**MILDRED'S POV
"Tao po?"
Wala bang magbubukas ng pinto dyan? Mamaya biglang may sumunggab sa'kin dito sa labas ng bahay tapos saan ako dalhin ah! Hindi ko na kasalanan 'yon. Kanina pa 'ko nandito!
"Tao po? People po? Hayop po? May someone po ba dito?"
May tao ba dito? Or wala? O baka naman meron pero ayaw lang akong pagbuksan?
Masyado akong nalibang sa bahay nila Yssa kanina, hindi ko na tuloy napansin yung oras. 9:30 na pala ng gabi. Grabe, time flies talaga ano kapag nage-enjoy ka?
Hmm...Kung umalis na lang kaya ako tapos balik na lang ako bukas? Kanina pa kasi ako dinudumog na lamok dito na feeling Edward Cullen. Ginawa yata akong buffet ng mga insekto dito. Well...Hindi ko naman talaga masisisi ang mga lamok. May dugo talaga akong espesyal na tipong mga ordinaryong tao ay mapapakagat na lang sa akin.
Ilang minuto ang naka-lipas pero wala paring tao ang nagpapakita sakin. Napagpasyahan ko ng umalis muna.
Bago ako lumabas ng gate, tinignan ko muna ang itsura ng bahay na titirhan ko for 'i-don't-know' months. Mi ultimo adios.
"Uy sandali!" Bago pa man din ako makalabas ng gate ng bahay, may humawak sa kamay ko kaya napatigil ako.
"Um, hi?" I greeted him at tinignan ang kamay nitong nakahawak sa kamay ko. Kailan kaya niya mar-realize na nagiging awkward na ang atmosphere dito?
"You must be Zeke's sister?" sagot nito.
"Yes. Where's my kuya?" taray. May mga bisita yata siya. At iba pa talaga ang nag-welcome sa'kin ah.
"Wala sya ngayon dito, may pinuntahan ata?" sabi naman niya. Oh well.
Nagtitigan kami for a few minutes. Ano bang problema nito? Napatingin lang ako sa kanya kanina tapos biglang nagkaron na agad ng titigan contest? May dumi ba sa mukha ko? Mabaho ba ang hininga ko? Or talagang nabighani lang siya sa ganda ko?
"Pasok ka." sabi niya ng nakangiti.
"Um, saan ako papasok?" tanong ko dito. Syempre di ba, wala naman siyang sinabi na specific na lugar. Sabi niya lang, 'Pasok ka.', so? Nac-curious naman ako kung saan ako papasok di ba?
Sa pagkaka-alam ko...siya dapat ang pumasok hindi ako?
"Ah, dito sa loob." sagot naman niya ng nakangiti pa rin. Hindi kaya 'to nangangalay kakangiti?
"Saang loob?" tanong ko ulit. Syempre di ba, wala ulit siyang sinabi na specific place. Sabi niya, sa loob lang. So, saang loob? Sa loob ng basurahan? Sa loob ng sasakyan? Sa condo tapos dadala ako foods? Saan?
'Di ba dapat siya ang pumasok sa loob?
"Alam mo, ang cute mo." sabi niya then he pinched my cheeks.
"Alam mo, ang touchy mo." sabi ko sa kanya ng nakangiti. Inalis ko ang kamay niya sa pisngi ko. Baka naman kasi saan saan humawak 'to. Madumihan pa ang mukha ko. Aminado akong baduy ako manamit minsan pero mahal ang skincare ko so please.
"Hay. Tara sa loob ng bahay. Ayan." sagot naman niya.
"Yan. Salamat at nilinaw mo rin kung saan papasok at saang loob." sabi ko at kinuha ang maleta ko.
"Are you sure that you're Zeke's sister?" tanong nito. He grabbed my maleta and some of my maleta pa then binitbit niya. "Hindi kayo magka-ugali eh." dagdag pa nito.
"Unfortunately, yes. I'm his sister."
Hindi na siya sumagot. Naglakad na lang siya papunta sa loob...ng bahay.
BINABASA MO ANG
Living With Five Gangsters - Completed (Editing)
HumorAnong gagawin mo kung nalaman mo na titira ka pala sa isang bahay na puro gangster ang iyong kasama? Will you stay or not? :)