4

26.4K 425 39
                                    

**

MILDRED'S POV

"Girl..sure na sure na sure na sure na ba talaga si tito sa decision niya?"

"Unfortunately, yes."

Nandito pala kami ngayon sa bahay ni Yssa. Hindi muna ako dumiretso sa bahay ni kuya. Wala pa akong lakas ng loob para tumapak sa pamamahay niya.

"Saan ka ba lilipat ng school?" tanong ni Kim. Nagtipon tipon ang mga bruha matapos nilang malaman ang balita. 

"Dun sa school ni kuya daw." kinuha ko ang chips sa ibabaw ng lamesa. Grabe, iba talaga mga chicha sa bahay nila Yssa. Kaya sinusulit ko lagi sa tuwing nagpupunta ako dito. Sagana sila sa mga food na hindi mo makikita masyado sa mall. 

"Ha, bakit dun?" tanong ni Iris. 

"I don't know?"

Well. Hindi kami magkasama sa school ni kuya before at ngayon ko lang ulit siya makakasama. A part of me is excited and the part of me is not.

"Ayaw mo na talaga kay Stephen?"  -out of the blue na tanong ni Yssa. Weird. 

"Oo nga panget. Ayaw mo na ba talaga sa kanya?" dagdag ni Kim. Lumapit ito sa'kin at nilapit ang kanyang mukha. Ano bang problema ng mga 'to sa ex ko? May thing ba sila kay Stephen? Kasi sa kanila lang, 'di ko na need!

"Teka, kanina yung paglipat ko ng school yung pinaguusapan natin ah? Bakit napunta sa usaping ganito nanaman?" nakaka-amoy ako ng hindi kaaya aya ha. Ano bang meron at panay sila banggit sa pangalan ng ex ko?

"Ang dami mo namang sinabi. Yes or no lang naman ang sagot eh."

Nope. Nakapagmove-on na nga ako.

"Hindi na." I paused for a minute para tignan ang mga reaksyon nila. Aba at bakit biglang tumahimik dito? "Teka nga, may alam ba kayo na hindi ko alam?" I asked.

"Ha? Sus. Wala." sabay nilang sabi. 

"Eh bakit ba kasi kayo tanong ng tanong kung mahal ko pa si Stephen o hindi?"

"Ah? Wala lang. Nacu-curious lang kami. Right girls?" 

Nagkibit balikat ako at nagpatuloy sa pag-kain. I smell something fishy. Literally.

"Yssa, what's your ulam pala?"

"Fish fillet daw." Ah kaya naman pala parang may malansa.

Oo nga pala, may pasok na ko next week. Wala lang. Share ko lang.

"Ang boring naman."

"Oo nga. Ano bang pwedeng gawin?"  Ano nga ba ang pwedeng gawin sa ganitong oras? Magdidilim na rin pala.

"Yung exciting!"

"Yung may thrill!"

"Hmm.. Ano kaya pwede?"

"Dare or dare na lang kaya!" imbento talaga.  "Ganito yung gagawin. Yung mga dares, kailangan kakaiba. Dapat walang tatanggi sa dares ha!!" excited na sabi ni Kim. 

"O, sige sige., Teka kuha lang ako ng bote." -Yssa

Tumayo na si Yssa at naghanap ng bote. Bigla naman akong kinabahan sa gagawin namin kahit na sabihin pa nating laro lang yun. Iba talaga ang trip ng mga kaibigan kong 'to eh.

Ang hirap magpa-dare nitong mga kaibigan ko.

Naalala ko tuloy nung second year kami nung naglaro kami ng truth or dare? Natapat kay Hana yung bote. Dare ang pinili niya.

Inutusan siya ni Kim na tanggalin yung screw ng upuan ng teacher namin sa Bio. Kung hindi nya gagawin yung dare, sasabihin namin sa buong classroom kung sino yung crush nya. Take note, sikat yan sa school sa pagiging friendly, maganda, at mayaman kaya halos lahat ng tao sa paligid namin ay interesado sa personal na buhay nya. Medyo binayaran po ako ng kaibigan ko na purihin siya dito. 1 thousand pesos per puri. Sheth, may pangbili nanaman ako ng ice cream.

Dahil sa takot ni Hana na malaman ng classmates namin at nung crush nya yung totoo, ginawa nya yung dare at ayun! Instant 3 day detention ang inabot nya. Saya 'di ba?

