-anxious sa'kin. Ayoko talaga ng mga ganitong portion tuwing first day ng klase. Bakit kasi ang dami pang arte?

Natigil sa pagsasalita ang isa naming kaklase sa harap ng biglang may pumasok sa loob na isang demonyo. Kung minamalas ka nga naman.

"Steven, you may seat beside.." at tumingin si Ms. Cruz sa bakanteng upuan sa tabi ko. Well, hindi kasi kami magkatabi ni Yssa ngayon. Mahilig kasi kaming pumwesto palagi sa tabi ng bintana kung kaya naman ay nasa harap ko ito ngayon.

Living With Five Gangsters - Completed (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon