**
"What the hell, Mildred!" galit na galit na sabi nito.
Pulang pula ang mukha ni kuya ngayon.
"Uhm, ako na ang humihingi ng sorry para kay Zeke. Sorry ah? pagpasensyahan mo na lang yang kapatid mo." lumapit ito sa akin at saka binigyan ako ng panyo. "Uhm, tahan na. Baka kasi sabihin ng iba, pinaiyak kita."
Nandito kami ngayon sa kabilang dulo ng corridor. Sa sobrang panic at takot ko kasi na mahabol ni Steven ay hindi ko na napansin na may nabunggo na pala ako. At sa kamalas malasan pang pagkakataon ay si kuya pa ito.
Hindi ko napansin na umiiyak na pala ako. Ngayon na lang ulit ako natakot sa kanya ng ganito. Hindi ko mapigilang malungkot sa tuwing naaalala ko ang mukha ni kuya kanina. Hindi ba dapat siya pa ang magtatanggol sa'kin sa panahong ganito?
"Hey." kinalabit ako ni Kyle kung kaya naman ay napatingin ako sa kanya. Concern ang mukha nito. Hindi ko alam kung bakit pero awtomatikong pumulupot ang braso ko sa kanya upang yakapin ito.
"Ah? Salamat pala Kyle." sabi ko rito. Sobrang naaappreciate ko yung presence niya ngayon. Pasalamat ko na lang talaga at kasama siya ni kuya kanina.
"Wala yun." nginitian ako nito. "Tara sa canteen? My treat."
Napangiti naman ako. May gwapong nagc-comfort sa'kin tapos ili-libre pa ako. Silver lining talaga.
Nagsimula na kaming maglakad ni Kyle ng biglang sumulpot si Yssa sa gitna naming dalawa.
"Nakakita ka lang ng gwapo, iniwan mo na agad ako. Baka nakakalimutan mo, kasama mo ako. Mga one hour ago?" umirap ito sa'kin at siniko ako.
"Oh. Yssa, meet Kyle. Kasama ko siya sa bahay."
"Hi!" bati ni Kyle. Naglahad naman ng kamay si Yssa at agad itong kinuha ni Kyle para halikan. Napaka-playboy! Parang kanina lang ay magkayakap kami. Tapos dumating lang si Yssa sa eksena ay nawala agad ako sa picture. Hay!
"Uhm." nilagay ni Yssa ang nakakalat nyang buhok sa likod ng kanyang tenga at saka ngumiti ng napaka-landi. "I'm Yssa."
"Akala ko..pupunta tayo sa canteen" kunwaring pagtatampo ko. Hindi ko mapigilang hindi mag-pout.
Hindi ako pinansin nung dalawa at patuloy pa rin sila sa paguusap. Hay. Guess I'll be eating alone then. Ayoko namang pumagitna sa kanilang dalawa.
Nagsimula na 'kong maglakad patungo sa cafeteria.
Namiss ko bigla ang dati kong school. Hindi ito kasing laki ng Northville University pero sobrang ganda ng atmosphere doon. Lahat ng estudyante ay friendly. Hindi tulad nito na ang hilig makipag away ng mga tao.
Napatigil ako sa paglalakad ng may mabunggo nanaman ako.
"Ay sorry ate." sabi ng isang lalaking mas matangkad sa akin. Tiningala ko ito para tignan. Siya yung lalaking ginulpi ng antipatikong 'yon kanina.
"Hindi ba tayo magka-age?" lumapit ako sa kanya at saka hinampas sa braso. "Ito naman. 'Wag mo na akong tawagin na ate." at ngumiti ako.
Kumpara kanina ay malinis na ang itsura nito. Mukhang galing pa ito sa clinic at puro bandages na ang mukha nito. Pero infairness, medyo may itsura din ang isang 'to.
"Mildred pala." sabi ko habang naglalahad ng kamay. Oo. Alam kong sinabi kong socially awkward ako sa tuwing may mga hindi ako kakilala na kumakausap sa akin. Pero nakalimutan ko yatang i-mention na hindi yon applicable kapag may gwapong nakikipag-kilala.
"Michael Xander." sabi nito sabay ngiti ulit. Ang cute ng dimples niya. Kung pwede lang akong magdive doon ay ginawa ko na. Parang baby boy. Hihi.
"Well. Can I treat you? Kahit sa cafeteria lang?" offer nito.
Tatanggi pa ba ang matres ko? Gutom na rin ako at ang lonely naman kumain magisa.
"Ano pa lang gusto mo?" tanong nito.
"Kahit ano. Hindi naman ako mapili." liar. May ilang food preferences din ako. Pero wala namang time mag-inarte kasi baka ma-off siya sa'kin. Syempre first meet namin 'to so kunwari go lang ako palagi!
