7

23.2K 325 22
                                    


**

MILDRED'S POV

Kanina pa ako pinapapak ng mga pesteng lamok dito sa may labas ng bahay. Nandito ako ngayon asi AKALA ko malapit na dumating si Kyle. Ugh. Napaayos ako ng upo ng biglang mag-ring ang phone ko.

Sinagot ko ito ng hindi tinitignan kung sino ang tumatawag. Btch please. Huhu.

"Hello?"

["Hey. I forgot to ask. Saan pala yung bahay mo?"]

"What the?" kaya naman pala walang anino ni Kyle ang dumadating ngayon dahil hindi naman pala niya alam ang address ko. Ugh!

["Paalis na ako tapos naalala ko na -

Bago pa sya matapos magsalita, pinatayan ko na ito. Stress! Masama na kung masama pero stress talaga! Paano na ko ngayon? Sinong magsusundo sakin?

*TING*

 Calling Panget Yssa...

"Hoy Yssa!" 

|"Yep?" |

"Where are you? Bakit iniwan mo ako? Kayo ni Hana!" bumalik na 'ko sa loob ng bahay at humiga sa sofa. Pagod na 'ko today ha! "Ugh. Sunduin mo ko dito please. Iniwan ako ni Silver."

|"Sorry. I'm busy. Bye! "|

At talagang binabaan pa 'ko. The nerve talaga! Matapos akong iwan?

Si Kuya kaya tawagan ko? Nah. Si Kim? Grounded yun ngayon.  Si Iris? Day off ng driver nya ngayon. Hindi sya marunong mag-drive and hell, ayokong makita sya ngayon. Tatarayan lang ako nun. Si Hana? My last hope!

Calling Panget Hana....

|"Hi sir, ma'am, ano pong order nyo?"|

"Weirdo! Sunduin mo ko dito sa bahay!" I commanded.

|"Since when pa ako naging driver mo?"|

"NGAYON! Please, dali na. Punta kana dito! I need you! Magagalit si kuya sa'kin pag di ako umuwi at saka bukas may pasok na!"

|"Fine, hintayin mo ako."|

Buti naman at hindi tinopak si Hana. Gusto ko na rin kasing umuwi at mag ayos ng gamit. Kailangan ko pang ayusin ang school supplies ko since bukas ay pasukan na. 

Iginala ko ang tingin ko sa bahay. One last look. Ang tagal ko ring tumira dito. Madalas ay ako lang at mga maid ang nandito. Hindi kasi palaging umuuwi si papa. Masyadong gigil sa trabaho. Nakakatampo minsan kasi may mga oras na hindi siya nakakasama sa mga school activities ko. Kaya madalas sila yaya ang kasama ko. Nasanay na rin naman ako sa ganoong set-up. I can't complain din naman since 'pag may kailangan ako ay agad din namang binibigay ni papa. Hindi nga lang masyado sa emotional support.

Hindi rin masyadong bumibisita si kuya dito. He hates seeing me. Hindi nun kaya magtagal sa isang lugar na kasama ako kaya nga medyo worried ako sa kung paano ang magiging set up naming dalawa sa bahay niya ngayon.

I think good thing na rin na may iba pang tao sa bahay ni kuya. Less awkward na rin para sa aming dalawa at hindi ako maiinip since nakakausap ko naman ang ilan sa mga friends niya.

Narinig kong may bumubusina na sa labas. Ang bilis ni Hana ah? Well, sabagay hindi naman ganon kalayo ang bahay nila rito.

"Hop in!" 

Agad naman akong sumakay dala dala ang backpack ko. Ito na lang kasi ang naiwan sa mga gamit ko since naiuwi nadala na rin ni Silver kanina ang ilan sa maleta ko. Well, hopefull nakarating iyon sa maayos sa bahay.

"Saan pala ang bahay ni Zeke?" tanong nito. 

"Whoa. Hindi mo man lang sya tinawag na kuya?" 

"Nope. Don't care." walang emosyon na sabi nito.

"Weird." bulong ko sa sarili ko.

"You're weirder. Now, tell me, saan ang bahay nyo?" Narinig nya yun?

Sinabi ko sa kanya yung napakahabang address ng bahay ni kuya. Bongga no? Parang PBB lang. Bahay ni kuya. 

Kuya Calling...

Mukhang masisigawan nanaman ako ng moody na 'to! Eight thirty na rin kasi ng gabi. Ang dami naman kasing ganap today so hindi ko na namalayan yung oras. Kasalanan 'to ni Silver! Kung 'di niya sana ako iniwan ay malamang siguro ay nakauwi na sana ako ng bahay kanina pa.

"Ang ingay naman nyan Mildred. Sagutin mo na nga yang tumatawag sayo." Pero mas nakakatakot talaga si Hana kaysa kay kuya. Swear. 

"Opo ito na. sasagutin na." Inirapan lang ako nito.  "Hello."

|"Where are you?"| 

"Nasa sasakyan po."

|"Sinong kasama mong umuwi?!"| kalmado ang boses pero ang vibes hindi. Alam mo, pwede naman kasing makipag usap ng maayos at hindi nananakot 'di ba? 

"Yung kaibigan ko kuya, si Hana!!" sigaw ko sa kanya pabalik. Akala niya siya lang pwede manigaw? Akala niya ako lang ang mababasagan ng eardrums today? Asa siya!

|"Hana?"| biglang naging kalmado ang boses nito. Hala?

Iniabot ko kay Hana ang phone para maprove na hindi ako nagsisinungaling. Trust issues din 'to. Akala naman niya niloloko siya. 

"Anong gagawin ko dito?" naiiritang tanong ni Hana habang tinignan lang ang phone sa harap niya.

"Kakausapin ka ni kuya!"

 "Hello?" agad namang kinuha ni Hana ang phone ko. Buti naman at nakisama ang isang 'to.

"Binabaan naman ako"

Napakamot ako ng ulo. Hindi ko nanaman matantya yung mood ni kuya. Naaanxious kasi ako sa tuwing nagiiba yung mood niya. Ayoko kasing nasisigawan ako at nasusungitan ni kuya Zeke. Ang sama pa man din ng buga ng bibig non. Nakaka-hurt minsan.

"We're here."

"Tara sa loob!" pag-aaya ko dito. Pero inirapan lang ako. Ano bang problema nito? 

 "Park lang ako saglit. " sabi nito at biglang pinaharurot ang sasakyan nito. 

"Get in!"

Napalingon ako sa nagsalita. Ito na nga. Papasok na. Huhu.

**

Living With Five Gangsters - Completed (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon