Dedicated sa muskels ni Steven chos
-
"I can forgive you if -"
Hinawakan nya ang baba ko at bumulong...
"....if you would kiss me"
Automatiko namang gumalaw ang kamay ko.....
para BATUKAN sya. tss
"Anong kiss me kiss me ka dyan?!" galit na sabi ko dito.
"Joke lang mommy! Akala ko makakalusot.." sabi nito habang nagkakamot ng ulo.
"Makakalusot ka dyan.."
Makakalusot ka kung pipilitin mo ko.
SOMEONE'S POV (or should i say, AUTHOR'S POV) Chos
[Cellphone Convo]
"Ready na ba yang mga tauhan mo?" tanong ng isang lalaking tila nakatingin lang sa kawalan.
"Opo boss."
"Good. Sige, gawin nyo na ang dapat nyong gawin."
[END]
-*-
Habang naglalandian sila Mildred at Steven, ang mga barkada naman nila ay nasa labas lang ng room ng sauna. Naghihintay sa paglabas ng dalawa.
"Pre, mukhang matagal pa ata bago lumabas yang dalawang yan" sabi ni Kyle.
"Oo nga eh. Naglalambunchingan pa ata sila dyan sa loob" -Silver
"Pakibawas-bawasan nga yang panonood mo ng mga gay movies Silver. Tss" inis na sabi ni Zeke sabay alis.
"Korak!"
Napatingin ang lahat sa nagsalita.
"April?!" gulat na sabi ni Silver.
"Kuya!" pang-gagaya ni April sa boses ng kanyang kapatid.
"Bat ka nandito? Anong ginagawa mo dito?" sunod sunod na tanong ni Silver.
"Alam mo pre, tao rin naman yang kapatid mo. Tulad nga ng sabi ni Kyou.....'its a free country, i can do whatever i want'. Nasa democratic country tayo pre. Hayaan mo namang sumaya yang kapatid mo. Correct me if i'm wrong ha?" sabi ni Luke
BINABASA MO ANG
Living With Five Gangsters - Completed (Editing)
HumorAnong gagawin mo kung nalaman mo na titira ka pala sa isang bahay na puro gangster ang iyong kasama? Will you stay or not? :)