"Sure."
Naghanap na ako ng seat para sa aming dalawa ni Xander. Oo, para sa amin lang. Ayoko ng may ka-share. Selfish ako.
Medyo marami na rin ang tao sa cafeteria dahil lunch time na rin. Malaki ang room na 'to. Color coded ang seats para mahiwalay ang highschool at college students. Sa kabilang building naman ang mga elementary.
Nakahanap ako ng seat malapit sa may bintana. Sobrang fan talaga ako ng nature kaya mas prefer ko na rin ang seat kung saan nakikita ko ang scenery sa labas.
"Here."
Napalingon naman ako. Inabutan ako nito ng isang sandwich at isang coke in can.
"Thank you."
Tahimik lang kami na kumakain ngayon. Hindi ko rin alam kung paano magsisimula ng conversation. Nag-focus na lang muna ako sa pagkain ko ng sandwich.
Ano na kaya ang balita kay Yssa at Kyle? Akala ko pa naman din ay susundan nila ako matapos kong mag-walkout kanina. Pero mukhang naging busy agad ang dalawa.
"Xander?" pagtatawag ko sa atensyon nito.
"Yes?"
"Ang gwapo mo." bigla kong sambit. Oo. Minsan wala ring preno iyong bibig ko. Hindi ko rin mapigilan. May itsura talaga si Xander. Mukha rin itong varsity player dahil sa height nito. Nasabi ko na bang mabango rin ito at amoy macho?
"What?" mukhang nagulat naman ito sa pagka-prangka ko. Kahit ako ay nagulat din dahil pabulong lang dapat yon!
"Ang sarap ng sandwich. Kamusta naman yang hotdog mo?" napatigil ako sa pagsasalita ng ma-realize kong may mali sa sinabi ko. "I mean, yung hotdog sandwich mo."
Ngumisi ito. "Okay lang naman yung hotdog ko. Gusto mo?"
Nagbackfire ang lahat ng mga sinabi ko. Biglang uminit ang pisngi ko. Oo, Xander. Gusto ko ng hotdog mo. Pwede pasubok?
Hindi ko na lang ito sinagot at baka may masabi pa 'ko na pagsisihan ko.
"Mildred."
Nagiba ang ihip ng hangin. Kilala ko ang may-ari ng boses na 'yon. Kahit hindi ko ito lingunin ay alam kong boses ng antipatiko iyon.
"Mildred."
Palapit ito ng palapit pero hindi ko pa rin ito pinapansin. Masama pa rin ang loob ko dahil napalabas kami kanina dahil sa pangungulit niya. And hello? Matapos niyang bugbugin 'tong si Xander ay akala niya ba ganon ganon na lang yon? Mamaya gantihan pa 'ko!
"Fuck."
Lumapit ito sa akin at saka hinawakan ang tenga ko. Napaka talaga!
"Let me go, jerk! You're hurting me!" Well. Hindi naman talaga ganon kasakit. Umaray lang ako para makakuha ng atensyon.
Nakita kong pinipigilan ng ilan sa mga kasama ni Steven si Xander.
"Are you f-cking deaf?" tinignan ko ito. Aba. Siya pa ang may ganang magalit. At ano raw? Deaf?! "Kanina pa kita tinatawag?!" galit na galit na sabi nito.
"Ano bang pinuputok ng butsi mo?!" pilit kong inalis yung kamay niya sa tenga ko. "Bitawan mo nga ako!"
Binitawan naman nito ang tenga ko. Napaka-papansin talaga. Konti na lang iisipin ko ng crush ako nito at kinukuha niya lang ang atensyon ko. Well, sorry siya hindi ko siya type. Masyado siyang antipatiko at feeling pogi.
"You'll be my slave."
Ang kapal ng mukha. Ang kapal kapal! "Are you crazy?" hindi makapaniwalang tanong ko dito.
Pinagsasasabi nito? Mukha ba 'kong katulong? I mean, okay sige fine minsan mukha kong manang at hindi kaaya-aya pero hindi naman palagi! Sadyang hindi lang ako marunong mag ayos ng sarili pero grabe naman 'to!
"At bakit ko naman gagawin yun?!"
"Because I said so."
As if on cue, lumingon ang mga tao sa likod. Tinignan ko ang boses nung nagsasalita. Nakangisi si kuya sa likod ni Steven. Jusme!
**
BINABASA MO ANG
Living With Five Gangsters - Completed (Editing)
HumorAnong gagawin mo kung nalaman mo na titira ka pala sa isang bahay na puro gangster ang iyong kasama? Will you stay or not? :)