"Okay game! Meron na tayong bottle."

"Start na!" Inikot na ni Yssa yung bote at tumapat yun kay Iris. Omg. Ito na!

"Oh. Anong ipapautos nyo?"

"Ah..lick your elbow na lang." ano tayo? Elementary? Wala man lang thrill! 

"Anong klaseng dare yan!? Alam nyo namang na 'di ko kaya gawin yun eh." mangiyak ngiyak na sabi ni Iris.

"So hindi mo gagawin?"

"Nope." nag-pout si Iris habang tinititigan si Kim. Ano nanaman kayang ipapagawa ni Kim dito bilang parusa sa pagtanggi niya?

"Okay. Maglabas ng 1k dyan. Bigyan mo kami. Take note, 1k for each one of us." sabi ni Kim. Instant isang libo. Wala pang limang minuto ang laro pero mukhang kikita pa yata ako ng pera. Now, this is exciting!

"Hala! Ba't naman ganyan!?" pagrreklamo nito. As if namang hindi niya kayang magbayad ng tig i-isang libo para sa'min. 

"That's your punishment for not doing your dare." mataray na sambit ni Kim. Alam kong gagawin din ni Iris ang gusto ni Kim since takot kaming masigawan nito. Pft.

"Alam nyo naman guys na mahirap lang ako eh." napairap kaming lahat.

"Really? MAHIRAP? Sinong niloloko mo? Branded shoes, bags, at damit plus a helicopter ride sa school? Yan ba ang mahirap Iris?!" sambit ni Yssa. Totoo naman kasi ang lahat ng sinabi nito. Halos every month may bago itong mga gamit. Hindi pa nga yata ito nakakapunta sa isang ukay ukay. Hindi ko rin naman siya masisisi. Galing sa isang established na pamilya sila Iris. Pero hindi naman ito tulad ng ibang mayaman na spoiled, well medyo. Mabait pa rin naman ito at humble at kung minsan ay nagtatayo ito ng mga charity event.

"Nagbibiro lang ako. Masama ba mag-joke? Tss. Oh eto.." naglabas ito ng wallet niya.."Ayan, tig-2k kayo. Mga mahihirap. Tss!" ang sama ng ugali. Na-hurt yata ako ng bahagya sa rude comment niya. Parang kulang pa yata 'to ng 3k?

"Ang saya maglaro ng dare or dare. May pangload agad ako!" masaya nanaman si Kim. Akala mo talaga naghihirap. Kung tutuusin ay kaya ng pamilya niyang gumawa ng planta para sa bagong telecommunication kung gugustuhin nila.

"Pangload? Naka-plan ka kaya! Naglolokohan na ba tayo dito?!" sumbat ni Hana.

"Next na dali!"

At ayun..Inikot na ni Iris yung bote at tumapat sa'kin. Well, this better be easy!

"Guys, pakidalian naman po yung dare."

"Kung sino man ang tatawag ngayon sa cellphone mo, sasabihin mo na mahal mo parin sya. Okay ba yun?" 

"Ang hirap naman ng dare nyo! Magbabayad na lang ako. Wag lang gawin 'tong dare na 'to."

"Shut up. Magtigil ka nga. Do our dare!"

"Ayoko." 

"Ah ganun?" sabi ni Kim habang tinataas ang kanyang kamay. Nako! Malakas 'to mambatok! Kawawa brain cells ko dito kung sakali!

"Okay sabi ko nga eh..Ito na o, hawak ko na phone ko. Gagawin na nga ang dare niyo. Parang 'di mabiro. Pero paano yan? wala namang tuma-

[0915******* calling...]

Kung minamalas ka nga naman. Unknown number pa. Mamaya scammer 'to or nanghihingi ng load or baka pagdidiskitahan nanaman number ko bilang number ng bigasan!

"Oh ayan Mildred, may tumatawag. Sagutin mo na para matapos na 'tong dare mo!" Kung makautos naman 'to. Akala may hinahabol na oras.

| Uhm..|

"Ah..mahal pa rin kita?"

| Ha? |

Binaba ko agad yung phone call. Hello, wala naman sa part ng dare nila ang makipag chit chat pa 'ko sa unknown caller 'di ba? I did my part. Pero.

Sino kaya yung tumawag? Lalaki yung boses eh?

Whoever you are...Saan mo nakuha ang cellphone number ko?!

*

Living With Five Gangsters - Completed (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon