-- (Mildred's POV)
'Mildred, nandito ka lang pala!" Girl medyo obvious naman na nandito ako. Kasi kung wala ako, 'di mo 'ko makakausap. #AngTaray
"Ay, kasama mo pala 'tong si Steven." Hindi! Ibang Steven 'to. Actually na-meet ko nga lang siya dyan sa sulok. Oo. Tsk
"Hi Steven." nakangiti pa ang mga loka. Bawal ngitian ang property ko.
"Hello?" sagot naman niya. How dare you Steven! Nilalapastanganan mo ang pagiging mabait ko sayo!
"Ay? Ang taray?" Oo mataray ako kasi sinira niyo yung dati ko. Charing!
Nanatili akong nakapoker face. Paano ba naman kasi. Minsan kasi obvious na nga. Itatanong pa. At saka, hmm, ANONG GINAGAWA NILA DITO?!
PAANO NILA AKO NATUNTON?! MAY NAKALAGAY BA NA MICROCHIP SA KATAWAN KO PARA NAD-DETECT NILA KUNG NASAAN AKO?! Oo kailangan ganyan! Parang sumisigaw!
"P-paano nyo nalamang nandito ako?" tanong ko sa mga panget na 'to. Hindi naman talaga sila pangit. Tawagan lang namin. Actually nasabi ko na nga rin yun sa nakaraang chapter pero uulitin ko pa rin. Baka laitin nyo.
"Malay ba naming nandito ka?" sabi ni Kim ng tumatawa. Oo nga naman self. Malay ba nilang nandito kami ni Steven. Hindi ko naman pag aari 'to. Hmm, text ko nga si daddy na bilhin 'tong mall next time.
"Oo nga. Bakit? Naistorbo ba namin ang date nyo ni Steven?" pang-aasar ni Hana. Oo, isa pa 'tong hampaslupa na 'to kung makapang asar.
"H-hindi ah! Nag-grocery kami!" defensive na sabi ko kahit sa totoo ay feeling ko kinikilig ako. Ng very light.
"Weh?" Tapos hindi kayo maniniwala? Ganyan kayo e. Sinasabi na nga sa inyo yung dahilan, wa effect pa rin.
"Oo nga!" As in. Mukha ba akong liar? Oo medyo pangit ako minsan pero hindi naman ako nagsisinungaling no! (Depende na lang sa mga sitwasyon)
"Aber nasan na ang pinamili ninyo?" nakapameywang pa sila. Ano sila? Mean girls na pabebe naman in real life?
AY! Iniwan pala namin sa may baggage namin kanina. Saka ko lang na-realize.
"Okay lang yan girl. Bagay naman kayo ni Steven and Mildred excuse lang ha?" sabi ni Hana saka itinulak ako palayo kay Steven. Wow ate.
"O M G?! Steven is that chu?!" Oo Kim Chui siya yan. Kontrabida talaga 'tong Hana 'to. Pwe!
"I guess?" O sige manghula ka! I guess ka pa dyan. Porket mukhang model ka ng guess e ganyan kana.
"Ang.....ang gwapo mo!" sabi ni Hana habang tumatalon-talon pa. Hindi naman New Year pero bakit kailangan tumalon? May inaachieve na height? Ganon?
BINABASA MO ANG
Living With Five Gangsters - Completed (Editing)
فكاهةAnong gagawin mo kung nalaman mo na titira ka pala sa isang bahay na puro gangster ang iyong kasama? Will you stay or not? :)